Chapter 472: MABAIT (SFD13)

97 21 2
                                    

🏰ALEX🏰

Tamad na tamad kong iminulat ang mga mata ko. Talagang nakakatamad ang pagbangon sa umaga, pero dahil gagawa na naman ako ng basahang Taipan sa huling pagkakataon, kailangan ko nang kumilos. Mamaya pa ang laro pero naeexcite na akong hiranging winner.

Ito na yata ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Dahil magaganap na ang araw na makakapagpabago sa pagkapangit-pangit kong buhay. Champion na kami kaya tandaan niyo na 'yan. At alam niyo ba kung ano pang espesiyal sa araw na 'to?

Uuwi na si Mamaw!

YEHEY!!!!

Sobrang lawak ng ngiti ko nang buksan ko ang pinto. Naabutan ko pa si Eric na pakatok sa pinto ko para wakey-wakeyhin ako. Sorry na lang siya pero nauna na akong magising. Ako ang first kaya ako ang winner. "Good morning," masayang bati ko. Napangiti rin ang Baby ko.

"Mukhang maganda ang gising mo ah?"

"Chempre..." Dumiretso na ako kina Mother Uji. "Good morning sa inyo!" Umikot-ikot pa ako para lumaganap ang positivity sa buong kabahayan.

"Wow, parang may himala." Pati si MU, nanibago sa inasal ko. Well, hindi ko naman sila masisisi. Sadyang espesyal lang talaga ang araw na 'to para sa akin.

"Nasa'n si Liezel?" Nagulat din sila nang hanapin ko ang pokpok. Bati naman na kami kagabi kaya okay lang.

"Umalis na," aniya.

"Okay..." Mukhang walang ibang tao rito, kun'di kaming mga original lang. Hindi raw kasi nauwi rito ang espasol, at isa pa 'yon sa nakapagpaganda ng araw ko.

Nagsimula na kaming kumain. Talagang kakaibang Alex ang nakita nila sa hapag-kainan. Ang mas pinagutom na Alex, dahil hindi nakakain kagabi ng hapunan. Hapunan? 'Di ba dapat gabihan?

Hay buhay...

May mga tanong talagang napakahirap sagutin, at sa palagay ko, isa na ro'n ang tanong kung nasaan ba ang mga magulang ko. Siguro nga tama si Mamaw, hindi ko na dapat hanapin ang wala sa akin para hindi ako mainggit.

Magfofocus na lang ako sa kung ano ang meron ako. Halimbawa, pera, marami akong pera kaya balak ko 'yung paramihin pa, sa pamamagitan ng pagpapaBaby, pagpapaNguso, pagpapaBunso, pagpapaUod at pagpapaBoss.

Simple lang hindi ba?!

Easy money...

"Finish!" Ako ang unang natapos sa pagkain, kaya ako ang winner. Ang aga-aga pa pero puro na ako kawinneran sa buhay. "Magtetake na ako ng superbath!" Dumiretso na ako sa CR para magpabaho. Nikuskus ko ang kili-kili ko na laging nilalagyan ni Mamaw ng kung ano para hindi mangitim, ang tenga kong malakas duminig, ang leeg kong pangit, b**bie kong big at hinugasan ko rin ang keps kong palaban. Nangangagat 'to, baka akala niyo. "Finish!" Malakas kong sigaw. Dali-dali kong nipunasan ang body kong pangit, tapos nagsuot ako ng p*nty para hindi makakagat ang keps ko. Wala pa namang anti-rabies para rito. Sinunod ko ang Sports br* para sa Sports Fest, nakakatulong 'to para hindi magsalpukan ang dalawa kong b**bie. Mahirap na, baka may mabuo pang mountain ranges kapag nagkabanggaan sila. Sinuot ko na ang kung anu-anong gamit para takpan ang aking body. "Oki doki!" Nikuha ko na ang bag ko at lumabas. Napangiti ako dahil wala pa sila. Ibig sabihin lang non, winner na naman ako.

HIM & I [SEASON 3] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon