"Nasa garden ako kanina nang makita ko siyang naglalakad sa labas ng gate," sabi ni Mommy.

"Hindi ako makapaniwala. Parang siyang pusa na niligaw pero nahanap pa rin 'yung way pauwi," sabi naman ni Dad. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig at nakikita ko.

Napatingin ako kay Ate Rose sa nakatayo at nagsusumiksik sa isang sulok sa may kusina. Gusto kong sabihin sa kanya na Ate Rose, please magsalita ka. Alam mong kasinungalingan lahat ng 'to. Binalik ko 'yung tingin ko kay Enzo. Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip niya ngayon. Kung ano'ng tingin niya sa 'kin ngayon.

"Ate, you lied to me. Sabi mo patay na si Hunter. Sabi mo si Mommy ang may kasalanan."

"Sinabi mo 'yun Gwen? How could you?" sabi ni Mommy with a very disappointed face. I can't believe this is happening. Biglang ako na 'yung masama at sinungaling.

Tiningnan ko uli si Ate Rose, "Ate Rose..." Tinawag ko siya. Nagmamakaawang sagipin niya ako sa sitwasyong 'to, na kampihan niya ako at pasinungalingan niya 'yung sinasabi ng parents ko pero patay malisya siya. Hindi niya ako pinansin at saka siya lumabas ng bahay gamit 'yung pintuan sa likod.

"I'm very disappointed with you Gwen. Mula ngayon hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto mo," sabi ni Dad.

"At sa kwarto na namin uli matutulog si Enzo," dagdag pa ni Mommy.

"No!" protesta ko. Hindi ko pwedeng iwan si Enzo sa kanila. Lumapit ako kay Enzo at hinawakan ko siya sa braso. "Enzo, hindi ko ma-explain kung paano nangyayari 'tong mga 'to, pero please trust me, nagsasabi ako nang totoo."

"Liar," sabi niya bago siya ilayo ni Mommy sa 'kin. Wala akong nagawa kundi umiyak. Takot na takot ako para sa kapatid ko. Nakatingin na lang ako sa likuran niya habang palayo sila sa 'kin, palabas ng bahay.

"Go to your room now Gwen. Doon ka lang at hindi ka lalabas hanggang 'di ko sinasabi," utos ni Dad sa 'kin at wala ako sa sariling sumunod. I'm so helpless.

Balik ako sa kwarto ko. Mag-isa. Tinanaw ko na lang si Enzo na kasama si Mommy sa labas; sa may garden habang hawak niya ang taling nakakabit sa leeg ng asong hindi ko alam kung si Hunter ba talaga.

"Mommy, I think, hunter is sick. Ayaw niya pong gumalaw," sabi ni Enzo. Hinihila niya kasi 'yung tuta pero ayaw nitong tumayo. Ilang minuto na rin 'yun na nakadapa sa tuyong damuhan.

"Baka pagod. Ilang araw kasing nawala. Hayaan mo magpahinga," sabi ni Mommy.

Binuhat na lang ni Enzo si Hunter at pinasyal niya hanggang sa may gate. Tinitingnan lang ni Enzo 'yung mga taong dumadaan na hindi naman sila pinapansin hanggang sa makita ko 'yung mga batang nakaaway ni Enzo dati. Kinabahan ako na awayin nila uli 'yung kapatid ko. Napatingin ako kay Mommy. Abala itong nagbubungkal ng lupa. Hindi niya alam ang sitwasyon ni Enzo.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at tumakbo papunta sa hagdan pero napahinto rin ako nang makita ko si Dad na nakatayo sa ibaba nito. Natakot ako nang makita ko ang seryoso niyang mukha at matalim na mga mata na diretsong nakatingin sa 'kin. "Saan ka pupunta?"

"Dad, si Enzo."

"Balik sa kwarto." Napatingin ako sa hawak niyang martilyo na mahigpit niyang hawak sa kanang kamay.

"But Dad." Sinubukan kong humakbang ng isang beses at hindi na ako umabot pa sa pangalawa dahil biglang hinampas ni Dad sa hagdan 'yung martilyo. Hindi lang isang beses kundi maraming beses dahilan para magkauka na ito, lalo pa't may sira na rin ito at kalumaan.

"Kapag sinabi kong balik sa kwarto, balik sa kwarto!"

Habol hininga si Dad at galit na galit na nakatitig sa 'kin. Sa takot ko, halos madapa ako nang tumakbo ako pabalik sa kwarto ko. Ni-lock ko 'yung pinto. Pinakiramdaman ko kung sinundan ba ako ni Dad. Hiling ko, na sana hindi. Inilapat ko pa ang tenga ko sa may pinto at pinakinggan kung may maririnig ba akong yabag sa labas. Buti na lang, wala. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa may kama ko at naupo. Nakikita ko pa rin sa isip ko 'yung itsura ni Dad at kung paano niya hampasin 'yung hagdan. Kinilabutan ako sa takot. 'Yun ang unang beses na makita kong ganun si Dad. Ibang-iba sa ama na kilala at kinalakhan ko. Hindi ko na malaman kung anong nararamdaman ko. Para akong maiiyak sa takot sa nangyayari sa pamilya ko.

INANGKde žijí příběhy. Začni objevovat