Chapter 1

18 1 0
                                    


This is my first time baking a cake. And I dont mind if I already look like shit because of the flour. I never imagine myself baking a cake before. But I wont mind though. This cake is for him anyway.

Today is our 3rd anniversary. Akala ko dati, hindi kami magtatagal kagaya ng mga naging ex ko. Ang sarap tuloy kumanta ng Youre Still The One. Ako na yata ang pinaka masayang babae sa buong mundo. Hindi mabura ang ngiti sa labi ko.

3 years down and more to go.

Pinasadahan ko muna ng huling tingin ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a simple long sleeve v-neck red dress. My favorite color. Nginitian ko ang sarili ko ng matamis.

Ano kaya ang ginagawa ni Dalton ngayun? May hinanda din kaya siyang surpresa? Hmm..

Bitbit ang kahon ng cake, mga baloons at ang paborito niyang adobo ay lumabas na ako ng penthouse. Magkaiba kami ng condominium na tinirhan.

Gusto ko ang ideyang tumira kami sa iisang bubong. Pero ayoko maging sagabal sa kanya lalo nat pinag aaralan pa niya ang mga pasikot sikot sa negosyo at ang kompanya nila. Gusto na kasing ipasa ni tito sa kanya ang kanilang kompanya. Lalo nat may karamdaman na si tito.

Hindi mabura ang ngiting nakapaskil sa labi ko habang minamaneho ang sasakyan patungo sa penthouse niya.

Its already 9:00 p.m. Plano ko talagang surpresahin siya ngayung gabi. Hindi siya nag text o tumawag ngayung araw. Busy siguro.

Laking pasalamat ko ng walang traffic ngayung araw. Ayokong ma hagard pagdating sa kanya.

Mas lalong tumibok ng mabilis ang puso ko ng maiparada ko na sa parking lot ang sasakyan ko. Mas lalo akong naging exited makita siya. Parang gusto ng lumabas ng puso ko at tumakbo papunta sa kanya sa sobrang exited.

Tumingin muna ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Okay pa naman ang mukha ko.

"Baby, here I come." Mabilis akong lumabas ng sasakyan at kinuha ang kahon ng cake, dalawang balloon at ang paborito niya.

Nginitian ko pa si manong guard ng makita niya ako. Kilala na ako ni manong. Dahil ba naman sa ilang bses na akong nakarating dito.

Dumeretso ako sa elevator at hinintay makarating sa floor ng suit ni Dalton.

Tumunog ang elevator, hudyat na nandito na ako. Lumabas ako at tumigil sa may mesa sa gilid. Inilabas ko ang cake sa kahon at sinindihan ang tatlong kandila.

Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayung araw. Binuhat ko ang cake gamit ang isang kamay. Nasa kabilang kamay ko naman ang dalawang balloon at isang paper bag na naglalaman ng adobo at ng regalo ko.

Nakangiti akong humakbang papalapit sa kwarto ni Dalton. Puno ng pag-iingat ang bawat hakbang ko sa takot na baka mahulog ang cake o baka mamatay ang sindi ng kandila.

Ng nasa harap na ako ng penthouse niya ay bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Pero isinawalang bahala ko nalang yun. Baka kinakabahan lang ako na pumalya ang surpresa ko.

Gamit ang spare key na ibinigay niya sa akin ay binuksan ko ng dahan dahan ang pintuan.

Nakangiti kong binuksan ang pintuan. Pero ang ngiting yun ay unti unting nabura sa nadatnan ko. Gumuho ang buong mundo ko sa nakita ko.

Ang exited kong puso ay napalitan ng sakit. Dahil sa gulat ko ay aksidente kong nabitawan ang mga hawak ko.

Puno ng malalakas na ungol ang naririnig ko sa buong sulok. Dalawang boses ng mga ungol. Ungol na nanggagaling sa estrangherong babae at unggol ng lalaking pinakamamahal ko.

[TBHC: 1] The Billionaire's First Born (On Going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن