Chapter 2

14 1 0
                                    

After 7 years

"Mommy! Look, I got 10 stars from my teacher." Masaya kong binalingan ng tingin si Winton na kakapasok lang ng bahay. Nasa likuran naman niya si kuya Brandon na bitbit ang bag at lunch box niya.

"Wow. Patingin nga si mommy." Masayang umupo sa kandungan ko si Winton at inilahad sa akin ang dalawang braso niya na may tiglilimang magkakasunod na star.

"Wow. Ang dami naman. Ang talino talaga ng baby ko." Masayang hinalikan ko siya sa pisnge niya na nagpahagikgik sa kanya.
"Amoy pawis." Nakangiwing sabi ko sa kanya.

"Nag play po kasi kami ni Harisson kanina. Tapos shinare ko sa kanya ang baon ko. May mga bully kasi na inagaw ang baon niya." Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa labi.

"Proud na proud si mommy sayo baby. Basta tandaan mo ah, wag mo ng awayin pabalik ang mga bully na yun." Paaala ko sa kanya.

Si Harisson ang palagi niyang kinukwento sa amin. Ito lang daw ang natatangi niyang kaibigan sa school. Lapitin daw ng mga bully si Harisson kaya to the resque si Winton. Magulang lang din ako, natatakot para sa anak ko dahil sa mga bully.

"Oo naman po mommy." Nakangiting sabi nito.

"Oh sya, halika na apo at paliliguan pa kita." Rinig kong sabi ni mama sa likuran ko. Mabilis namang  lumapit sa kanya si Winton. Nakita ko pang humalik siya sa pisnge ni mama.

"Amoy pawis na nga ang bulilit nato." Nakangiwing sabi ni mama habang mahinang tumatawa.

"Ano ng balak mo?" Napatingin ako kay kuya sa tanong niya. Bumuntong hininga ako at isinara ang nakabukas kong laptop.

"I dont know kuya." Lumipat siya ng upo sa tabi ko.

"It's been 7 years. Hindi pa ba naghahanap ng ama si Winton?" Tanong niya sa akin.

Kahit pitong taon na ang lumipas, kahit isang beses ay hindi nagtanong si Winton kung nasaan ang daddy niya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong hinahanap niya ang daddy niya.

It's been 7 years at ang tanging balita ko lang kay Dalton ay ang paghawak na niya sa kompanya nila 6 years ago. Masaya ako dahil sa wakas ay namana na niya ang kompanyang matagal na niyang inaasam. Kahit pitong taon na ang lumipas, hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Nandito parin ang sakit at ang pagmamahal.

Martir na ako kung tawagin. Pero hindi ko magawang kalimutan nalang ang pinagsamahan namin. Hindi ko magawang kalimutan ang mga masasayang alaala namin. Hindi ko magawang ibasura na lang ang pagmamahalan namin. Hindi ko kaya.

Oo at nasasaktan parin ako hanggang ngayun. Palagi kong naiisip ang nakaraan. Ang ginawa niyang panloloko sa akin. What if hindi niya ginawa yun? What if hindi niya ako niloko? What if hindi ko nalang siya sinurpresa nuon? What if kami pa hanggang ngayun?Mga what if na nagpapasikip sa damdamin ko. Siguro nakatadhana na talagang lokohin niya ako. Nakatadhana na sigurong maghiwalay kami.

Siguro, kung hindi niya ako niloko masaya parin kami hanggang ngayun. Masayang namumuhay. Kasama ko siya sa pagpapalaki kay Winton. Nasa tabi namin siya ng anak namin. Masayang bumubuo ng pamilya.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi naging madali ang pagdating ni Winton sa mundong ito. Hindi naging madali ang pagpapalaki ko sa kanya. Hindi naging madali ang buhay namin sa hospital.

"Anong gagawin mo kung matuklasan ni Dalton ang anak niyo?" Tanong ulit ni kuya.

"Hindi ko maitatago ng habang buhay si Winton, kuya. Alam ko namang may karapatan din siya sa bata." Seryuso kong sabi sa kanya.

Darating ang araw na kailangan ko ng sabihin kay Dalton ang totoo. Pero hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya ngayun sa buhay. May bago na ba siyang kasintahan? Mahal pa ba niya ako? Kasi ako, wala paring pagbabago ang tinitibok ng puso ko.

[TBHC: 1] The Billionaire's First Born (On Going)Where stories live. Discover now