Chapter 14: Audition

47 12 8
                                    

AERYNNE'S POV
Sunday.
Nagising ako mula sa tunog ng alarm clock ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa orasan. 6:40 pa pala Huhu nasobraan ata ang tulog ko, si Mich kasi inabot kami ng hatinggabi sa kakachat. Puro lang naman si Liam ang bukambibig niya.

Naligo na'ko at bumaba para mag almusal.

"Goodmorning anak," bati ni mom saka humalik sa pisnge ko.

"Goodmorning ma, nasaan sila dad?" tanong ko. Si mommy lang kasi ang nakikita ko dito sa dining area.

"Yung daddy mo andon sa garden kasama si bunso, si Zion nagjogging naman, at si Xander naman tulog pa" aniya. Tumatango-tango naman ako.

"Gisingin ko nalang po si kuya Lex tapos ikaw nalang ang tumawag kina daddy at bunso, mmy." sabi ko at tumango naman siya.

Umakyat ako sa taas at tumungo sa kwarto ni kuya Lex. Pagdating ko ay papasok na sana ako nang marinig ako ang mga hikbi ni kuya. Umiiyak ba siya?

"Babe, please patawarin mo na ako," rinig kong sabi niya. Mukhang naka loudspeak ang cellphone niya kaya narinig ko ang sinabi ng kausap niya.

"'Wag mo'kong ma-babe-babe jan! Alam mo? Pagod na'ko sayo! Napaka seloso mo!" sigaw nung babae.

Nabobosesan ko siya...

Si ate Francine!

"Babe, sorry na, hindi ko napigilan ang sarili ko" humihikbing pagsusumamo ni kuya.

"Kaya nga! Nakakapagod ang ugali mo! Sabi ko naman kasi sayo, kaibigan ko lang 'yun!"

"Pero kasi hinalikan ka niya eh, kaya mas nagalit ako," ani kuya. Ano?! Si ate Francine ang may kasalanan pero si kuya ang nagsosorry?! Tanga ba siya?!

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na aksidente 'yun! Ewan ko sayo! Nakakapagod ka!" sigaw ulit nung babae saka binabaan si kuya ng telepono.

Ilang hikbi ang narinig ko mula sa kwarto niya. At ito ang first time na umiyak siya dahil sa isang babae.

Kumatok ako at pinapasok niya ako. Pagpasok ko ay hindi na siya umiiyak, pero mugto ang kaniyang mga mata. Lumapit ako at tumabi sakanya.

"Kuya, okay ka lang?" tanong ko kahit alam kong hindi naman talaga siya okay.

"Oo naman! Okay na okay!" sabi niya sa masiglang tono. Alam kong nagpapanggap lang siyang masaya kahit kitang-kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata.

"Kuya, pwede mo namang sabihin eh"

"Okay lang ako! Ano ka ba" aniya at ginulo ang buhok ko.

"Kuya naman, alam kong hindi ka okay," seryosong sabi ko. At dahil 'dun naging malungkot ulit ang mukha niya.

"Nag away kayo ni ate Francine," sabi ko at bigla niya akong niyakap at humagulhol.

"Nagalit k-kasi siya s-sakin, kasi sinuntok ko 'yung k-kaibigan niya," aniya. Niyakap ko na rin siya pabalik para mapagaan ko ang loob niya kahit papaano.

"Bakit mo naman kasi sinuntok?"

"Eh kasi nahuli kong naghahalikan sila nung pumunta ako sa bahay niya," aniya at mas umiyak.

Wait, so gumanti si ate Francine ng halik? Bakit?

"Ano? Naghahalikan sila? Sigurado ka ba talaga?" gulat na tanong ko. Sa pagkakakilala ko kasi kay ate Francine, hindi niya kayang gawin ang bagay na 'yun. She's too angelic to do that.

"Oo, kaya sinuntok ko 'yung lalaki at nagalit siya, sabi niya aksidente lang daw 'yun at kaibigan niya lang 'yung lalaki" kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at tiningnan ako sa mga mata kahit umiiyak parin siya.

Playful Destiny (ON-GOING)Where stories live. Discover now