Chapter 395: FQ (SFD8)

176 16 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Hindi pa rin ako mapakali dahil hindi pa namin nakikita si Alex hanggang ngayon. Wala rin kaming ideya kung saan mag-uumpisang maghanap. Pinaalam na namin kay Kuya Reiven para makatulong na rin. Siya na raw ang bahalang magsabi kay Tita na nawawala ang Bula'ng saksakan ng bait.

"Coach anong sabi?" Tanong ko kay Kuya Reiven matapos niyang kausapin si Tita.

"Saglit lang daw eh, pero nag-usap daw sila ni Dalaga kanina. Kaya lang, hindi yata naging maganda ang usapan nila. Ewan ko," nagkibit balikat siya. "Binaba kaagad ni Mamaw eh, pero baka may alam 'yon. Hantayin lang natin."

Marahan akong tumango. Naisip ko tuloy na baka nagtampo na naman 'yon kay Tita, kaya nagbulakbol na naman. Maramdamin kasi siya pagdating kay Tita. 'Yung sa buhok niya nga lang na ginupit nawiweirduhan na ako eh. Napakahirap talagang intindihin ng pag-uugali niya minsan. Kaya kung hindi ka sanay, kaiinisan mo talaga siya ng husto.

"Anong oras na?" Tanong sa akin ni Loona. Pinakita ko sa kaniya ang relo na suot ko. "Yes, malapit na." Ang uwian ang tinutukoy niya.

Doon ko lang din napansin ang oras kaya nag-ayos na ako ng gamit habang naghahantay ng balita. Sana lang walang ginawang masama ang isang 'yon. Sana lang din, okay lang siya ngayon. Kahit naman gagano'n-gano'n ang isang 'yon, nakakamiss din siya. Lalo pa't nasanay na akong lagi siyang kasama.

"Syd," tawag ko kay Professor X. Kanina pa siya tahimik at mukhang wala man lang balak mag-asikaso. "Hindi ka pa uuwi? Baka magalit 'yon si Cassey 'pag pinaghantay mo siya." Hindi siya umimik pero tumayo naman at nagligpit na rin ng gamit. Wala kasi kaming pasok bukas kaya kailangan maayos 'to. Hindi 'to pwedeng iwanan na may nakakalat na gamit dahil may maglilinis dito bukas.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tumunog ang bell. Gusto ko sanang tanungin ulit si Coach kasi baka makulitan na siya sa akin. Nag-aalangan ako kaya inantabayanan ko na lang muna. Hinahantay ko pa naman si Sydney.

"Darylle," tawag ni Kuya Reiven sa akin.

"Po?" Tumingin agad ako sa kaniya.

"Wala pang reply si Mamaw. Tatawagan na lang kita kapag may balita na."

"Ah sige po," tumango agad ako. Nakangiti siyang bumalik doon sa table niya. "Tara na?" Tanong ko kay Sydney. Tumango naman siya, bago tumayo. "Ba't ang tahimik mo?" Kanina lang okay naman siya, pero pagbalik namin matapos ang hanapin ang Bula ganiyan na siya.

"Wala," sagot niya. "Mauuna na ako."

"Ha? Paano si Cassey?" Sabay kasi silang umuuwi parati. Hindi siya umimik. "Nag-away ba kayo?" Tahimik lang kaming naglalakad. "Daan tayo kina Georgina."

"Ayaw ko," aniya. "Ikaw na lang."

"Bakit nga?" Hindi na naman niya ako sinagot. "Nag-away kayo no?" Hindi pa rin sumagot kaya alam ko na. "Bakit?" Bumuntong hininga siya. "Tara," hinila ko siya at doon kina Kendrick nagpunta. "Mag-usap kayo."

"Darylle ayoko," panay ang piglas niya sa akin.

"Hindi pwede, ayaw ko ng gano'n." Hindi maganda ang mayroong hindi pagkakaintindihan. Kaya nga kahit nayayamot ako kay Alex minsan, sinusunod ko na lang basta 'wag lang tumagal ang away namin. "Magkakasama tayo tapos nagkakainisan na pala kayo."

HIM & I [SEASON 3] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon