KABANATA 9

0 2 0
                                    

KABANATA 9

EYA POV

"Umalis ka'na Hindi ka namin kailangan,anak ka lang sa labas!" Malakas na sigaw nya dahilan upang may bulungan ang mga taong nakaka-kita sa amin.

"Anak lang sya sa labas?"

"Grabe akala ko anak talaga sya ni conto"

"Ang landi naman pala ng ina nya"

"Mana sa ina"

"Akala ko noon si Conto ang masama kaya nya sinasaktan ni eya, ngayon alam ko na"

Bulungan ng mga taong nanonood sa amin. Madaming chismosa dito,squatter area kase 'tong sa amin.

"KAYONG LAHAT..." pag-aagaw ng atensyon ni ate o ni alyana sa mga tao. Humarap naman ang mga 'to sa amin. "ETONG BABAENG ITO AY ANAK LANG LABAS,UBOD PA NG LANDI,PATI BAGO KONG KAKLASE NILALANDI" Sigaw nya. At ayun na naman,naging palengke na naman.

Wala akong pake sa sinabi ni ate. Kase alam ko namang Hindi 'yon totoo.

May lumapit na isang 'di katandaang Babae sa akin. At....at sinampal ako. "Napaka landi mo,mana ka sa mama mo!" Sigaw nya. Ano bang problema nila?wala silang alam kaya dapat Hindi nila ako ginaganito,lalo na si mama.

"Wala kang alam,wala kayong alam dahil Hindi nyo alam ang buong storya, kaya pwede 'wag kayong mag-dikta ng ganyan! Sabagay...sabagay nag-papaniwala kayo sa mga sinasabi ng mga tao,kahit Hindi totoo...squatter area nga pala 'to,kaya ganyan ang mga ugali nyo!" Hindi ko na mapigilang sumigaw. Sinampal pa ako nito ng isang beses. May sumampal pa sa akin at tumadyak.

"Lumayas ka'na sa lugar namin,hampaslupa"

"Wala kang galang"

"Bastos kang bata"

Sigawan nila habang pinagsisipa at sampal ako. Napa-higa nalang ako sa lupa dahil sa sakit.

'Bakit ba sila ganito?ang sasama nila!'

Nang maramdaman na wala ng sumisipa at sumasampal ay iminulat ko ang mga mata ko. Pinilit Kong itayo ang katawan ko. Sobrang sakit na ng katawan ko,Simula kaninang umaga,puro pambu-buyo nalang ang inaabot ko.

"Lumayas ka'na dito b*tch" sigaw ni alyana at itinulak ako dahilan upang mapaluhod ako. Tumama pa 'ata ang tuhod ko sa stick,dahil may naramdaman akong kirot at parang tusok dito. Nang lingunin ko at umaagos na ang dugo.

Naka-ramdam ako ng galit,hinagpis,lungkot at sakit. Galit dahil sa mga ginagawa nilang pananakit,hinagpis dahil sa mga sinasabi nilang wala namang katotohanan,lungkot kase Hindi 'ko makaka-sama si mama,lubos akong nag-aalala dito,sakit dahil sa nararamdaman ko. Ang sakit lang kaseng isipin na,itinago nila ang totoo sa akin,sakit na Hindi ako tunay na anak ng itinuring Kong ama,sakit na ipinaranas sa akin ni ate alyana.

Pinilit Kong itayong muli ang katawan ko. Naalala ko na naman si mama,kamusta na sya?

Nang makatayo ay pinilit Kong Hindi ipakita sa kanila na nahihirapan na'ko sa mga sugat ko. Pinilit na hindi iinda ang mga ito.

"Ano?lumayas ka'na" sigaw ni ate. Inangat ko ang ulo ko,at kumawala ang taksil Kong luha.

"Hindi kami maawa sayo kahit umayak ka'pa" sigaw ng matandang babae.

'Hindi ko kailangan ng awa nyo'

Naikuyom ko na ang kamao ko,dahil sa inis at galit.

"Hindi ko kailangan ng awa nyo...oo,aalis ako dito,pero sisiguraduhin Kong pag-balik ko! Luluhod ako sa harapan ko at mag-mamaka-awa...sisiguraduhin Kong pag-balik ko,Hindi nyo na makikilala,at Hindi nyo na makikita ang dating Eya,and dating Eya na Hindi lumalaban,pumapayag na gulpihin...sa susunod na makita nyo 'ko,ihanda nyo na ang sarili nyo,dahil babalik ako dito para iparamdam ang lahat ng ipinadama nyong sakit,humanda kayo" mahaba,may Dion bawat salita,pa sigaw na lintaya ko. Yung iba ay naninigas na,tapos yung iba ay tumatawa. Si ate ang may-pinaka malakas na tawa.

"Sige lang,libre mangarap" tatawa-tawang ani nya. Kinuha ko ang mga gamit ko at sinimulang mag-lakad.

Ilang hakbang pala ako ay sumulyap akong muli sa mga 'to.

'Tandaan nyo ang sinabi ko'

Abangan...

WAVE'S OF LIFE(SEASON ONE:BULLY-ongoing)Where stories live. Discover now