Chapter 15: Pageant

Start from the beginning
                                    

"Oh andito na pala siya eh" ani Kaye. Napalingon ang lahat sa pintuan kung nasaan si Matthew.

"Sorry, Miss. Pumunta pa kasi ako sa locker ko." aniya.

"Hmm sige, go to your seat Mr. Ramirez." utos ng Lec at sumunod naman siya. Umupo na siya sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.

"So class, today i'm just going to announce something." sabi nung Lec at naghiyawan naman ang mga estudyante.

"Alam niyo naman na every first month of school nagaganap ang Miss Campus right?" mas naghiyawan ang mga estudyante sa sinabi nung Lec.

"This Wednesday ang talent night at this Saturday naman ang Pageant night, so I want to hear your suggestions kung sino ang ipapambato natin." ani Lec.

"'di naman na pwede si Mich kasi siya na yung nanalo last year, si Aerynne nalang!" sigaw ni Patrick, isa sa pinaka maingay sa klase namin.

"Ano? Ayoko nga!" angal ko.

"Bakit naman ayaw mo? Ang ganda mo kaya!" sigaw naman ni Kaye.

"Nahihiya ako!"

"Sige na! 'wag kang mahiya, andito naman kaming lahat para suportahan ka eh," sabi naman ni Faye. Huhu ano? Papayag ba ko?

"Pumayag ka na, Aerynne." bulong ni Mich sa'kin. Hays, wala namang mawawala kung susubukan ko diba?

"Ano Ms. De Villa? Payag ka ba?" tanong nung Lec sa'kin.

Tumango ako. "Sige po, i'll do my best."

"Yeheeey!"

"Yun oh!"

"Awiiieee!!"

"Wooohh!"

sigaw ng mga kaklase ko. Kinakabahan na ako kahit wala pa ang Pageant huhu. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at pag angat ko ng tingin ay nakita ko si Gabby na naka ngiti ng matamis sakin, na para bang sinasabi niyang kaya-mo-yan, napangiti nalang din ako.

"Maam, sino po ba ang pambato sa kabilang section?" tanong ni Patrick.

"Ahh si Ms. Segovia ang pambato nila," napangiwi si Patrick.

"Pero maam diba nanalo na siya dati? Diba po bawal 'yun?"

"Oo nga maam!" sang ayon naman ni Ian, bestfriend ni Patrick.

"Ang bawal ay iyong sumali ka ulit pero nanalo ka na last year, yun ang bawal hijo. Pwedeng sumali si Ms. Segovia dahil matagal na rin naman simula nung nanalo siya." paliwanag pa nung Lec, napasimangot naman ang lahat sa sinabi niya.

"Ah basta kami, TEAM AERYNNE kami!" sigaw naman ni Patrick. Tumango naman ang lahat. I somehow felt touched by their support.


"Yiieeee! Goodluck sa pageant mo girl!" tili pa ni Mich at sinusundot-sundot pa ang tagiliran ko. Andito kami ngayon sa cafeteria, si Gabby daw ay may meeting sa SSG, president kasi siya.

"Kinakabahan ako eh, baka matalo ako," napanguso ako.

"Ano ka ba! Okay lang naman ang matalo, atleast you did your best! Atsaka andito naman ako para tulungan ka, nakalimutan mo atang Beauty Queen and Mommy ko?" sabi niya pa at nakangiti ng nakakaloko.

"Hindi kaya, wala kang nabanggit na beauty queen si tita Elle,"

"Ay hindi ba? Kala ko nabanggit ko na eh" napanguso siya. "Ah basta, don't worry on your look, si Mommy na ang bahala sayo" kinindatan naman niya ako.

Tumayo na kami at aalis na sana pero nakasalubong ko si Chesca.

"Oh, Aerynne. Its nice to see you again." she smiled fakely.

"Hello, its not nice for me to see you , sorry." prangkang sabi ko.

"Aww is that how you treat your opponent?"

"Yeah, mabuti alam mo." i said.

"Tsk tsk. Oh by the way, goodluck sa pageant, can't wait to see your lost."

"Don't celebrate too early, Chesca."

"I'm not. I'm just stating the truth, sorry in advance, because i'll be owning not just the crown, but also my man."

"He's not your man anymore, but my man." nginisian ko siya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"I will get gim back, you'll see!" sabi niya sabay alis.

"Aba! Ginagalit niya talaga ako 'no?!" sabi naman ni Mich.

"Kalma lang," sabi ko at sinunod niya naman.

Nah, I won't let that happen. I will take him before you get him back. Sayo siya dati, aakuhin ko na siya ngayon. He was yours once, but it won't be twice. 'Wag ako, Chesca.


AUTHOR'S NOTE:
HAHAHA Nag-update na po ako! Busy kasi sa modules kaya natagalan. Sorry hahaha i will try to update kahit busy ako, sisingit nalang haha. Thank you and keep safe!

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now