Kabanata 15

3.1K 137 13
                                    

Kabanata 15

Trestarenales

They say that our tongue is very powerful. It may not be obvious but it can tore you apart. That's why you should always think before you say something. Baka dahil hindi mo alam, nakakasakit ka na.

Hingal na hingal si Laurence nang sinabi iyon. I was stunned for a moment because I never knew she can say those words to me. Hindi man kami gaanong kalapit ni Laurence ay may ilan din kaming pag-uusap. We're casual. We're not friends. At malaman na ganito pala siya tumira sa isang tao para lamang sa lalaking gusto niya ay nakakadismaya.

"I think I made myself clear." She said before leaving.

Nanatili ako sa ganoong posisyon. Tila manhid na nga yata ako sa sakit dahil wala akong ibang naramdaman nung sinabi niya 'yon. How many times did I heard that? Kaya wala ng tabla sa akin ang pananakot niya.

Umalis ako sa kwarto at sa labas ng retreat house. It's very dark in here. Wala akong ibang marinig kundi ang kanta ng mga dahon ng punong nagsasalubong dahil sa dulot ng malakas na hangin.

Yakap yakap ang sarili ay naglakad lakad ako. We're never instructed that it's prohibited to get out of the room. Tanging ang mga estudyante lang ang bawal lumabas sa kanilang mga kwarto.

Naaamoy ko na ang dagat mula sa layo ko. Pati na rin ang hampas ng alon. Hindi ko nga alam kung gaano ito kalayo sa akin.

Walang mga tao. Malamang ay walang nagtangkang lumabas para gumala sa ganitong oras.

It took me 10 minutes to reach the shore. Wala akong ibang masabi kundi ang ganda. The moon is showing itself to me right now, and I can see how it kisses the ocean.

Sa nakikita ko ngayon ay parang limot ko na ang nangyari kanina. Napaatras ako nang humalik din sa paa ko ang agos ng dagat. Ang lamig.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Laurence.

Magpakamatay na raw ako.

Tumingin ako sa malawak at walang hanggan na dagat. If I will drown myself here. No one will know. I stepped forward.

Pilit kong binubuhay ang mga sakit na naramdaman ko nitong mga nagdaan na taon, hanggang ngayon na namatay ang bestfriend ko.

Huminga ako ng malalim at umatras ulit. This is insane! Dapat ay hindi ako nagpapadala kay Laurence!

Sinubukan kong maglakad lakad muli habang tanaw ang dagat. Dahil nga malapit ako rito ay mas lalong dumoble ang lamig. Napatigil ako sa isang lugar. No. It is not an ordinary place. It is a forest. Kitang-kita ko ang bukana niya, may trail doon, malamang ay dinadaanan talaga siya. At kung dinadaanan ang lugar na 'yon ay malamang nabulabog na rin ang mababangis na hayop diba?

Hindi pa ako nakakalapit sa bunganga ng gubat ay napapitlag na ako sa biglang nagsalita.

"That's not a place for you, miss."

Natataranta akong lumingon at gulat ang rumehistro sa akin nang makita ang kapatid ni Spade!

"A-Ace?"

Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin na para bang gagawa ako ng krimen kapag tinuloy ko ang balak ko!

"Hey!" Aniya nang makilala ako, "You're Alista--something right?"

Napangiwi ako sa binanggit niyang pangalan. Muntik na nga mabuo, dinagdagan pa ng 'something'.

"What are you doing here?" He asked.

"R-Retreat ng s-school.." I stuttered.

"Sa gubat?" Pilosopo niyang tanong, "Bakit ka pupunta sa gubat?"

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon