"Shut up!"

"Hoy! Huwag na huwag mo akong sinisigawan kung ayaw mong mapahiya sa maaaring gawin ko sayo!"

"Sis relax..."
Si Ms.Diano sa kanya.
"Alam mo Colleen hindi na pwede yang sinasabi mo, kanina pa naumpisan ni Erika ang dapat ikaw ang gumagawa kaya hayaan mo na siyang taposin to."

"What did you say?"

"Hindi kaba nahihiya sa sarili mo Colleen?"

"And why should I?! Ikaw dapat ang mahiya sa sarili mo. Masyado kang makapal lahat nalang inaagaw mo sa'kin---.Kaya hubarin mo na yang suot mo at lumayas kana!"
Sabi niya at agad na lumapit sa'kin ngunit mabilis ko ring napigilan ang kamay niya.

"Umalis kana akin na to!"

"Colleen ano ba?!"

"Ahhh!"
Siya sabay sampal sa'kin.

Hinawakan ko ang bahagi ng mukha ko na sinampal niya at tinignan siya ng masama.

"Ano masakit ba? Hubarin mo na kasi yan at umalis kana kung ayaw mong masaktan pa."

"Colleen!"
Si Ms.Diano

"Sa tingin mo ikinaganda mo ang pagsuot ng ganyan ka ganda at mahal na gown? sa katunayan, wala naman talagang karapatan ang kutong-lupang gaya mo para sa kompetisyon gaya ni---."

"Anong klaseng babae kaba?"
Biglang sapaw ko at natigilan naman siya.
"Kung mag-isip ka para kang babaeng walang pinag-aralan.
Kasalanan ko bang kaya ka napalitan dahil sa kalandian mo?!"

"What?"

"Look at you, hindi kana nahiya baliktad pa yang damit mo."
Sabi ko at tumingin naman siya sa suot niyang baliktad talaga.
"Buhaghag ang buhok, amoy---.tss lalaki. Yung totoo? Hindi kaba nag-enjoy sa kalandian mo kagabi at kaya ka andito ngayon gumagawa ng eksena?!"

"Walang hiya ka---. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo!"

"Ano nga ba 'tong mga pinagsasabi ko?"
Natatawa kunyaring tanong ko sa sarili.
"Oh!..Dahil siguro sa itsura mo, para kang ginahasa ng sampong lalaki---."

"Tumigil kana!"
Sigaw niya at mabilis akong sinabunotan.

"Nagalit ka kaya may katutuhanan ang sinasabi ko!"

"Wala kang pakealam!"

*Sampal then sabunot*

"Ano ba tumigil na kayo!"

Nurkhaiza's POV.

"Grabe hindi na ako makapaghintay na sabihin ng host na si bespren ang mananalo ngayon! OMG matutupad narin sa wakas ang pangarap niya."
Ako.

"Hindi pa man din nangyayari ngunit sana nga..."

"Pero maiba tayo, nasan kaya si Colleen noh? Bakit kaya wala yun?"
Tanong ko sa kanila.

"Tila yata nag-iba ang ihip ng hangin ngayon?"
Natatawang tanong naman ni Lesther.

"Ano ba kayo...Nag-aalala lang naman ako. Sana lang---."

"Wow ah?"

"Nag-aalala daw."

I pouted.

"Hahah, sana ano?"
Tanong naman ni Jake.

"Sana bisikleta lang ang nakabunggo sa kanya para buhay parin. Heheh."

"Hahaha pilya karin eh."

"Kaya nga bisikleta lang, para hindi malala. Hahah!"
Sabi ko at natawa nalang kami.

At hindi din nagtagal ay nagsalita na muli ang host.

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now