Chapter 27

2.8K 68 0
                                    

"Thank you." kinuha ko ang natutulog na si Kenny sa balikat niya. "I'm sorry, love." hinaplos ko ang pisngi nito.

Rago cleared his throat, "I.. have a question."

Tinaasan ko siya ng kilay kahit parang sasabog na ang puso ko.

"She asked me earlier if I'm your friend, I nod even if we both know that I'm not just a friend." his eyes were fix on Kenny's face. "She asked me if I know her father." his begging eyes stared at mine. "Who is her father, Sariya?"

I stepped back because of his stares, "Y-you don't know him."

"Do you think I care if I know that piece of shit or not?"

Sasagot na sana ako nang may umakbay sa akin. "Ang tagal niyo naman."

Nakahinga ako ng maluwag nang makita si kuya Vince. His eyes were on Rago.

"Hi, I'm Vince. You are?"

Rago pursed his lips, "None of your business." sagot nito at binangga ang braso ni kuya.

Mahinang tumawa si kuya Vince at hinawakan ang braso niya, "Jealousy." tumingin sa akin si kuya. "He's pretty strong, masakit e."

"Shut up, kuya Vince. Yung kotse ba ni Kenny nasaan na?"

Tinuro niya ang likod ng raptor ni kuya Clyf, "Nandoon. We switched because of Kenny's car."

Tumango lang ako at nagpaalalay para makapasok sa loob ng passenger seat habang karga si Kenny.

Habang bumabyahe papauwi ay tahimik lang kami pero dahil si kuya Vince ang kasama ko tumigil kami sa Starbucks dahil nauuhaw daw siya.

Nagpa order na rin ako ng dark mocha frappe para sa akin at strawberries and cream for Kenny in case she wake up.

Almost 10 minutes na nang makabalik si kuya sa kotse. "Nagkaproblema lang."

Nilagay niya ang mga inorder namin sa cup holder. Nangangalay na ako kakakarga kay Kenny nang makarating kami ng bahay. Pumasok agad ako ng bahay para dalhin si Kenny sa kwarto ko.

I kissed her forehead before fixing the comforter and leave. I dialed Carli's number.

"Hey, may ginagawa ka ba?" tanong ko.

"Uhm.. w-wala.. I mean.. m-madami!"

Kumunot ang noo ko dahil sa boses niya, "May sakit ka ba? Bakit ganyan ka magsalita? It's like-"

"Bye!"

Hindi makapaniwalang tinignan ko ang screen ng cellphone ko. Did she just hang up? Nagkibit balikat ako at tinawagan si Erva.

"Hey, busy ka?" bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

"Hindi naman- hey! Watch where you're going!" she shouted. "Sariya, are you still there?"

She's busy.. "I'm still here. Busy ka yata. Tapusin mo muna 'yan. Call you later!"

"Sorry! Bawi na lang ako next time. Love yah!"

She ended the call. Ano bang pinaggagawa nila? Halos lahat sila busy! Wala akong makausap! I want to drink! Damn it!

Tinungo ko ang kusina kung saan naroon sila mommy at ilang kasambahay. "Mom, can you take care of Kenny?" nilapitan ko siya at niyakap. "I'll just go somewhere."

"Kumain kana ba?" umiling ako. "Kain ka muna. Then you can go. Hanggang anong oras ka ba mawawala?"

Napaisip ako, "Uh.. probably.. the whole night?"

Loving Rago Ken MarquezWhere stories live. Discover now