Missing #18

4.4K 163 8
                                    

"TL, I'll go ahead."

"Take care Paolo," tugon ni Kai sa nagpaalam na agent niya. Isinuot na niya muli ang headset kasunod ang pag-aayos sa salamin sa mata na suot at ibinalik ang atensyon sa pinakikinggang conversation ng isang agent niya at kausap nitong may complaint. Isinusulat niya ang mga mahahalagang detalye sa pag-uusap ng dalawa.

Limang taon na rin siyang nagtatrabaho bilang isang Team Leader o Supervisor sa kompanyang iyon at dahil wala naman siyang nobya o kasama sa bahay sa maynila ay madalas siyang nag-oovertime. Parehas kasi nasa mundo ng pulitika ang mga magulang niya sa Cavite kaya madalas kahit weekend ay nagtatrabaho pa rin siya kesa umuwi ng bahay nila.

'Nand'yan na siya... Magtago ka na...'

Muntik ng tumama sa flat screen na monitor ng computer niya ang headset na biglang niyang inalis mula sa tainga at inihagis sa harapan kasunod ang pagtayo at paglayo mula doon. Ilang beses siyang napapalunok habang mabilis at malalim ang paghingang nakatitig sa inihagis na headset. Biglang may pumasok na tagalong na linya sa ingles na pag-uusap na kanyang pinakikinggan.

"W-what's that?!" tanong niya sa sarili ng sa wakas ay tila mahimasmasan. Paupo niyang ibinagsak ang sarili sa swivel chair bago inilapat ang buong likod sa sandalan. Napatingin siya sa suot na relo. 2:48 A.M. "Karlo, you're just tired kaya kung ano-ano na ang naririnig mo," bulong niya.

Isang malalim na buntong hininga pa ang binitawan niya bago nagpasyang tumayo na at nagimulang ayusin ang mga gamit. Ngunit kasabay ng pagtayo niya ay ang pagkamatay ng main lights sa loob ng opisina. "Sh*t! Hindi ba sinabi ni Paolo sa guard na nandito pa ako!?" naiinis na bulong niya.

'Kai, magtago ka na... Maglalaro na tayo...'

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang batang nasa tabi niya at humihila ng laylayan ng suot niyang poloshirt. At dahil sa dim na liwanag na bumabalot sa paligid ay malinaw sa kanyang panignin ang duguang mukha nitong may malaking butas sa kanyang pisngi na tila pinukpok at ang pisak na ring mata nito sa kinalalagyan. Nakatingala ito sa kanya habang walang tigil ang pagbulwak ng malapot na dugo mula sa nakauwang na mga labi. Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod niya ngunit halos hind na niya naramdaman ang sakit ng pagkabagsak niya sa may tabi ng swivel chair. Paupo siyang napaatras ng magsimulang kumilos ang bata papalapit sa kanya.

"F-franco? I-is t-that y-you?" nangangatal na tanong niya na halos hindi na niya maintindihan ang sariling mga salitang binigkas. Sa kabila ng matinding takot ay napansin niya ang paika-ikang paglalakad nito na halos hilahin na ang isang nakaliko na binti.

'Magtago ka na... Magtago ka na...' kasabay ng paglabas ng mga salita mula sa maiitim at namamaga nitong mga labi ay ang patuloy na pagbulwak ng malalapot na dugo na tumutuloy sa leeg nito patungo sa putikang jacket na suot.

Mabilis na naagaw ang atensyon niya ng biglang tumunog ang alarm sa may pinto na senyales na may nag-barge in doon at may taong papasok. Kasabay ng liwanag na pumasok mula sa bukas na pinto ay ang pamumuo ng pag-asa sa didib niya. Pero nanlaki ang mga mata niyang ng tuluyang makita at makilala ang nasa harapan.

'Nand'yan na siya... Magtago ka na...'

***

***

"SA wakas, maaga rin ako makakauwi," masayang bulong ni mang Toni, ang security guard ng One F-com building. Sa 7th floor siya naka-assign at laking tuwa niya ng maagang dumating ang kapalitan niya. Kaarawan kasi ng bunsong anak niya kaya nais niyang sorpresahin ito sa pag-uwi niya. Nakabili na siya ng cake bago pumasok at plano niyang dumaan sa 24 hours na Jollibee para bumili ng paborito nitong spaghetti.

Isang malakas na ingay na tila nabasag na mga salamin ang nagpahinto sa kanyang pagbukas ng Exit door ng lobby area. Babalik sana siya ng maisip na hindi naman siya ang naka-assign kung saan man nangagaling ang ingay na iyon.

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Where stories live. Discover now