KABANATA 7

0 2 0
                                    

KABANATA 7

EYA POV

NAGISING ako,iminulat ko muna ang mga mata ko. Puti lahat ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Naka-rinig ako ng mga yabag,na mukhang papalapit sa akin. Lumingon ako sa gilid,at do'n na kita ko si eljy. Na papalapit.

"Okay ka lang?may masakit ba sayo?" Bakas dito ang pag-aalala.

"Hmm,oo,okay lang ako" naka-ngiti Kong wika. "Teka nasaan ako?" Takang tanong ko. Kase naman,puro puti eh. Baka sa heaven?j o w k!

"Nasa hospital,Hindi na kita dinala sa clinic kase malala na y---" Hindi ko na sya pinatapos ng biglaan akong tumayo. Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit Kong tumayo.

'Ano?hospital?eh wala akong pambayad'

"Ano? Wala akong pa---" pinutol na nya ang sasabihin ko.

"Don't worry about the payment,ako na ang Bahala do'n" wika nya. ang bait nya,kaya mahal ko 'yan eh. "Ang gagawin mo lang ay ang magpahinga,okay?" Panga-ngaral nya.

"Thank you,ang bait Mo,pero...ayaw ko namang abisuhin yung kabaitan mo,promise magbabayad ako pag naka-ipon na" itinaas ko pa ang kanang kamay ko na animong nanga-ngako.

"Hindi na kailangan,ang pera napapalitan,pero ang kaibigan Hindi...mas mahalaga ka,kesa sa pera, my best friend" sabi nya,tska ako niyakap. Niyakap ko rin sya pabalik. Ang swerte ko,dahil may kaibigan akong ganito ka-bait. Nasa loob ang ganda.

"Thank you,kaya mahal-mahal kita eh." Sabi ko tska sya hinalikan sa noo.

"Sus nambola ka'pa" natatawang sabi nya.

"Uy,Hindi 'yon pambobola...honest 'to 'no" naka-ngusong ani ko. Natawa naman sya.

"Haute,o sige na,mag-pahinga kana,dito lang ako" wika nya. Bigla ko namang naalala si papa,lagot ako ne'to. Tumayo ako sa hospital bed at isinuot ang black shoes.

"Oh,sabi ko mag-pahinga ka,ako nangbahala sa gas---" Hindi ko sya pinatapos sa pagsasalita.

"Kailangan ko ng umuwi,magagalit si mama at lalo na si papa" pinagpapawisang ani ko.

"Ede sabihin mo na,galing kang hospital dahil inaway ka" pag-tuturo pa nito. Kahit sabihin ko 'yan,I know na Hindi nila,o I mean Hindi ako paniniwalaan ni papa.

"Basta,Hindi pwede,una na'ko,salamat kita tayo bukas sa gate ah" sabi ko at hinalikan sya sa noo.

"Teka,kaya mo ba?" Nag-aalalang tanong nya.

"Oo,salamat" wika ko,tska kinuha bag ko na nasa sofa.

Halos takbo-lakad na ang ginawa ko,pabalik sa bahay.

Nang makarating ako ay sobra ang hingal,at pag-hahabol ko sa hininga ko. Binuksan ko ang gate namin na kahoy lang,tska lumakad papuntang pinto.

Malayo-layo palang ay rinig na rinig ko'na ang sigawan sa loob ng bahay.

Alam ko kung ano 'yun,kaya minadali Kong mag-lakad at buksan ang pinto. Tumambad sa akin si mama na...

Abangan...

WAVE'S OF LIFE(SEASON ONE:BULLY-ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon