Trapped 44: Pagkawala

3.9K 171 25
                                    

Dian's POV

"Sorry, we're late."

Agad kaming napatingin sa dalawang kakarating pa lang-- si Ros at Henry.

"We're about to leave. Buti na lang at nakaabot pa kayo," sabi ni Aides saka siya tumingin ulit sa unahan.

Napabuntong hininga na lang ako.

Finally.

Kanina pa kami yamot na yamot kakahintay diyan sa dalawa. Kung ano-ano na nga pinag-usapan namin.

"Uh? Hello? Aandar na. Tutunganga na lang kayo diyan?"

Napatingin ulit ako sa likod ko nang biglang magsalita si Kai. Nakatayo pa pala yung dalawa at wala pa atang balak umupo. Akala ko nga si Sei ang magsasabi ng salitang 'yon eh. Kaso ang tahimik niya.

Nakita ko ang paghinto nina Ros at Henry nang dumaan sila sa magkatabing sina Luke at Kai.

Mukhang nagulat at nailang si Luke nang makita niyang pinagmamasdan siya ng dalawa. Pero agad naman siyang ngumiti at tumango rito.

Halos ilang segundo ang lumipas bago sila kumilos. Naupo si Henry sa likod ni Luke. Akala ko ay sa tabi niya uupo si Ros. Pero nagulat na lang ako nang lumagpas siya at agad na umupo katabi ni Sei.

Pero hindi lang pala ako ang nagulat. Maging si Sei ay napaigtad din at mukhang hindi alam kung ano ang gagawin. Ewan... Pero ang weird... Tapos mukhang nagpipigil din si Nate nang makita 'yon.

Weird.

Napatingin na lang ako ulit sa harap at ipinagsawalang bahala 'yon.

And besides, when I asked Ros about it, he told me he doesn't know him. Sinabi nito na kakakilala pa lang niya kay Sei at unang kita niya pa lang rito no'n sa bar. Sinabi niya rin na maging siya ay nagulat nang tawagin siya nito na "love".

Pero mabuti na lang din.

No. I don't like the idea of Ros liking Sei-- or Sei liking Ros. May Nate na si Sei so... hindi.

Geez.

Kung ano-ano na lang naiisip ko.

Napapikit na lamang ako.

Walo kaming pupunta sa isang resort na pagmamay-ari nina Aides. Pero ang totoo, dapat kaming dalawa lang. Plinano na namin. Kaso, nalaman nina Kai at dahil sembreak na rin naman, ginawa na lang naming group outing. I also heard from Aides that his other friend was planning to come. Kaibigan din ata nila. Pero mukhang may kailangang puntahan kaya ayon.

Tapos himalang hindi sinama ni Henry si Isha. Buti na lang. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Mabait nga siya eh. Baka lang kasi sumama si Samantha. I don't want to see her face. Baka kahit babae ay mapatulan ko siya.

"Okay na p're."

Napatingin ako kay Aides nang magsalita si Ros sa likod.

Narinig ko pa ngang sumigaw sina Kai at Luke sa likod na hindi halatang excited masyado.

Akala ko ay aalis na kami at papaandarin na ni Aides ang van, pero nagulat ako nang ngumiti siya saka magsalita.

"Actually..." Lumingon siya sa'min. "May hinihintay pa tayo."

Napakunot ang noo ko dahil do'n.

Pero sinabi niya kanina na hindi na makakarating yung isa pa sa mga kaibigan nila 'diba?

Narinig ko pa ang pagtatanong nina Kai sa likod ko. Pero agad na nasagot ang tanong ko at nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses nang nagsalita.

TrappedWhere stories live. Discover now