"Good luck girl! You can do it."

"Gaga! Umayos ka nga, bakit parang okay lang sa'yo?"

"Oh bakit? Wala naman masama doon at talagang ayos lang."

"Bakit? Eh alam mong naiinis ako sa lalaking 'yon! Hindi iyon okay sa akin!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Badtrip! Bakit ka ba naninigaw? Tyaka xxcuse me lang ha Chanel, ano bang problema mo doon sa tao?"

"Marami akong problema sa kanya. Halos lahat!"

"Tsk! Ang labo mo, chance nyo na 'yan para makapag usap ng hindi kayo nag susungitan na dalawa."

"Nakakainis! Iniisip ko din na malalaman ni Vrixie iyon. Edi bully na nama abot ko. Okay sana kung ipagtatanggol nya ako. Malabo namang gawin nya iyon kasi Girlfriend nya si Vrixie."

"Hayaan mo, nandito kami for you. Ang isipin mo ngayon eh, kung papaano mo ita-trato si Drake na parang student mo."

"Kahit sungitin ko naman 'yon ayos lang."

"Gaga ka! Edi nag reklamo iyon sa instructor mo. Ikaw din..."

"Wala akong pake, edi okay papalitan nya ako diba."

Bumuntong hininga ito sa kabilang linya na animo'y na i-istress na sa akin.

"Umamin ka nga. Bakit ba ang big deal sa'yo nung pag tu-tutor? Tuturuan mo lang sya tyaka nasa sa'yo naman 'yon kung tuturuan mo sya o hindi eh."

"Hindi naman big deal eh. Talagang ayoko lang na turuan ang isang tulad nya."

"Eh bakit nga kasi ha?"

"Naiinis ako sa kanya."

"Sabihin mo nag seselos ka"

"Ha?!" napasigaw ako kaya agad kong natutop ang aking labi.

Baka marinig ni Mama papagalitan pa ako no'n.

"Pwede bang wag kang sumigaw? Ang sakit sa tainga alam mo ba 'yon ha?" iritang sabi nya sa kabilang linya.

"Eh kasi mga sinasabi mo para kang tanga."

Suminghap ako at tumiya ng higa, napatingin ako sa kisame ng kwarto ko. Bakit ba lagi na lang kung mag react ako, eh parang totoo ngang nag seselos ako? Baka isipin na nilang may gusto ako kay Drake.

"Bakit ka ganang mag react? So nag seselos ka nga?"

"Hindi, hindi ko naman sya gusto. Saan naman ako mag seselos? Sa pagbabalikan nila ni Vrixie? Eh wala naman akong pake."

"Okay, sabi mo e." narinig kong tumawa ito sa kabilang linya.

Nainis akong nag paalam na dito at baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa.

Kinabukasan ay parehas kami ni Drake na pinatawag ni Ms. Veron, may mga requirements akong kailangang ipasa sa kanya sa tuwing itututor ko si Drake. Kaya hindi din pala ako makaka tanggi kung sakaling hindi ko turuan si Drake. Dahil araw araw akong mag rereport kay Ms. Veron.

May mga sinabi lamang si Ms. Veron sa amin ni Drake. Nag sabi sya samin kung kailan ko itututor si Drake. May mga sinabi pa ito na kapag nakitaan ng improvement si Drake sa subject ni Ms, ay maaari na akong huminto sa pag tututor sa kanya. Kaya nag pursige agad akong pag ayusin ang magiging takbo ng pagtuturo ko kay Drake.

Pagkatapos kaming kausapin ni Ms. Veron ay nag pasya na kami ni Drake na lumabas na ng office.

Sabay na kaming nag punta sa room, wala namang umiimik sa aming dalawa. Himala ang tahimik ang isang ito. Lq ba sila ni Vrixie?

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now