CHAPTER FIVE

703 43 4
                                    

CHAPTER 05: Sorting Battle

Crizten's POV

MAAGA akong nagising kinabukasan. I don't know if it is because Im excited about our sparring or I am just nervous and scared. Scared that he might kill me.

Like, hell! I am just a new born Sayan while he, well I heard he was known as the strongest student here.

Tumingin ako sa wallclock. 7: 18 am.

Bumuntong hininga ako saka nagtungo sa banyo para mag-ayos ng sarili. Ang aga ko pa ngang nagising eh. Hindi naman ako excited sa laban namin ni Chino 'no?

Pagkatapos mag-ayos ay kinuha ko iyong pocket book na nakapatong sa study table, katabi ng kama ko saka binabasang bumaba papunta sa kusina para magluto ng makakain ko.

"Goodmorning, Criztennn!" gulat akong napatingin kay Cassandra na nakangiting nakatingin sa akin at sa librong hawak hawak ko. Mabilis syang lumapit at kinuha iyong libro saka binasa ang libro.

"Harry Potter and the Chamber of Secrets?" tanong nya sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin saka tumango. "You read something like this?" muli akong tumango. Gulat akong napatingin sa kanya nung bigla syang tumawa.

"What the hell, Crizten! You are such a slow reader! Hanggang ngayon hindi mo pa 'to natatapos basahin? How slow can you read, huh?" nang-aasar ang tono ng pananalita nya. Napangiwi ako.

"How did you know that I've been reading this story all this time?" balik kong tanong.

"Well, that was Wednesday, I think. I secretly got in to your room. Checking you. Then I saw this," saad nya saka winagayway iyong libro. "I saw that you only read up until chapter 10 and now you are still into it? How slow are you?"

Tumikhim ako. "Well, you see, I was little bit tired because of my bloody training or should I say, torture. I don't have enough time to take atleast a bath and brush my teeth. I don't have enough time to take care of myself and now you are asking me why I can't finish reading this story? Maybe because Im tired?" I said full of sarcasm. Cassandra step backward then smiled.

"Yeah, I totally forgot. How insolent of me," saka sya pekeng tumawa at inabot sa akin iyong libro. "I had prepared our breakfast. Eat," saka sya naunang naglakad papunta sa dining area.

Habang kumakain ay pareho lang kaming tahimik. Parehong nakikiramdaman sa isa't isa. Thinking in how to open a topic without remembering our topic a while ago.

Tumikhim sya nung makatapos syang kumain. "I'll wait for you outside. Bumaba ka nalang kapag naayos mo na ang kaylangan mo. Excuse me," saka sya tumayo at lumabas ng dorm. Napabuntonghininga naman ako.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko saka tumaas sa kwarto ko para magtoothbrush at ibaba roon iyong libro. Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at dumiretcho palabas ng dorm.

Napatingin ako kay Cassandra na kagat kagat ang hintuturo. Sandaling kumunot ang noo ko.

"What on hell are you doing?" tanong ko. Napatalon naman sa gulat si Cassandra.

"Tang'nang palaka!" malakas nyang saad saka hinawakan ang bandang dibdib at napatingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil baka kapag tiningnan ko pa sya ay hindi ko na mapigilan ang pagtawa ng malakas. "You startled me!"

"Tara na! Chino is waiting for us!" sabi nya saka naunang naglakad. Pulang pula pa rin ang mukha. Bago sumunod sa kanya ay ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Hey! Wait up!" sigaw ko saka tumakbo palapit sa kanya. Dinambahan ko naman sya dahilan para muntik na syang matumba. Pulang pula syang humarap sa akin.

Sayans Academy: School for MagicWhere stories live. Discover now