Dalamhati

119 88 16
                                    

CHAPTER II

Third persons overview

Sabado ika-pito ng Setyembre 2019,

Uma-alingasaw na sa loob ng kapilya, ang matapang na amoy ng formalin na inilagay sa katawan ni Tom.

Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng mahanap nila ang wala ng buhay na binata.

Sadyang tinapangan ang pag-lagay, upang hindi agad maagnas ang katawan ni Tom, balak kasi nilang ipalibing ang binata sa lunes.

Nag-hahanap pa kasi ng kaunting tulong ang pamilya, para pandag-dag sana sa ipampapa-libing kay Tom, hindi pa rin kasi sapat ang perang meron sila ngayon.

Dahil wala pa sa kalahati ang nalingap nilang pera mula sa donasyon at abuloy, para ipambayad sa sementeryo at sa punerarya.

Kwento ni Ate becca, pagkarating nila roon sa paanan ng kabundukan ng tralala, nung huwebes.

Agad umanong inalis ang katawan ni Tom ng mga taga-pagsiyasat matapos pag-aralan at imbestigahan ang lugar, at para narin ma-autopsy agad ang kanyang bangkay.

Nadatnan nalang nila ang katawan
nito sa morge, ng kalapit bayan ng Fausto, ayun sa may-ari ng morge tatlong araw na raw itong patay.

Bago pa man daw ito matagpuan sa lugar ng pinangyarihan, at itapon na parang hayop sa liblib na lugar na iyon, ay isa na siyang matigas at malamig na bangkay.

"Ibig sabihin ba nito, nung araw na nawala siya ay yo'n din ang araw na pinatay siya?"

Usisa ng ina ni Tom.

"Marahil nga po Misis, base po kasi sa itsura ng katawan niya, base na rin sa resulta ng otopsiya niya, ay may isang araw na po itong patay, bago nila itinapon ang katawan niya doon sa paanan ng kabundukan.

Kaya naman mabilis din na nabulok ang katawan nito."


-ang sabi ng may-ari ng morge.

"Buti nalang at dumating agad kami, kasi sabi ng may-ari ng morge, ililibing na raw nila si Tom kapag wala pa ring nag-claim sa kanya."

Mangiyak-ngiyak niyang saad.

Kung mapapansin mo ang paligid, halos walang taong gustong dumalo at makipag-lamay sa na-ulila ng binata.

Hindi ko maipaliwanag, pero naiinis ako sa mga nangyayaring ito sa buhay nila, wala man lang gustong pumaroon ng sandaling iyon.

Kadikit lang ng kapilya ang pampublikong eskwelahan, kung saan nag-aral ng elementarya si Tom at ang ate niyang si Peng.

Sa likod na bahagi naman nitong kapilya, ay mayroon namang pampublikong basketball court.

Nang araw na iyon, sakto
namang mayroong parasyong pagkain  galing umano sa isang kilalang N.G.O ang mga donasyong pagkaing ipina-mamahagi ng kanilang baranggay.

Kaya naman iilang kakilala nila, ang napadaan na rin sa kapilya.

Siguro ay para lang maki-usisa, at hindi upang maki-luksa sa naulila.

Ngunit hindi naman sila nag-tagal doon, sapagkat hindi rin siguro nila matagalan ang masangsang na amoy sa loob ng simbahan.

The day before he diesWhere stories live. Discover now