"Nagaway po sila ni Yasmine kanina sa school,  tapos sinabi po ni Donya Solidad na magkapatid sila." Tumingin uli ang nanay niya sakanya.

"Ang totoo anak, alam na  namin na alam mo na hindi kami ang magulang mo... patawad anak." Umiyak na rin ang nanay niya. Lumapit si mang Benito at tumabi sakanya, siya nalang ang magpapaliwanag dahil umiiyak narin si Aling Belen.

"Anak" Humarap  siya sa tatay niya.

"Kaya kami nandito..... para kausapin ang mga Brizalde dahil posibleng sila ang mga magulang mo."

"Paano po!?"

"Doon din si Mrs. Brizalde nanganak sa San Jaoquin." Pinaliwanag ni Mang Benito ang lahat-lahat, kung paano nila nalaman na alam na niya, kung paano nila hinanap isa-isa ang posibleng magulang niya pati ang damit na suot niya na nakikilala ni Ms. Margarita. Pati na rin ang DNA test na ginagawa.

"Ayaw pa sana namin ipaalam anak eh. Kasi wala pa naman ang resulta ng dna, baka kasi mamaya hindi naman pala. Pero si Margarita siguradong sigurado siyang ikaw ang anak niya." Patuloy ni Mang Benito. Walang kahit na isang salita ang lumabas sa bibig ni Kyrene, masyado siyang gulong-gulo.

"Akyat po muna ako." Tumayo si Kyrene. Agad na lumapit dito si Bella at sinamahan siyang umakyat.

Pagpasok ng kwarto, umupo siya sa kama.

"Friend okay ka lang ba?" Tanong ni Bella.

"Bella, narinig mo naman ang mga sinabi nila diba? Hindi naman ako nananaginip lang?" Sambit niya na medyo tulala parin na hindi man lang tinignan si Bella.

"Aaah!"

"Hehe! Sorry, para lang malaman mong hindi ka nanaginip." Kinurot siya ni Bella sa braso. Umupo ito sa tabi niya.

"Grabe! Pang teleserye ang buhay mo. Akalain mong prinsesa ka pala... hays! Ang totoo alam ko na hinahanap nila ang totoong magulang mo, ayaw naman kasi nilang ipasabi sayo baka daw kasi umasa ka. Pero hindi ko alam na isa ang mga Brizalde sa possibleng magulang mo." Hindi sumagot si Kyrene. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa, paano kung totoo ngang anak siya ng mga Brizalde at kunin siya ng mga to. Magiging masaya ba siya? Yan ang mga tanong sa isip niya.

*****

MB clothing company:

"Si Mommy,  si Daddy?" Agad na tanong ni Yasmine sa isang tauhan.

"Nasa boardroom po ma'am may mee--" hindi na niya ito pinatapos pa, umalis siya, tuloy-tuloy na naglakad.

Pagkatapos ng nangyari sakanila ni Kyrene at sa mga narinig niya, agad niyang pinuntahan ang mga ito para tanungin.

Tulot-tuloy si Yasmine sa boardroom na kasalukuyang may pinaguusapan ang mga nando'n.

"Yasmine,  what are you doing here?" Ms. Brizalde asks.

"We need to talk mom." Halos namumula parin ito sa galit na pigil na pigil ang emosyon.

"Honey can we--"

"NO MOM! We need to talk right now." She cuts her mom off. Napalakas na rin ang boses nito na pinagtaka naman ng lahat.

"Excuse me," Sabi lang ni Ms. Brizalde at tumayo. Lumabas sila ng boardroom.

"Mom is it true?" Agad na tanong ni Yasmine sa mommy niya pagkalabas palang ng boardroom.

"Yas, what's wrong?" Alalang tanong ni Ms. Brizalde.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon