But seeing her tonight was different story. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman ng makita itong malaki ang tiyan. Sinubukan niya itong silipin sa condo unit nito ngunit umabot na lang ng ilang buwan ni anino ng dalaga ay hindi niya nasilayan. Kahit sa boutique nito ay nagbaka sakali siyang silipin ito ngunit bigo siya.
Sa ilang buwan na hindi niya ito nakita ay puro kahungkagan lamang ang kanyang nararamdaman. Laging naglalaro sa isip niya ang nasasaktan nitong anyo dahil sa kanya.
Lately lang niya narealized na hindi magandang magtanim ng galit sa kapwa. Nagbackfire sa kanya ang lahat ng ginawa. Nakipagbati siya sa kanyang ina dahil sa kahilingan ng ama. At hindi niya sukat akalain na makikita doon si Bettina.

"Is there anything wrong?" Pukaw ng kanyang ina sa malalim niyang pag iisip. Dinala siya nito sa balkonahe para makapag usap sila ng masinsinan. "Is it about your dad?"

Umiling siya sunod-sunod. Napahilamos siya ng mukha at tumingala saka bumuga ng malakas na hangin para pakalmahin ang sarili.

"Giu, are you okay? You look tense anak. May problema ba?"

Napalunok siya. Pinipigilan niya ang pag iinit ng kanyang mga mata.

"Gaano na ba katagal na nandito si Bettina?"
Natigilan ito sa kanyang tanong. Kasabay ng pagkunot ng noo.

"You sounded like you knew her for a long time",tila naninitang sabi nito. Hindi niya masalubong ang tingin ng ina.

"How long, mom?" Ulit niya. Bahagyang nanginig ang kanyang boses.

"She's seven months pregnant when came here. Can you tell me what's going on? Why you acted this way?"

Napayuko na lang siya. Itinuon ang tingin sa kanyang sapatos. Nakita na lang niyang namasa iyon. Hindi na niya napigilan ang sarili at naiyak. Hindi niya magawang tingnan ang kanyang ina.

He's a doctor. At hindi siya tanga para hindi niya malamang siya ang ama ng dinadala ng babae. Habang tahimik na tinitingnan kanina ang paggalaw ng tiyan nito ay tahimik siyang nagbilang. Sa kanya ang batang iyon. And he is an asshole for hurting her.

"Don't tell me....? Giu? What have you done?"

Napasinghap ito nang iangat niya ang tingin. He's crying. Nasasaktan siya sa sariling kagagawan.

"I've hurt her mom... I can't forgive myself for what I have done. Pero kalabisan ba mommy kung naisin kong maging bahagi ng buhay niya....ulit?"

Hindi niya nasalamin ang galit sa mukha nito kanina. Ngunit mas gustuhin niya pang magalit ito sa kanya kesa sa wala itong emosyon. Ibig sabihin lang ay wala na itong pakialam sa kanya,ni hindi nito magawang sulyapan siya.

Karma niya marahil iyon dahil pagiging gago.  Sa isiping hindi siya nito hahayaang maging ama sa kanilang anak ay naghatid ng doble-dobleng sakit sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung alin ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Ang hindi siya nito hahayaang maging ama sa anak nila o ang pambabalewala nito sa kanya na para bang hindi siya kilala?

_____
Bettina

Wala sana siyang balak bumaba para maghapunan sa isiping nandoon pa si Giu. Ngunit napilit siya ng kanyang madrasta dahil pinapababa umano siya ng kanyang ama.
Nasa hapag na ang lahat ng dumulog siya sa mesa.  Nakaramdam siya ng tensyon nang mapadako ang tingin siya sa daddy niya. Madilim ang mukha nito. Tumingin siya sa gawi ng kanyang kapatid na hindi pa rin pala umuwi. Ganoon din ang anyo ng kuya niya. Nakaramdam siya ng kaba. Nakatalikod sa bahagi niya si Giuseppe kaya hindi niya nakikita ang reaksyon ng binata. Binalingan niya ang kanyang madrasta na nasa tabi lang niya at ramdam din niya ang tensyon sa katawan nito. Bakit pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari?

 Doctor  Next Door(COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat