PART FIFTEEN: BREAKING HIS HEART OF STONE

Start from the beginning
                                    

Walang makapagsalita sa amin.

"It's...a battle of principle, I guess," Newt said and stood up. "Pag-iisipan ko itong mabuti. I'll let you guys know if we should recruit Traise or not. Ngayon, maghanda na kayo."

Newt then wore his glasses.

"There's a reason why we were named as death chasers," he said and looked in our eyes. "Because we chase death."

Newt gave us a small bitter smile bago buksan ang pinto at tuluyang umalis. Ilang segundo lamang ay naiwan na kaming apat sa loob at walang makapagsalita sa amin. Lahat ay takot sa posibleng mangyari.

Nagsitayuan na kami at sabay-sabay na lumabas ng kwarto nang hindi manlang nag-iimikan.

"Anyway," sabi ni Casper nang maisara na namin ang pinto. "May birthday party mamaya sa karaoke hub near the office. Required tayong lahat pumunta. Gusto n'yo ba magsabay-sabay na tayo?"

"I'll go alone," Andrius said. "May hearing ako."

"Okay, then," Casper said. "Kayo?"

"Mag re-review lang kami ng case," I said.

"Great to hear, then!" sabi ni Casper.

"I'll go ahead," Andrius said. I watched him as he walked away.

"Soooo, sabay-sabay tayo mamaya ha," sabi ni Casper. "Masaya 'to, trio tayo!"

He then grinned at inakbayan ako.

"The dumb."

Itinuro n'ya ang sarili n'ya.

"The dumber."

At inakbayan n'ya si Aubrielle.

"And the dumberist."

We laughed but Aubrielle was annoyed. Hinampas pa nga n'ya ang kamay ni Casper.

"'Wag mo 'kong hawakan!"

"Arte mo naman!" singhal ni Casper. "Ang lagkit lagkit naman ng balat mo!"

"EXCUSE ME?!" Aubrielle exclaimed. "Halos isang oras kayo ako naliligo!"

"'Di naman nagsasabon..." bulong ni Casper na ikinatawa ko.

"Alam mo ikaw, napaka epal mo sa buhay. Hindi ka ba mahal ng nanay mo? Ooops!" sabi ni Aubrielle at tinakpan ang sarili n'yang bibig. "Wala ka nga palang nanay."

Casper's eyes widened.

"ANG LAKAS MO HA?! EH PAREHO LANG NAMAN TAYONG AMPON?!"

"Oo pero hindi tayo pareho ng paraan ng pagpapalaki na kinagisnan. Tingnan mo, lumaki kang papansin."

Napangisi ako habang pinanunuod sila.

"Huh! Kapag mas nauna kong nahanap magulang ko, tatawanan kita!" ganti ni Casper.

"Huh ka rin! Kapag ako ang nauna, hindi lang kita tatawanan, hahalakhak pa 'ko. Magpapa family picture agad kami, ipapa tarpaulin ko, at isasabit ko sa gate ninyo! Tse!"

Inirapan s'ya ni Aubrielle bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo. Maya-maya'y humarap uli ito at ngumisi.

"CASPER!" sigaw nito na ikinatingin ng lahat. "Zipper mo bukas!"

Nagtawanan ang ilang empleyado kasama ako. Ngumisi si Aubrielle bago naglakad uli papalayo.

"Buwisit 'yang pinsan mo na 'yan," sabi ni Casper. "Hindi naman bukas zipper ko, buwisit talaga!"

"Nakahanap ka ng katapat mo, 'no?" nangingisi kong sabi.

Tiningnan n'ya lang ako nang masama at may iniabot sa 'kin. Nang tingnan ko'y nanlaki ang mga mata ko.

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Where stories live. Discover now