IKA-LIMANG KABANATA:

Start from the beginning
                                    

"You choose to be bullied miss. Next time, defend yourself." sabi nito at naramdaman ko ang papalayo n'yang hakbang.

Nang lingunin ko s'ya, tanging likod n'ya nalang ang naabutan ko, natakpan pa iyon nang magsidatingan ang mga ilang estudyante na naawang nakatingin sa akin.

Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang marating kong ang cr na pambabae.

Sinarado ko ang pinto ng makita kong ako lamang ang tao. Inilapag ko ang bag ko sa sink at pinakatitigang mabuti ang repleksyong umiiyak sa harap ng isang salamin. Gulo-gulo ang buhok. Namumula ang dalawang pisngi na bahagyang maga ang kanan, may dugo din ng kaunti ang mapulang labi, at namamaga ang mga mata.

Naghilamos ako at sinuklay ang maikli ko ng buhok, nilagyan ko ng polbo ang aking mukha at nagpahid ng kulay pink na lipstick at ngumiti sa salamin para itago ang lahat ng sakit at luhang nailabas ko ngayong umaga.

Lumabas ako ng cr ng nakayuko at tinungo na ang aking classroom, nakayuko ako habang naglalakad ngunit ramdam ko pa rin ang matatalim na tingin sakin ng mga estudyanteng nakasaksi kanina ng munting eksena.

Nakahinga lang ako nang malalim nang makapasok na ako sa loob ng classroon, ngunit 'yon ang akala ko, dahil pagkaupo ko palang sa pinakadulong upuan ay pinaulanan na nila ako ng mga binilot na papel, at nangunguna na dito si Tonette.

Rinig na rinig ko ang lakas nang tawanan nila, ngunit nanatili akong nakayuko. Yukong-yuko ang ulo ko at pinipigil ang pag iyak Ito ang iniiwasan kong mangyari kaya hindi ko kayang umiwas kay Thorin.

"Akala mo ba tutulungan ka ni Alexus? No slut! I'm sure matutuwa pa 'yon kapag nakita ka n'yang ganyan." Sigaw ni Tonette at sabay sabay pa silang nagtatawanan.

Alam ko naman na ganito ang nangyayari, pero masakit din pala, ang sakit na kahit hindi mo kagustuhan ay wala kang magawa, wala kang kakampi, wala kang masasandalan dahil makitid ang pang unawa ng mga taong naiinggit sa pagiging malapit ko kay Thorin.

Nahinto ang tawanan nila nang marinig ko ang tawanan ng barkada ni Thorin. Palakas nang palakas ito ngunit lalo lang rin lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung sa galit ba o takot na hindi n'ya ako kayang ipagtanggol, at ang nakakatawa pa, matutuwa pa s'ya na nahihirapan ako.

Natahimik ang buong klase. Ang tawanan nalang nina Thorin ang tanging naririnig ko, hanggang nakarinig ako ng yabag. Mga yabag na papalapit sa'kin, hanggang tumigil iyon sa tabi ko.

Narinig ko ang paglangitngit ng bangko, tanda na may umupo, kaya lalo akong napayuko at impit na pinigil ang hikbi habang hinihintay ang pag sigaw ni Thorin.

"Samonte! " tawag nya na may kalakip na galit ang tono kaya naman nagulat ako at hindi napigilan kumawala ang isang hikbi.

"Johanna...." Kumabog ang buong sistema ko nang marinig ko ang klase ng tinig na iyon, lalo na ng hawakan n'ya ang kamay ko at pilit akong hinaharap sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko ng mahina hanggang tumayo s'ya at pumunta sa harapan ko na nakaluhod. Hinawakan n'ya ang mukha ko at iniharap sa kanya.

"Who did this." Hindi iyon patanong, dahil ng tumingin ako sa kanya ay may galit sa kanyang mata.

Bigla syang tumayo at sumigaw.

"Putang ina! Sino ang nananakit kay Johanna?! Sino?!"

________________________________

Johanna

Sa lahat yata ng maling desisyon na nagawa ko sa aking buhay. Ang dalawang anak ko ang naging tama. Tama, na hinayaan ko silang iluwal dito sa mundo. Tama na ilaban ko ang buhay nila. Sila ang naging lakas ko. Sila ang bumuhay sa'kin at naging dahilan ng pag-asa sa masasakit na pangyayari sa buhay ko.

Maling desisyon ang iwanan ko si Thorin ng gabing iyon. Alam kong pag alis ko doon ay pagsisihan ko ang lahat. Alam kong kapag tumapak ako palabas ay wala na akong babalikan.

Kasinungalingan ang mga sinabi ko sa kanya. Mahal na mahal ko s'ya, hindi ko s'ya ipinagpalit. Hindi ko magagawa 'yon. Pero, wala akong maipagmamalaki sa kanya, hiyang hiya ako. Ang Eduardo Almario na ipinamukha ko sa kanya ay ang nakakatanda kong kapatid sa ama. Nalaman ko lang na mayroon akong kapatid matapos ang dalawang buwan pag kaalis ni Thorin patungong america.

Nang mamatay ang tatay at nanay ko n'ong nasa ikapat na taon na ako ng kolehiyo ay tumira ako kasama si Thorin sa condo n'ya. Ang sabi sa'kin ni kuya, ang mismong ina nito ang lumayo sa tatay ko sa kadahilanang hindi ito tanggap ng pamilya ng kanyang ina. Limang taon s'ya noon ng subukan ng kanyang inang makipag ayos kay tatay ngunit nakita nitong masaya na si tatay kay nanay kaya hindi na ito nanggulo pa, bagkus pinalaki na lamang si kuya sa malayong s'yudad.

Nang malaman ni kuya ang buong kwento bago mamatay ang kanyang ina dalawang taon matapos n'yang grumadwyet ng kolehiyo ay hinanap n'ya si tatay ngunit sa kasamaang palad hindi n'ya na ito naabutan dahil naaksidente ito at binawian ng buhay. Ako ang napagtanungan ni kuya Ed noon na kasalukuyang hinahanap ang address namin at 'yon nga ang lahat ay mahabang istorya. Nagkaintindihan kaming magkapatid dahil wala naman kaming masasadalan kung hindi ang isa't isa.

Ilang beses akong inalok ni Thorin ng kasal ngunit tinanggihan ko iyon. Alam kong mataas ang pangarap n'ya at ayokong itali s'ya sa isang kasal na parehas naming pagsisihan sa huli. Parehas pa kaming hindi handa at napakabata pa para sa isang pamilya.

Ang kaunting pera na dala ko sana ang gagawin kong pangsimula sa buhay namin ng magiging anak ko at ng nakakatanda kong kapatid, ngunit lahat ng iyon ay nabalewa dahil lamang sa isang trahedyang kahit kailan ay nakatatak na sa buong pagkatao ko.

"Gusto mo na po bang umuwi Nay?" nabalik ako sa kasalukuyan sa tanong ng aking anak. Napailing nalang ako at inayos ko na ang aking sarili.

"Ipagpray muna natin si Ambal t'saka si tito Ed okey?" hinawakan ko ang mukha n'ya at hinalikan ang tungki ng ilong.

"Nay, alam mo ba kapag kinakausap ko si ambal sa pray ko, lagi kong sinasabi sa kanya na 'wag ka na n'yang palungkutin, kasi nalulungkot din ako." Tumingin s'ya sa akin ng diretso ngunit kahit sa batang mukha ng anak ko, nakikita ko ang pagmamahal n'ya sa akin.

" Kamukha ko naman po si ambal diba Nay? Kahit nasa heaven na po s'ya at kasama ni tito Ed at papa Jesus, palagi naman silang nakatanaw para po bantayan tayo!" Tumingala ito at ngumiti. "Diba tito Ed!? Ambal!?" sumigaw pa ito.

Napangiti nalang ako at inaya ko na s'yang taimtim na magdasal.

Palagi namin itong ginagawang mag-ina. Dito sa kinatatayuan naming dalawa nakakahanap ako ng kapayapaan. Dito, tila kumpleto ang pagkatao ko. Dito kahit papaano masasabi kong mayroon akong pamilya.

_________________________________

The Lust SufferWhere stories live. Discover now