See? I'm so good at history...

Nakatayo sa likod ng Hari ang panganay nilang anak, at sa likod naman ng Reyna ang bunso nila. Prinsipe Alejandro was standing right beside his wife, together with their first born, Prinsesa Marga. Gano'n din ang panganay ng Hari at Reyna, katabi niya rin ang asawa niya na ngayon ko lang yata nakita. Sa kanilang lahat, siya lang ang hindi ko alam ang pangalan. Wala siya sa tinuro sa amin. But she's indeed pretty, and classy. Walang sinabi ang asawa ni Prinsipe Alejandro sa kaniya. Napakaganda niya, matangkad, sexy, maputi, at parang bata kung titignan.

I love pretty girls...

Ano kayang pangalan niya?

They looked so happy, but there were something wrong in it. Lalo na sa dalawang anak ng Hari, they were smiling but there were pains in their eyes. Pains that no one would notice, because their smiles were convincing.

Smiles can be deceiving...

I scanned the magazine, and kagaya ng inaasahan ko, puro kayamanan lang ang nandoon. It's all about being part of a Royal Family and excessive wealth.

Boring...

I hate reading...

Napunta naman ako sa tabloids. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nacurious sa mga 'to. It's about them again. Issues and concerns about them and the country. Medyo luma at burado na nga lang ang iba dahil matagal na. Hindi pa yata ako pinapanganak diyaryo na 'to eh. 'Yung isang bulatlat na lang, sira na kaagad.

Be careful...

"Prince love affair?" Basa ko sa title ng headline. May nakalagay doon na picture pero hindi ko mawari kung sino sa dalawang prinsipe 'to. Medyo magkahawig kasi ang mga anak ng Hari. Wala rin namang nakalagay na pangalan. Hinanap ko kung nasaan ang buong article. Matagal ko 'yon nahanap dahil isang pitik na lang sa tabloid na 'to, goodbye Philippines na. "Ito," naupo ako dahil medyo nangangawit na ako. "Tae 'yan," wala akong mabasa dahil sa sobrang labo. "Ano ba 'yan?" Interesadong-interesado pa naman akong basahin. Dahil hindi ko mabasa 'yung picture na lang ang pilit kong inaninag. Magkaduling-duling pa ako sa kapipilit.

Napakamalas...

Sa damit pa lang, malalaman mo na kung ano silang dalawa. Hindi ko kasi makita ang mukha eh. I think may seremonya kaya nakatayo ang Prinsipe at siyempre may mga kasama siyang guwardiya, dahil ang relasiyon ng Bughaw at guwardiya ay parang tao at pagkain. Hindi sila mabubuhay ng wala ang isa't-isa.

Tinitigan kong maigi para makita ko kung anong mali sa litratong saksakan na ng labo. Sigurado ako may kakaiba rito, hindi 'to ilalagay dito kung hindi 'to related sa headline. Natawa ako ng sa wakas ay makita ko na kung ano ang meron sa litrato. Ang Prinsipe at ang isa nitong guwardiya ay palihim na magkahawak ang mga kamay.

Huli ka balbon!

"Bawal na bawal 'yan bata," tatawa-tawang sabi ko.

Minsan talaga, mapaglaro ang tadhana. May mga bagay kasi na mali sa iba pero sa mata ng taong gumagawa ay tama. Kaya nga hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang, 'ang kasalanan mo lang ay nagmahal ka ng maling tao', mali 'yan. Kahit na kailan, hindi naging kasalanan ang magmahal, ang mali mo, alam mo na ngang mali itinuloy mo pa. Mahirap pigilan ang damdamin, pero laging tatandaan na ang pag-ibig ay hindi barter system. Hindi sa lahat ng oras kailangan nito ng kapalit. Masarap magmahal, pero mas masarap magmahal kapag wala kang nasasagasaan. Kaya kapag alam mo ng wala kang aasahang tibay sa kaniya, lumayo ka na.

Tumayo na ako at binalik ang tabloid na nakuha ko. Tigilan na natin ang kalokohang 'to, masiyado na akong nagiging chismoso. "Ay peste," nagulat ako dahil may ipis na dumaan. Ayaw na ayaw ko pa naman diyan, lalo na sa daga. Nahulog na naman tuloy 'yung mga nasa ibabaw. Sa sobrang pogi ko pati mga karton at gamit na patapon nahuhulog na sa akin.

Diyahe...

Hindi pa man lang din ay tawang-tawa na ako. Puro kasi throwback pics ni Mommy 'yung nandito. "Ayon oh," pinagpipicture-an ko lahat pati 'yung nagsagala siya. Pagtitripan ko na naman siya mamaya. "Sana all nakapikit sa class picture." Natawa ako ng husto nang makita ko ang ilan sa mga 'yon. Nakita ko rin ang slam book ni Mommy.

Alamin natin kung gaano kajeje si Mommy dati...

Binuksan ko 'yon at ang amoy ng isang lumang bagay ang bumungad sa akin. "Hmm..." Natakpan ko ang ilong ko, bago pinagbabasa ang mga nandoon. "Favorite color, pink." Common na sa babae 'yan kaya hindi na ako nagulat. "Birthday, February **, ****. Hobbies, reading and eating. Motto, time is gold." Napangiwi ako.

Wala na bang ibang mas cocommon pa rito?

Pwede namang time is important na lang...

Para maiba naman 'di ba?

"Favorite food, spaghetti. Sus," natawa na ako ng mas malakas kaysa kanina. Ang common kasi ng sagot niya. "Sports, none. Who is your crush, Simon. Uy sino 'to?" Naintriga kaagad ako parang ang sarap asarin ng Nanay ko. "First love, Simon na naman? Sino ba 'tong Simon na 'to?" Hindi ko inasahan na may paganito na rin pala dati. "Dream, to become his." Napangiwi na naman ako.

Mukhang tinamaan ang ermats ko sa Simon na 'to ah?

"To become his pala ah?" Naiimagine ko na ang hitsura ni Mommy habang inaasar ko siya. Tumayo ako at kinuha ang slam book niya. Itatago ko 'to para babasahin ko ulit sakaling makalimutan ko.

Bumalik na ako sa kuwarto ko at naligo. Nagsuot din ako ng mga damit na komportable para mas makagalaw ako. May mga ugok kasi kaming patutulugin ngayong araw.

Mayayabang eh...

Tahimik akong umalis ng bahay. Nag-iwan din ako ng message kina Mommy na 'wag na akong gisingin kasi tulog ako. Ganiyan lagi ang modus ko kapag nakikipagrayot kami.

Nakarating na ako sa lugar kung saan kami mag-iipon-ipon. Dito namin napag-usapang magkikita-kita. "Ano handa na ba lahat?" Tanong ko sa mga kasama kong kumakain. Kailangan may lakas kami para tumagal at masabayan ang lakas ng kalaban namin.

"Anong gang ba kalaban natin?" Tanong ni Matthias habang nag-uunat ng buto.

"Elites," sagot ko. Pamilyar na sa akin 'yon dahil isa 'yon sa sikat na gang sa school. "Si Big Boss?"

"Nandito ako," narinig ko na ang nakakatakot niyang boses. "Tara na, mas maganda nang mauna kaysa mahuli. Baka mamaya may patibong ang mga hayop na 'yon." Maangas siyang tumango bago sumakay sa motor niya. Ako naman nakiangkas lang. Hindi kami pwedeng mahalata kaya paisa-isa ang punta namin. "Anong oras na?"

"5," sagot ni Elvin.

"Anong call time?"

"4:30," aniya.

Huminga ng malalim si Clarissa bago humarap sa amin. "Atras," utos niya.

"Bakit?" Ako ang unang nagreact.

"Dali," garalgal ang boses niya. "Dalian niyo!"

Umatras kami kaagad pero nahinto rin dahil naglabasan na ang mga hinihintay namin. Agad na uminit ang ulo ko nang makita kong may dala silang mga kahoy na pamalo. "Wala 'yan sa usapan!" Kamay sa kamay at lakas sa lakas lang ang labanan.

Nagtawanan ang mga g*go. "Alam mong hindi kami tutupad sa usapan," sabi ng lider nila. "'Ge banatan na 'yang mga 'yan!" Nagsimula na silang sumugod sa amin.

Mga t*lkshits...
__________________________________

CHIKADORANG_NEGRA

HIM & I [SEASON 3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now