Dalawa ang pinaka importante sa kaniya, si Vain at ang mga nasasakupan niya. Dapat ba niyang isakrispisyo ang isa tulad ng sinabi ng kaniyang amang hari, na piliin kung ano ang nararapat.

Ang taong na paulit-ulit na sinasabi ng utak niya. Lahat ng mga nasabi niya noon ay wala ng  sinseridad, parang siya ay isang tao na puro lang salita. At alam niya 'yun sa sarili niya.

Hindi ito nagsalita.

"Vain... Binabawi ko na ang mga sinabi ko, hindi ko gagawin kapag ayaw mo." Napangiti na lang si Zia.

Napatingin naman sa kaniya si Vain. "No."

"Huh?"

"Gawin mo kung anong dapat mong gawin, huwag mo akong alalahanin, kung 'yun ang dapat mong gawin, Binabawi ko na rin ang sinabi ko kanina at naisip ko na mas nanganganib ang mundong ito kapag tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang aking ina. Kaya gawin mo ang dapat mong gawin. Still, I can have you now." sabi ni Vain at nilapit ang mukha niya kay Zia at hinalikan ng malalim at kumalas agad.

"Kakalabanin ko ang kahit sino, huwag ka lang mawala sa akin... Even my mother, I still choose you, woman." he continued.

Napangiti naman si Zia at ipinatong ang ulo sa balikat ni Vain. Kahit papaano ay gumaan ang kalooban niya.

"Thank you for everything, Vain. For saving me."

"I am the one should I Thank to you.  Dahil sayo nakaramdam ako ng pagmamahal na hindi ko nararamdaman noon, I always seek for love, pero nahanap ko 'yun sayo... Atleast hindi ko na pipilitin ang sarili ko na nahapin pa' yun dahil nandito kana. You are the who saved me, woman. Ikaw ang naging dahilan kung bakit ako naging masaya at magdesisyon para sa sarili ko na walang sinusunod na utos kahit kanino man. You saved me from the beginning."

Hindi naman mapigilan ni Zia na maluha rito, hindi niya inaasahan na may nagawa siya kay Vain... Ang akala niya ay wala siyang nagawa para naman pagaanin ang loob ni Vain.

Napangiti naman siya at pinipigilan ang luhang unti-unting bumabagsak.

"I am glad that I saved you then. I thought I'd done nothing."

Tumingin naman sa kaniya si Vain at Pinunasan ang luha niya. Inilayo niya ang balikat niya para tuluyan niyang mayakap si Zia.

"You'd done enough for me. Thank you..."

Napapikit naman si Zia.

"How about Arteixec?" tanong niya rito.

"Bukas na ang isip niya, alam na niya ang totoo pero ang nararamdaman niya hindi pa bumabalik."

"Mabuti naman."

"Arteixec is one trusting traitor to my mother, that why she used him against to your clan."

"I know... Pero ano ang dapat niyang gawin. May plano ba kayo? Matutuloy ang digmaan hindi ba?"

Naramdaman niyang bumuntong-hininga si Vain.

"Oo."

"I know..."

"Kapag dumating ang araw na 'yun, sisiguraduhin kong ligtas ka." sabi ni Vain rito.

===============

"Nasaan si Hellvain?" tanong ni Reia sa kaniyang mga alagad.

"Hindi po namin alam mahal na reyna." sambit ng kawal.

"Tawagin niyo si Arteixec dahil may ipag-uutos ako sa kaniya."

"Masusunod po."

Napayukom naman ng kamao si Reia, "Talagang kinakalaban mo ako anak, hindi ko akalain na magagawa mong tanggalin ang sumpa na ipinasok ko sa katawan ng sanggol na 'yun!"

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon