Chapter 15

52.6K 1.4K 45
                                    

Chapter 15

"Say it one more time." He pulled me into a tight hug after he claimed my lips. "Please." I felt his hot breath on the side of my neck.

Uminit ang aking mukha. Iniiling ko ang aking ulo. Hindi ko na kaya pang sabihin iyon ulit. Mamamatay ako sa kahihiyan.

"Just one more time, please?"

My heart skipped a beat when I heard his pleading voice. Ito ang unang beses na nadinig ko siyang ganito. He always acts superior, like people needs to bow down and do what he wants. Who would have thought that he knows how to say please sincerely?

"I told you I love you." My voice was muffled because I buried my face on his shoulder.

Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng yakap niya sa'kin.

"You know," I heard him chuckled. "When you told me your dream isn't just your dream and it's ours, it was like I woke up from a very long nightmare. It was like at that moment, I finally found someone who will understand me."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin. He was smiling when he looked at me. My breath hitched from the sight.

"I'm not really good at expressing myself through words but..." He held my face. "I love you."

Nang madinig ko mula sa kanya ang mga salitang iyon ay parang baha na rumagasa ang aking mga luha.

He cupped my face using his both hands. Hindi ko na makita pa ang mukha niya dahil sa dami ng luha na lumalabas sa'king mga mata.

"What about Kath? Masasaktan siya panigurado."

I heard him chuckled. "You got hurt, too, and I'm sorry. Don't worry about her. I broke up with her before I went after you."

Tinitigan ko siya nang matagal. "Sigurado ka ba riyan?" Nakita kong bahagya siyang napangiti. "Kung binibiro mo lang ako, iwanan mo na lang ako rito."

Pinitik niya ang aking noo. Napanguso na lang ako.

"Do I look like I'm joking?" He narrowed his eyes at me.

Umiling ako. Hindi lang talaga ako makapaniwala na pareho kami ng nararamdaman. Para akong nananaginip.

"You looked really tired from crying." He combed back my hair using his fingers. My scalp tingled when it was touched. "I have to take you home. Your brothers are waiting for you.

I leaned on his shoulder. Nararamdaman ko na ang antok at pagod. Dumagdah pa ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa pag-iyak.

With my eyes closed, I mumbled. "Hindi ako pwedeng umuwi nang ganito. They'll overreact if they see me."

Baka sisihin pa nila si Rick na walang kamalay-malay sa nangyayari dahil siya ang nag-imbita sa'kin sa party.

"My condo then?"

Napamulat ako nang madinig ang kanyang sinabi. Kinabahan ako bigla. Wait, bakit naman ako kakabahan? Wala namankaming gagawing masama. Nasa matinong pag-iisip pa naman ako.

Nadinig ko siyang tumawa. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa'kin.

"Tatawagan ko ang mga kuya mo para ipagpaalam ka. Kung hindi sila papayag, kailangan natin silang sundin." Kinuha niya ang kanyang cellphone. "I'll tell them I won'tdo anything to taint their princess."

Mukha na siguro akong hinog na kamatis ngayon. Parang pinipisil ang puso ko sa kilig dahil naisip niyang ipagpaalam ako kina kuya nang maayos.

He put his phone in loudspeaker. Si Kuya Harris ang tinawagan niya.

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Where stories live. Discover now