KABANATA 13

380 29 1
                                    

KABANATA 13

Si Dad ang nagbukas nang pintuan. Nasa likuran niya lang ako.

"Sino po sila?" tanong ni Dad sa matandang lalaki na hindi ko rin kilala.

"Ako si Adolfo. Isa akong mangagamot. Pasensya na kayo sa biglaang pagpunta ko rito. Hindi sana ako nakakaabala."

"Hindi naman po, pero ano pong sadya niyo rito? Si Inang Luring po ba? Kasi kung siya po, wala na po si Inang. Patay na."

"Kaya pala may mabigat akong naramdaman nang mapadaan ako rito. May kaluluwang hindi matahimik."

"Po? Ano'ng ibig niyong sabihin?"

Wala siyang sinabi. Bigla na lang siyang naglakad papasok ng bahay at pinagmasdan ang buong paligid. "Hindi maganda ang pakiradam ko. May napapansin ba kayong kakaibang nangyayari rito?"

"Paano niyo po nalaman?" singit ko sa usapan nila.

"Gwen," saway ni Dad. "Ikuha mo na lang si tatay ng maiinom." Hindi na 'ko kumibo.

Papunta na sana ako sa kusina nang makita kong pababa ng hagdan si Mommy. Hawak niya at inaalalayan 'yung kamay niya na may sugat. Hindi ako makadiretso sa kusina kasi tinitingnan ko kung ano'ng gagawin niya. May takot na kasi ako sa mga ikinikilos niya. Wala sana siyang gawing masama sa matanda naming bisita.

Dahan-dahan at tahimik siyang naupo sa tabi ni Dad. "Magandang hapon po," bati ni Mang Adolfo na nginitian lang niya.

"Asawa ko po pala," pakilala ni Dad kay Mommy. "Hon, siya si Mang Adolfo. Napadaan lang siya. Makikiinom lang."

"Parang hindi 'yun ang narinig ko." Tiningnan ni Mommy si Tatay Adolfo. "Gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niyo. Interisado ako," nakangiting sabi ni Mommy.

"Mabigat ang pakiramdam ko sa bahay na ito. Huwag mo sanang mamasamain, ano'ng nangyari diyan sa kamay mo?"

"Bakit biglang napunta sa 'kin ang usapan?" matapang na tanong ni Mommy.

"Patawad. Hindi ko naman nais manghimasok."

Ang bilis nang pangyayari. Kanina lang nagngingitian pa sila ngayon mukhang may namumuo nang tensyon. Kaya nagmamadali akong nagtimpla ng juice sa pitsel at kinuha ko 'yung isang box ng ensaymada at dinala ko agad sa kanila. Mabuti na lang at kasama nila si Dad na nag-iba ng topic.

"Matagal na po kayong manggagamot?" tanong ni Dad.

"Dise-siete pa lang ako'y nanggagamot na ako. Nananalantay sa aming dugo ang pagiging manggagamot." Napatingin si Mang Adolfo sa 'kin nang inilalapag ko na 'yung pagkain sa lamesitang nasa harapan nila. "Ano'ng pangalan mo hija?" Hinawakan niya 'ko sa braso at bigla na lang siyang napaliyad at parang nangingisay at tumirik pa ang mga mata. Natakot ako kaya pilit kong tinanggal 'yung kamay niyang nakahawak sa 'kin pero ang higpit nang pagkakakapit niya. Pagkatapos nang ilang segundo napabitaw siya sa 'kin at bumagsak pasandal sa upuan 'yung walang malay niyang katawan.

Natulala kami sa nangyari. Napatitig lang kami sa matandang albularyo. Alam kong buhay pa siya dahil kita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya. Humihinga pa siya. Naghihintay kami sa susunod na mangyayari nang biglang pumasok ng bahay sina Ate Rose at Enzo.

"Ate Rose 'di pa po 'ko tapos." Napalingon ako sa kanila. Nakita ko si Enzo na nakasunod kay Ate Rose habang hawak pa ang ilang piraso ng flyers. Habang si Ate Rose naman, nakahawak sa tiyan ang isang kamay habang sa kabila'y hawak niya 'yung glue na ginamit nilang pandikit sa flyers.

"Bunso, ang sakit na talaga ng tiyan ko," sabi ni Ate Rose at saka niya ipinatong sa lamesa ang hawak na glue at tumakbo papunta sa banyo.

Nagulat si Enzo at napatingin sa lugar namin habang ako naman ay napabalik ang tingin kay Mang Adolfo nang bigla na lang itong humugot ng hininga. Nanlalaki ang mga mata niyang nakabukas na. Kita ang takot sa mga 'yun. "Umalis na kayo rito. Nasa panganib kayo. May pumatay! May mamamatay!"

INANGWhere stories live. Discover now