Prologue

23 1 0
                                    


Pag-ibig. Sabi ng iba, napakasarap sa pakiramdam ang magmahal at mahalin. Makita mo lang ang taong mahal mo, kumpleto na ang araw mo. Ngiti lang niya, sapat na. Isang 'I love you' lang, okay na. Sabi nila, pag-ibig daw ang pinakamasarap na feeling sa mundo.

Pero bakit kabaliktaran ng sa akin? Bakit yung iba, ang saya saya nila sa piling ng taong mahal nila? Bakit ako hindi? Nagmahal lang naman ako tulad nila ah. Binigay ko lahat sa kanya tulad nila. Minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko. Tinalikuran ko lahat para sa kanya. Pero bakit ito ang natanggap ko? Bakit sakit lang ang natatanggap ko? Hindi ba niya ako mahal?

Mapakla akong natawa sa sarili kong tanong. Mabilis kong ininom ang isang baso ng vodka. Kanina pa ako nahihilo dahil sa pag-iinom. Plus hindi pa nakakatulong ang ingay ng club nato.

I dont know how long I've been drinking. This is my first time and I felt so lonely. I don't have anybody to talk to. Ive been drinking and drinking not wondering about the boys who want to dance with me.

Sinubukan kong ipikit ang mata ko para sana maibsan ang pagkahilo ko at sakit ng ulo ko pero ang imahe ni Dalton at ng babaeng katalik niya ang pumasok sa isip ko.

Marahas kong pinunasan ang mga luhang kanina pa walang tigil sa pag-agus. Sinuntok ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko para ibsan ang sakit na nararamdaman ko. Pero kahit saksakin ko pa ang puso ko, wala paring silbe dahil sa tindi ng sakit.

This is not my first heartbreak but this hurts like hell. He hurt me! He promise not to hurt me! Where the fuck did his promise went?!

Bakit? Nagsawa na ba siya sa akin? Kaya ibang putahe na naman ang tinikman niya?

Tangina! Gusto ko siyang saktan. Hindi sapat ang mga sampal na binigay ko sa kanya. Hindi matutumbasan ng kahit ilang sampal at suntok ang sakit na nararamdaman ko ngayun.

This day should be the happiest day of my life. Its our 3rd anniversary today. I was planning to surprise him on his apartment. Everything was ready. The cake that I bake on my own, the balloons and his favorite food. But as I open the door, i saw the most unexpected scene in my life. Dalton and his girl having sex in his sofa. The sofa that hold lots of our memories.

I never thought he could do this to me. How dare him hurt me? He promise me since beginning!

Hinayaan ko nalang ang mag luha kong walang tigil sa pag-agus. Nakakapagod punasan ang mga luhang ayaw naman tumigil. Pigil na pigil ko ang sarili kong humikbi. Kunting kunti nalang at talagang bibigay na ako. Magmumukha lang akong baliw dito kapag humikbi ako. Wait, is this a bar or a club? I don't know. Hindi ako lumingon sa itaas ng gusaling ito para malaman ang pangalan ng pinasukan ko.

Desperada akong matanggal ang sakit na nararamdaman ko. Maraming umiinom kapag heartbroken. And rason ay para makalimutan kahit sandali ang sakit na nararamdaman. Kasinungalingan! Kahit ilang oras na akong umiinom dito, wala paring pagbabago. Nandito parin ang sakit at parang mas domoble pa ito sa tuwing naaalala ko si Dalton at ang ginawa niyang pangloloko sa akin.

Hindi ba niya naisip na masasaktan ako sa ginagawa niya? Ganun na ba siya kasarap sa ginagawa nila para makalimutan niya ako? Ganun ba kagaling ang babaeng yun para mawala sa isip niya na anniversary namin ngayun? O sadyang kinalumutan niya talaga ako at ang araw nato para sa babae niya?

Sa tuwing ibinaba ko ang shot glass ay siya namang paglagay ng voqka ng bartender. Pero kakaiba ang lalaking ito. Sa tuwing sasalinan niya ang baso ko ay hindi mawala ang seryuso niyang mga mata sa akin.

"What are you looking at?" Pagtataray ko sa kanya. Mas lalo tuloy umikot ang paningin ko. Shit! I'm not lasing. Malakas lang talaga ang vodkang ito.

[TBHC: 1] The Billionaire's First Born (On Going)Where stories live. Discover now