Kabanata 35

2.8K 111 12
                                    

Kabanata 35

Want

Nabuhay ang sigla ko nang makaamoy ng pagkain. I opened my eyes and blocked it from a sudden light. Kinusot ko ang mata ko at bumangon mula sa pagkakahiga.

I looked around to look for Spade but he's not here. Dito kasi siya natulog. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa tabi niya. We were just telling stories about ourselves, huling naalala ko nakahiga ako sa kanyang dibdib habang pinaglalaruan niya ang dulo ng buhok ko.

I am just wearing Spade's large white tshirt and a short shorts, mabuti na lang kahit bagong gising nananatiling bagsak ang mahaba kong buhok.

Dumiretsyo ako sa CR ng kwarto at mabilis na naligo, that delicious smell cannot get out of my nose! Ang bango naman non! Umorder ba siya ng pagkain?

I tied my hair as I go down. Spade is already sipping on his coffee, nakita ko ang pag-angat niya ng tingin sa akin. The amusement in his face is very evident.

"Good morning." He said in a husky voice.

Tumango ako at nagbaba ng tingin sa aking suot. Spade stared at my body too. Kumunot ang noo ko kaya kumunot din ang noo niya.

"I prepared our breakfast." Ani Spade at kumindat bago iminuwestra ang mga pagkain na kanina pa ginugulo ang ilong ko.

"Hindi order?" Bumaba ako para tignan ang mga pagkain.

Muntik na kong maglaway sa dami at sarap nun. Spade is smiling, trying to hide his smirk.

"Niluto ko yan lahat." Aniya, may halong pagmamayabang sa boses.

"Marunong kang magluto ng ganito?"

He scoffed. Sumandal ito sa upuan at humalukipkip. Teka, na offend ko ba siya?

"You're hurting my ego." Aniya at sumilay na ang ngiti sa labi.

Bakit ba ganyan siya makatingin?

"Bagay sayo damit ko." Aniya bago tumayo para kumuha ng mga pinggan.

Hindi ko alam kung bakit ilang na ilang ako sa pagpuri sa akin ni Spade. We're back together! Kaya siguro ganito ang mood ni Spade? Naubos namin lahat ng mga luto niya, sinubukan kong maghugas pero..

"Ako na kasi, Spade!"

"You're my guest, bakit ikaw ang maghuhugas?" Spade bumped me lightly.

Napaalis tuloy ako sa lababo. "Spade! Nababasa ako!"

"Don't be stubborn, Stacia. Ako na ang maghuhugas." Aniya at kinuha sa kamay ko ang plato.

"Ako na kasi! Nagluto ka na nga, anong ambag ko, ha?"

"Just stay there. Your presence is enough." He winked at me.

Pinanlakihan ko siya ng mata. I rolled my eyes and watched him doing my task. Ang daya naman nito, nagmumukha akong pabigat, e!

Bumubuntong hininga talaga ako ng malakas para marinig niyang masama ang loob ko.

"Stacia.." He laughed, "Huwag ka ngang magtampo diyan."

"Paanong hindi? Kinuha mo ang hugasin ko!"

"Wow. We're really fighting for this? This is our first fight? Really?" Natatawang sinabi nito.

Lalo akong nairita. He can't take me seriously! Sumahod ako ng tubig sa gripo at tahasang winisik iyon sa mukha ni Spade. Nang tatakas ako mabilis niyang pinulupot ang kamay niya sa beywang ko at nilagay ako sa harap niya.

I gasped. Nabasa ako, ah?!

"Spade!"

"What?" Nagtaas siya ng kilay. Kumuha rin siya ng gripo at mas winisik sa mukha ko.

"Ano ba, Spade!" I tried to escape from him pero hinaharang niya ang kanyang sarili.

"Sino bang nauna?" Muli niya akong winisikan.

Sinangga ko ang kamay niya para hindi na ako mabasa. This guy! Minsan seryoso, madalas hindi!

"Spade, tama na!"

"Oh look at you.." He chuckled.

I punched him lightly, madrama siyang napapikit at hindi pa rin nawawala ang ngiti.

Maya-maya lang natahimik kami. Spade's holding my waist, ngumuguso siya at nagpipigil ng ngiti. Masaya ba siyang nakikitang basa ako?

"Anong tinitingin tingin mo diyan?"

"Bawal ka bang tignan?"

Tumango ako. "Bawal ako tignan ng kung sino sino lang!"

"Well, I'm your boyfriend." He reminded and gave me a swift kiss on my nose.

Napasinghap ako bahagya dahil doon, muling ngumisi si Spade at halatang nagustuhan ang reaksyon ko sa ginawa niya.

"Get dressed, may pasok ka pa." Paalala niya.

Oh shoot! Bakit ko nga bang nakalimutan na may pasok ako ngayon?! Buti na lang, half day at mukhang wala ring gagawin masyado!

Nagmadali akong umakyat sa taas para mag-ayos ng sarili. Ang harot ni Spade! I didn't know he's that playful! Ganoon din ang mga kapatid niya. Pag pinagsama-sama mo kasi sila akala mo, mga seryoso at nakakatakot. They're intimidating. Pero pag nakasama mo na, lalo na si Ace, nakakabwisit pala.

Spade waited outside. Nakabihis na rin ito ng ang office attire niya. Muli niyang pinasadahan ang suot ko. Simpleng blouse at jeans lang naman ito. Hindi talaga ako marunong manamit, e.

He opened the door for me. I thanked him for that. Pinagmasdan ko si Spade na umikot at sumakay. Hindi ko talaga maiwasan na pansinin ang bawat kibot ng lalaking 'to. Everything about him is dreamy. Sometimes I just want to be alone with him. Iyong buong magdamag.

Nakinig na lang ako sa music habang nasa biyahe. One hour ahead ako ngayon sa usual na pasok ko. Kapag naging regular nanaman at maraming gawain, madaling araw ako aalis sa bahay ni Spade.

Pero sana, maayos na ang lahat.

"I already talked to Yohan last night." Aniya

I removed my earphones. "Ano raw? Ayos lang ba siya? Yung anak niya?"

"He's fine and he's very sorry."

Naiintindihan ko. Kung ako rin siguro yon baka ganun din ang gawin ko. Hindi ako galit sa ginawa ni Yohan. There's no other options for him, anak niya ang kanyang uunahin. Now, I am more than curious to that person. Ano ang kailangan niya sa akin?

"Ayos lang. Wala siyang kasalanan."

Tipid na tumango ni Spade. Wala pa atang isang oras na nakarating kami.

"Call me if you need something." Aniya.

"As if nandiyan lang office mo?" I joked.

"Pupuntahan pa rin kita kahit malayo."

Sinara ko na ang pintuan dahil baka makita pa ni Spade na napangiti ako. Dinaan ko na lang sa irap 'yon!

Tanaw ko ang aking bahay. We bought new padlock to my front door. Kaya malamang nakalock pa rin 'yon.

Bakit kailangan ng magnanakaw yung picture frame namin? Kilala ko ba yun? Gulong gulo na ako!

"Stacia.." Ngiti ni Ate Cindy. "Gwapo ng boyfriend, talaga!"

Napailing ako at pumasok na lang. Pagbukas ko ng pinto, abala sina Miss Emmalyn at Niño sa ginagawa. Agad na lumipad ang mata ko sa pwesto ni Yohan.

"Alistacia, buti dumating ka na!" Ani Niño, hinigit niya ako at pinaupo sa lamesa. Naglapag siya ng mga gawain.

"Hindi ako naka assign dito, ha?"

"Oo! Eh kaso, ikaw lang marunong niyan sa amin."

"Bakit? Aabsent ba si Yohan?"

Napatigil si Miss Emmalyn sa ginagawa. Si Niño naman ay napatingin kay Miss Emma.

"Hindi mo pa ba alam, Stacia?" Tanong ni Miss Emma sa akin.

"Ano po yun? Absent po ba si Yohan?"

"Hindi, Stacia?" Si Niño, "Nag resign na si Yohan."

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon