"Shuta!" asik niya sabay tawa.


Tinulak ko pauwi si Charlie ng matapos siyang kumain pero hindi siya nagpapigil. Nang malaman niyang aalis kami ni Kuya Jasper para magdeliver ng chicharon ay nagpumilit itong sumama sa amin.



"Round trip with chicharons" natatawang hiyaw niya. Nasa backseat siya katabi ang ilan pang platstick ng chicharon. Napailing na lamang si Kuya Jasper, napaguso ako at inayos ang seatbelt ko sa may passenger seat.



Bukas ang lahat ng bintana ng aming lumang pick up dahil wala naman itong aircon. Hinawakan ko ang kumpol ng buhok ko para hindi tangayin ng hangin. Tuwang tuwa si Charlie na akala mo ay namamasyal talaga kami. Sinasabayan pa niya ang pang linggong kanta sa mag stereo. Siraulo talaga.



Una kaming huminto sa may Sitio gipit, isang tindahan sa tabi ng kalsada ang binabaan namin ng chicharon. Bumaba si Kuya Jasper kaya naman bumaba din ako, kumuha siya ng plastick ng chicharon sa likod ng pick up at dinala iyon sa may sari sari store.



Dumungaw naman si Charlie sa may bintana, hindi na bumaba pa. "Uy, gusto ko ng egg pie" sabi niya sabay turo sa egg pie kasama ng iba't ibang kakanin na tinda duon sa tindahan. Pinalo ko ang kamy niyang nakalawit sa may bintana kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.


Umayos ako ng tayo ng makita kong pabalik na si Kuya Jasper, nagbibilang ito ng pera na bayad nung may ari ng sari sari store. "Ok na po?" tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin kaya naman tatalikod na sana ako para sumakay na.


"May gusto kayo?" tanong niya sa amin. Tatanggi na sana ako pero ang shutang si Charlie ay napapalakpak pa.


Sa huli, pinapili kami ni Kuya Jasper ng bibilhin namin. Ayoko pa sana pero ng makita ko ang casava cake ay iyon na lang din ang binili ko. "Kaya Crush kita kuya Jasper eh" pangaasar ni Charlie sa kanya ng makuha na niya ang egg pie na gusto niya.



Nginisian siya nito. "Ah basta ay bantayan mo itong si Tathi. Magsumbong kayo sa akin pag may umaaway sa inyo" sabi niya kaya Charlie kaya naman matamis ko siyang nginitian.


Hinawakan niya lamang ako sa ulo. Kahit bully si Kuya Jasper ay hindi ko naramdamang magpinsan lang kami, kung ituring niya ako ay para talagang kapatid niya ako. At nagpapasalamat ako dahil duon. Nagpatuloy kami sa susunod na pupuntahan, hawak hawak ko pa din ang Casava cake ko. Mamaya ko na iyon kakainin dahil nahihirapan pa ako sa buhok kong tinatangay ng hangin.


"Ayan yung pinagtratrabahuhan ko oh" excited na sabi ko kay Charlie at Kuya Jasper ng madaanan namin ang malaking rice mill sa catmon. Tumikhim lang si Kuya Jasper alam niyang nagtratrabaho ako, pinilit ko siyang wag na munang sabihin kay Mama. Pumayag siyang ilihim ito kay Mama dahil ayaw niya din akong mapagalitan.



Panay ang kwento din ni Charlie sa kanyang pinagtratrabahuhan hanggang sa pumasok kami sa isang pamilyar na daan. Bigla kong nahigit ang hininga ko dahil duon, ang daang tinatahak namin ngayon ay patungo kina Tito Darren.


"Wow. Ang lalaki pala ng mansyon dito. Ito pala yung sinasabi nilang Villa de montero" pagkamangha ni Charlie. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang mamangha hanggang sa muli siyang nagsalita ng madaanan namin ang isa pang bahay bakasyunan. Duon ko nakita ang isang kulay Gray na Hummer.


Nakahinga lang ako ng maluwag ng nalagpasan na namin ang lahat ng iyon maging ang bahay nina tito Darren. Ni hindi ko nga iyon nilingon dahil pakiramdam ko ay mas masasaktan lang ako. Umiiwas na ako sa mga bagay na pwedeng magpaalala sa akin sa kanya.


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now