Part 2 - Chapter 18

Magsimula sa umpisa
                                    

“Well, good job on that.” Medyo sarksatiko ang tono ni Benjie pero alam kong karapatan niya iyon.

“I’m really sorry.”

Tumango si Benjie. “Tinawagan ko yung bar na pinuntahan niyo kagabi. Sabi nila, nakaalis na rin daw yung lalaki bago pa man dumating yung mga pulis. Nagbayad daw yung lalaki to cover the damages kaya di na sila nagsampa ng kaso. Gusto kong magdemanda para wag nang magawa nung lalaking iyon sa iba yung kung anumang ginawa niya sa iyo. Isa pa, may kaso siya. Frustrated murder. He tried to kill you, right? Pero naisip ko I’m not sure if you’re ready for all the stress kaya hindi ko muna ginawa.”

How thoughtful. Naisip pa niya ang kapakanan ko kahit ako na nga ang may kagagawan ng sarili kong gulo. “Kasalanan ko rin, Benjie. Ako rin kasi yung sumama. Hindi naman niya ako pinilit. Hayaan na lang natin siya.”

“OK. Pero syempre, pag nakita ko siya sa daan, sasapakin ko pa rin siya.” Tumawa si Benjie kaya nakitawa na rin ako. “Mahalaga, buhay ka Jerry. And the way I see it, you were able to inflict more damage on him kesa sa nagawa niya sa’yo. You look all bright and shiny now, while he had cuts everywhere. Seriously Jerry? Parang kahit hindi mo na ako tinawag, kayang kaya mo nang patumbahin iyon eh. Ikaw pa. Kaya nga takot ako sa’yo noong high school eh.”

Natawa ako sa birong iyon ni Benjie. Kung alam lang niya na halos mamatay na ako sa takot kagabi.

“Kumusta ka, Jerry?” sa pangatlong pagkakataon ay tinanong niya ako.

“I’m hungry.”

“Oh, sorry. Bakit ba hindi ko naisip na pakainin ka muna bago ako dumaldal?” Tumayo si Benjie upang ipaghanda ako ng pagkain. Tumayo rin ako upang tulungan siya pero pinigilan niya ako.

“I was stupid. I’m really sorry, Benjie. Pati na rin kay Mr. Ramirez.”

“Ilang beses ka bang magsosorry? Be good to yourself, Jerry.” Natapos siyang maghanda ng mga pagkain at umupong muli sa tapat ko. “Let’s eat together. Then let’s rest. Kailangan mo pa ng maraming pahinga. Ako din.”

“Dahil sa akin, napuyat ka pa.”

“Tinatamad rin akong pumasok. Wag mo akong isipin. May isa lang akong request, Jerry.”

“Go ahead.”

“Next time that you want to get drunk, do it with me. I’ll take care of you.”

Natouch ako sa sinabi ni Benjie. Kaya ako sumama kay Michael ay dahil akala ko safe ako sa kanya. Akala ko aalagaan niya ako, iingatan. Napakatanga kong magtiwala sa isang taong isang araw ko pa lang nakikilala.

Ngumiti ako at umiling. “Thanks, but I don’t think I’ll ever do it again in the near future.”

Habang kumakain ay inilapag niya sa tapat ko ang cellphone kong halos nawala na sa isip ko. “I tried to turn it on, pero ayaw. I put it on charge baka kasi low-batt pero ayaw pa rin. Maybe it’s broken. Pero nagamit mo pa iyan, di ba, to call me?”

Oo nga. Pinagmasdan ko ang cellphone kong basag ang screen. “Maybe it had been broken but it stayed long enough para matawagan kita. The same way I stayed conscious so far hanggang sa dumating ka lang. Thank you, Benjie for saving me back there.”

“Anything for you, Jerry. I’m glad ako ang naisip mong tawagan para puntahan ka.”

Naputol ang usapan namin dahil nagising na si JB. Lumapit siya sa amin, humalik sa Daddy niya at nagmano sa akin. Pagkatapos ay umupo sa kanyang upuan sa tapat ko. Hindi ko alam kung may alam ang batang ito sa nangyari pero parang nakakapanibago dahil hindi niya ako dinadaldal nang tulad ng nakasanayan niya. Tahimik lamang siyang nakatingin sa akin na para bang sinisiyasat ang buo kong pagkatao.

“OK lang si Tito Jerry, anak.” si Benjie, habang nilalapag ang isang basong gatas at pancake na nakalagay sa plato sa tapat ng kanyang anak. Pagkatapos ay kinuha ang mga pinagkainan ko at nagtungo sa lababo para hugasan iyon. “He’s just worried. Narinig niya kasi yung phone call last night at yung usapan namin ni Sir Julius bago ka namin puntahan.”

Dahil sa huling sinabi ni Benjie, alam kong ako ang kinakausap niya. Nginitian ko si JB. “OK lang ako. No need to worry. Eat your breakfast na.”

Dahil doon ay ngumiti na rin ang gwapong bata at nagumpisa nang kumain.

“Paano mo nga pala siya naiwan kagabi? You said narinig niya. That means he was still awake that time.”

Tuloy lang si Benjie sa ginagawa pero alam niyang siya ang kausap ko. “He actually wanted to come. Hindi kami pumayag ni Sir. It could be very dangerous. We didn’t know. Buti na lang andito si Enzo, who also wanted to come noong una pero napakiusapan ng Daddy niya na maiwan na lang dito at bantayan si JB.”

“Enzo? You mean the son of Mr. Ramirez?”

Tumango si Benjie. “Napakagwapong bata. Para bang may lahing Español kung titingnan. Kung sabagay, gwapo din naman si Sir Julius. Pero I think mas kumuha ng features yung bata sa nanay niya.”

“Sabi po ni Kuya Enzo, gwapo daw po ako dahil kamukha po kita, Daddy Ben.” sabat ni JB. Natawa ako. Bukod sa bumalik ang sandaling nawalang kadaldalan niya, ay tila di papatalo dahil may ibang batang pinupuri ang Daddy niya.

“He’s 15.” pagpapatuloy ni Benjie na parang hindi narinig ang pagsabat ng kanyang anak. “And maybe one of the reasons why malapit sa puso ko ang batang iyon, maliban of course sa fact na anak siya ni Sir, at mabait siyang bata, ay dahil obsessed ako sa idea na 15 lang siya. I’ve been there. Alam ko ang pakiramdam ng pagiging 15 years old, dahil noon nangyari ang pinakamahahalagang bagay sa buhay ko. Pero iba siya. Iba si Enzo. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa kanya. And maybe that’s why I’m obsessed with the idea that he’s 15. Tuwing nakikita ko siya, I can’t help wondering what might have been kung naging katulad niya ako nung 15 years old pa lang ako.”

Namagitan ang katahimikan. Hindi ko alam ang isasagot ko, o kung dapat ba akong sumagot sa mga sinasabi niya. Hindi kumikilos si Benjie, bagamat nakaharap pa rin sa lababo. Isa ito sa mga kinakatakutan kong pagkakataon, kaya kung pwede lang sanang gumawa ng dahilan, at maglaho muna sa dining room na iyon, ginawa ko na. Alam ko, alam na alam ko kung ano ang mayroon noong 15 years old si Benjie. Ilang saglit pa’y napailing siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

“I’m not sure if I even made sense there.”

“You did.” Bago ko pa napigilan ang sarili ko’y lumabas na iyon sa bibig ko. “I think I see where you’re coming from.”

“Daddy Ben, I’m done.” si JB, habang iniaabot ang wala nang laman na baso at plato sa kanyang ama. “Manonood lang po ako ng cartoons.”

“Okay. Basta after a while stop na ha? Magpreprepare ka pa for school. Papunta na si Yaya Jean maya-maya.” Wala nang kausap si Benjie dahil mabilis nang nakaalis ang kanyang anak. Siguro ay ramdam nito na hindi siya nararapat naroon habang may ganoong paguusap na nangyayari. Kung pwede nga lang na gayahin ko siya at umalis na rin ay ginawa ko na.

“But seriously Jerry. Kung pwede man bumalik, at maging 15 years old ulit, lahat ibibigay ko. Kung pwede lang talaga.”

Ako din naman, Benjie. Alam ng Diyos. Kung pwede lang.

Tulad ng napakarami kong gustong sabihin kay Benjie na sa huli ay hindi ko nasabi, nanatili na lang sa sarili ko ang tugon na iyon.

Two Roads - Part IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon