I unlocked the gate.

"Ito na ba 'yun?" tanong ni Raffy habang pinagmamasdan ang kauohan ng bahay ng patay. "I'm sure na komportable naman ang kuya mo rito, Sia. Uwi na kaya tayo? No need to check na eh."

Inilingan ko lang siya bago pumasok sa mausoleo. Kinapa ko ang light switch sa gilid para pailawan ang lugar.

Napatingin ako kay Raffy. Nakasunod na siya sa loob. Tahimik niyang inililibot ang kaniyang tingin sa lugar habang bumubulong. Akala ko'y nananalangin siya, pero nang marinig ko ang salitang "seventeen", narealize kong binibilang niya kung ilang nitso ang nasa mausoleo.

"More than thirty lahat 'yan," sabi ko.

Gulat na napatingin sa 'kin si Raffy. "M-more that thirty?"

I rolled my eyes. "Hindi naman sa 'nakalibing' parin sila rito. Mausoleum 'to ng buong angkan namin. Hindi man dito inilibing ang iba, inilagay parin nila ang pangalan para isahan ang pagbigay-galang."

Hindi sumagot si Raffy. I think he's still crept out. Nang makabawi, in-scan niya ang mga nakasulat. Ako naman, pumunta sa parang cabinet doon at kumuha ng incense, ilang kandila at posporo.

"Former Mayor..." he murmured. "Former... mayor."

Lumingon ako at nakitang nakatingin rin siya sa 'kin.

"Ilang mayor ba ang nasa angkan ninyo?" tanong niya.

My lips curved into a small smile. Pumunta ako sa pinakahuling nitso sa kanan nang hindi siya sinasagot. Pagkatapos kong magsindi ng kandila doon, saka ko lang siya sinagot. "Halos lahat," sagot ko.

Narinig ko ang paggalaw ni Raffy. Maya-maya, nasa tabi ko na siya. "Halos lahat?" nalalaking mga matang tanong niya.

Tumango ako. "de los Reyes," I said like an explanation. "'Of the Kings'. 'Yan ang ibig sabihin ng apelyedo namin."

"Of the Kings..." Raffy echoed. Inilibot niya ang tingin sa mausoleum.

Tumango ulit ako. "Pamilya kami ng mga mayor, Raffy. Para kaming royalty dito. At ito --" I gestured to the whole building, " -- ito ang libingan ng mga Hari ng Cierra Estrella."

○●○

Hindi pa rin mapakali si Raffy. Nakapagdasal na 'ko't lahat, maya't maya parin siyang tumitingin sa paligid, na parang natatakot siyang may kumaway na patay.

Madilim na rin ang kalangitan. Tingin ko'y mag-aalas siete na.

"Huy," tawag ko sa kaniya. Nakaupo na kami sa bench ng rooftop. Nasa tabi ko ang picture ni Kuya tsaka ang isang kandila na itinabi ko roon.

Napalingon si Raffy sa akin.

"Ano bang iniisip mo?" tanong ko sa kaniya. "Kung natatakot kang may biglang magpakita rito, kalimutan mo na 'yun. Wala namang multo, eh."

Raffy shook his head. "'Di naman 'yan ang iniisip ko, eh," aniya.

"Eh, ano pala?"

"I--" Raffy hesitated. "Wala. Nevermind."

Kinunotan ko siya ng noo. Hindi siya nakatingin sa 'kin kaya isang side lang ng mukha niya ang nakikita ko. Hinahangin ang maiksi niyang buhok.

"Sabihin mo na," sabi ko sabay suklay ng sarili kong buhok. Hinahangin din kasi ito. "Bahala ka, kapag naubos na 'tong kandila ni Kuya, aalis na tayo. Hindi mo na 'ko matatanong n'yan."

Raffy sighed. "Naalala ko lang 'yung sinabi mo sa papa mo kanina," aniya.

Natigilan ako. My cheek tingled as if reminding me of my father's fury. "Oh, ano do'n?"

Before RosaWhere stories live. Discover now