I: Hindi na muna tatanungin.

117 9 2
                                    

"My heart is racing, what are we avoiding?"
— Typecast, Every Moss and Cob Web

━━━━━━━━━━━━━━━
Chapter One

Tanduay Rhum Fest 2012

"Hoy. Ang ingay ng mouse mo. Akala ko ba pupunta kang Ever para bumili ng bago?" narinig ko na sinabi ni Ghie.

'Di ko siya pinansin at binasa ko pa din ang nakalagay sa poster ng concert festival na nakita ko sa Facebook. Tangina. Kailangan ba talagang bumili ng alak para magka-ticket?

Kilala ko yung mga bandang tutugtog. Sadly, 'di ko mapupuntahan 'to dahil una, malayo. Pangalawa, bawal ako manghingi ng pera sa kuya ko kapag tungkol sa pagbili ng alak. Dahil kung maglalasing daw ako, dapat sariling pera ko daw. Tiyaka, baka may ticket na 'yon.

Pinindot ko na lang ang X ng Internet Explorer ko. Nagfocus ako sa research report ko. Shet. I'm suppose to find an article, pero eto ako, three paragraphs pa rin. Nagtype ulit ako.

August na. Umuulan sa labas ng College of Arts and Sciences Building at nandito kami sa may lobby dahil dito lang may available na outlet para sa laptop ko. Marami ring student na nakatambay, nagmi-meeting dito sa loob kaya medyo maingay.

"Ang bulok naman ng broadband na 'to." Bulong ko habang sinasaksak ulit ang USB sa laptop.

Anyway, so August na nga, ibig sabihin nginangarag na kami ng mga professor ngayon. Dahil bukod sa Filipino Month (kakatapos lang ng sabayang pagbikas namin noong isang araw, juskolord), next month ay pasahan na ng research reports at finals namin.

This week, busy pa rin kami kahit kakapasok pa lang ng buwan. Ang inaatupag ko ngayon ay puro assignment, quizzes, at reporting. Isama pa na kasali ako sa organization, kung saan kailangan namin magkaroon ng booth para sa peychology week namin next month.

Dalawang organization ang sinalihan ko. Alam ko na bawal 'yon dahil kailangan daw committed sa tasks, pero sabi ng professor ko okay lang daw dahil 'wag mo daw lilimitahan sarili mo sa pagkatuto. And so far, naha-handle ko naman kahit papaano ang responsibilities sa both organizations.

Minsan naiisip ko kung bakit ako nag-org eh, hindi naman ako gano'n ka-responsable. Pero masaya naman ako sa mga ka-org ko so... YOLO.

"Danica," tinapik ni Ghie ang kamay ko habang nakatingin sa may likod ko.

Lumingon naman ako sa tinitingnan niya at nang makita ko kung ano yun, humarap ulit ako kay Ghie para irapan siya, "Kumain ka na nga lang diyan."

"Sus. Tinatago mo pa ngiti mo," kumento niya.

Nakaupo kami sa sahig at nakatalikod ako sa may gate ng college building, kaya 'di ko alam kung sino ang lumalabas pasok. Samantalang si Ghie at Sierra ay nasa harap ko kumakain lang. 'Di kami magkaka-klase sa susunod kong subject, pero sabay ang tambay hours namin.

"May girlfriend na ba 'yan?" tanong ni Sierra.

"Ewan," kibit balikat ko.

"Pero nakita ko 'yan nung isang araw, palabas. Galing sa building ng engineering," sabi ni Ghie habang ngumunguya ng chitchirya.

"Ano naman ginagawa mo at napadaan ka do'n?" Tanong ni Sierra.

"Well... may kikitain ako." Ngumiti pa siya na parang tinatago ang kilig.

Napatingin ako sakaniya at kumunot-noo, "Nakita mo nung Tuesday? Lumandi ka kaya 'di ka umattend ng meeting sa reporting natin?"

Ngumiti lang siya sa'kin, "Labyu. Wag ka na selos teh," At umirap pagkatapos ay tumingin ulit sa likod ko.

Early Morning NoisesWhere stories live. Discover now