19. Jealous Syndrome

8.8K 238 4
                                    

"Tama ba ang lahat ng narinig ko sweetheart? -malambing saad ni frank sa kanya

"Huh? Anong Ibig Mong sabihin mercado?

Kasalukuyan silang kumakain ng tanghalian sa likod ng bahay Dahil sa gusto nga ni frank na solohin at makausap si amour Dahil na din sa nangyari. Nakiusap si frank Kay Maria na Kung pwede ay saglit niyang hiramin si amour at nang maka-kain siya kasabay Ito.

"Hiramin? Pwedeng huwag mo nang isoli senyorito frank, iuwi mo na agad at itali Baka makawala pa eh. -biro ni Maria Kay frank

"Malapit nang mangyari iyang sinasabi mo maria, takot ko lang na mawala to sa pagkakatali ko. Sa ngayon kailangan muna naming ayusin ang sa amin at gutom na gutom na din ako eh. -sagot ni frank

"Sige po ako ng bahala dito senyorito, pakainin niyong Mabuti ang isa't isa mukhang pati ang pagkain ninyo ay apektado sa nangyari nangangayat kayong pareho eh.

"Maria! -Sigaw ni amour

"Nagbibiro lang naman ako ate amour. -ngiting wika ni maria

Magli-limang araw na din siyang hindi nakakakain ng mabuti, di makatulog o gumawa ng matinong trabaho sa hacienda Dahil kaya segundo at minuto sa araw-araw ay laging sumasagi sa isip Niya si amour. Si amour na mahal na mahal Niya, si amour na dahilan ng mga ngiti Niya sa labi, si amour na nag-iisa at una niyang mahal, si amour na laging laman ng kanyang panaginip, si amour na hindi matukoy sa sarili ang nararamdaman at kahit labag man sa kanyang loob ang hindi muna magpakita dito para lang marealize ng dalaga ang tunay na nararamdaman nito sa kanya ay nagawa pa rin niya.

"Yung mga Sinabi mo Kay maria kani-kanina lang.

"Ang alin?

Ngumiti ng makahulugan si frank pagkuway tumayo Ito at May Kinuha sa loob ng bulsa ng pantalon nito. Isang mamahaling cellphone ang tumambad sa kanyang mata at nakita niyang may kinulikut Ito at pinarinig sa kanya.

"Iba Kasi maria eh, napaka estranghero ng nararamdaman ko hindi ko mahinuha Kung ano Ito. Attracted lang ba ako sa kanya Dahil sa angking kakisigan at kagwapuhan Niya o Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig.

"Alam kong first Time mo Ito ate pero ang maipapayo ko lang sa iyo eh Kung ano ang nararamdaman ng puso mo yun ang sundin mo. Marahil nasasabi Mong atraksyon iyang nararamdaman mo Dahil talaga namang kahit sinong babae eh mapapansin ang isang katulad Niya na Sobra sobra ang appeal naguumapaw! Bonus pang magandang lalaki siya pero kapag sabihin mo ang puso Kung kusa itong tumibok ay Mahirap ng pigilan kahit hindi mo kagustuhan. Ano nga bang nararamdaman mo ate tuwing nandyan siya at kasama mo siya?

"Naririnig ko pa lang ang boses Niya ay nagsisitayuan na lahat ng balahibo ko sa batok, nalulunod ako sa bawat titig Niya, nawawala ako sa katinuan kapag ngumingiti siya, kapag malapit kame sa isa't isa o kaya'y hinahawakan Niya ang kamay ko ay nakakaramdam ako ng libo libong voltahe ng kuryente na dumadaloy sa buong katauhan ko, nung hinalikan Niya ako sa palengke dun ako nakaramdam na may kulisap na nagwawala sa loob ng tiyan ko at higit sa lahat naghuhuramentado ang puso ko lalo na't alam kong malapit lang siya sa akin at naamoy ko ang gamit niyang pabango na kilalang kilala na ng buo kong pagkatao.

"Pag-Ibig na nga iyan ate amour. Hulog kana sa kanya, hulog na hulog.

"Kaya ba inis na inis ako sa kanya nung nakita kong may nangyakap sa kanya? Kaya ba ayoko siyang kausapin o tignan sa mata Dahil sa nalaman kong naging crush Niya yung babaeng nangyakap sa kanya na kababata Niya? Kaya ba kinompara ko yung luto ko dun sa luto ng kababata Niya? Kahit hindi ko ugali ang mag kumpara ng tao.

"Ate nakakaramdam kana ng selos Kasi nga mahal mo na siya.

"Ganun kadali?

"Hindi nasusukat sa haba o iksi ng panahon bago mo Malaman na mahal mo ang isang tao kundi nararamdaman mo na lang iyan bigla, katulad ng bigla Mong pagdating dito sa puerto mercado kasabay din nun ang biglang pagdating ni senyorito frank sa buhay mo.

Run Away (Completed) 4Where stories live. Discover now