Chapter 2

22 1 0
                                    

Malapit ng matapos ang ikalawang subject namin pero wala parin ang mokong. Tumingin ulit ako samay bintana pero wala ni isang tao ang dumaan. Nasa fourth floor pa kasi tong classroom namin at nasa bandang dulo pa kaya walang dumadaan.

Napatingin naman ako kay Jessica na seryusong seryuso na nakikinig sa Lecturer namin. Itinitake note pa niya ang ilan sa mga sinasabi ng Lect.

Sorry but Study first ako, and I dont like you

Biglang nag flash sa utak ko yong sinabi niya kay Kinryy kahapon.

Hindi niya gusto si Kinryy pero anong ibig sabihin ng mga ikinikilos niya? Pinagalitan ko nga siya kahapon eh.

Matagal ng may gusto si Kinryy sa pinsan ko. First year of highschool nong magkakilala kami ni Kinryy.  Lumipat kasi non sila Kinryy don sa tapat ng bahay namin. Tapos ayon kinaibigan niya ako para mapalapit rin siya sa Pinsan ko. Ang galing nga ng mokong eh diba ginamit ako. Kaya ayon hanggang ngayon na Grade 12 na kami at malapit ng mag collage madalas ko parin siyang nakakasama. Tsk gaya gaya kasi ng kinuhang Strand, purke nag Humss kami ng pinsan ko ay ayon nalang rin ang kinuha niya. Maparaan ang mokong diba. Gusto niyang mag Doctor pero nag humss siya.

"Sabay tayong mag lunch?" Tanong ko kay Jessica ng lunch break na namin. Nagsisilabasan narin ang ilan sa mga classmates namin.

"Hindi ako mag lulunch, doon ako sa library didiretso" seryusong usal niya habang inaayos ang tatlong librong hawak niya.

Malapit na kasi ang first exam namin.

Inayos nito ang salamin sa mata siyaka na ako tinalikoran.

Hindi lang si Kinryy ang iniiwasan niya, pati ako. Bakit kaya?

Mag isa akong Kumain ng lunch. Dumaan nanga ang pang hapon na classe namin pero walang Kinryy ang pumasok.

"Tara na!" Usal ni Jessica ng nagsisilabasan narin ang mga classmates namin. Dismissal na namin.

"Mauna kanang umuwe may dadaanan pako" seryusong usal ko. Sabay lang kaming lumabas ng campus.

"Hindi mo talaga gusto si Kinryy?" Maya maya ay tanong ko kay Jessica ng makarating kami sa labas ng gate.

"I like him" seryusong sagot niya.

Nangunot ang noo ko. Sabi niya kay Kinryy hindi niya siya gusto. Ah? Ang gulo?

"Eh bakit Hindi mo siya pinayagang manligaw sayo? Bakit mo sinabi sakanya na hindi mo siya gusto?" Agad ko nanamang Tanong

"Gusto kolang siya hindi ko siya mahal. Siyaka wala pakong planong mag boyfriend"

"Bakit ang sabi mo sakanya sorry I don't like you? Bat dimo sinabing Gusto morin siya? Why did you lie?" Tanong ko nanaman dito. Pariho pa kaming napagilid ng dumadami na ang studyanteng lumalabas.

"I have a feelings kasi na hindi lang ako ang gusto niya. I dont know if totoo ngang gusto niya ako, i dont know also why he likes to court me when he already love someone else. Sige nanga mauuna nako mag rereview pako may long quiz tayo bukas, mag review karin wag puro laro at gadgets" walang ano ano at naglakad na ito palayo.

Sandali pa akong nag loading. Iniisip kong anong ibig sabihin ng mga sinabi niya.

Ang weird niya talaga

Usal ko sa isip habang naglalakad papunta sa kabilang direction ng kalsada. Syempre dahil tatanga tanga ako muntik pakong masagasahan kahit nasa pedestrian line nako dumaan.

Tama nga ang nasa isip ko. Naabotan ko si Kinryy na naglalaro sa computershop kong saan mandalas din kaming naglalaro. Wala kaming uniform pero alam Kong papasok dapat siya dahil sa porma niya. Nakatalikod ito saakin at naka headphone pa. Totok na totok sa nilalaro ang mokong na heart broken. Magkacross ang dalawang braso na pinanood ko silang maglaro hindi manlang nila ako napapansin.

"Tangina, HAHAHA! defeat" napamura pa ako at natawa dahil talo sila.

Nagulat pa ako ng bigla silang humarap saakin, mas nagulat ako sa paraan ng pagkakatingin sakin ni Kinryy. Tsk! parang ako pa yong dahilan ng pagkatalo nila ah.

"Bakit andito ka?" Seryusong tanong niya. Hindi ako nakasagot agad. Bakit ba andito ako?

"Lol! bakit parang galit ka. Andito ako kasi wala ako doon haha" Napahinto rin ako sa pagtawa ng tumayo siya at iniwan ako

"Bawi nalang kayo sa sunod na laro, talo kayo kasi wala ako haha" usal ko sa mga kaibigan namin dito syaka patakbong hinabol ko si Kinryy.

Paglabas ko ng Computershop ay medyo padilim na. Tumingin tingin pako sa paligid.

"Gago saan nagpunta yon?" Tanong ko sa sarili habang palinga linga parin.

Ano kayang nagawa ko at parang galit siya sakin?

I love the way you lie (COMPLETED)Where stories live. Discover now