Chapter One

137 3 0
                                    

Author's note:

Guys di ako masyadong makakapag update huh. Sorryyy.

By the way, please vote and comment for suggestions.

Anyway, any pictures that i upload and use here are not mine, i just saw it on google and decided to use it. Credits to the owners. And thankyouuu/sorryyy.

-----

December 30

--- 6 years ago ---

Cornelia's POV

"Naku naman. Masyadong malakas ang ulan ngayon. Sana naman di tayo masyadong gabihin at makauwi agad" sabi ni Daddy.

"Oo nga, Di. Tingnan mo si Inakay, tulog na tulog na sya ohh." Sabay turo ni Mommy sakin.

Akala nila tulog na ko pero sa totoo lang nagtutulog-tulugan lang ako. Hehe

"Haha. Ang ganda talaga ng anak natin, mana sayo." Wika ni Daddy.

"Ikaw talaga. Palagi nalang nambobola. Pero in fairness maganda nga sya." Sagot ni Mommy.

"Hahaha. Manang mana talaga. Pati pag tulog, katulad mo. Tulo laway rin." Biro ni Daddy.

Wait! Di naman natulo laway ko ahh! Minsan lang.... Hayyy hayaan ko na nga so Daddy manlambing Mommy para may moment naman sila.

"Aray! Aray!" Pabirong sigaw nya dahil sa mahinang paghampas ng kanyang Mrs.

"Pero alam mo, sayo nagmana yang si Lia. Pareho kayong masayahin at kakaiba." Sabay ngiti ni Mommy kaya napangiti na rin si Daddy.

"BEEP BEEP!! BEEEEEP!" biglang sulpot ng isang nagmamadaling sasakyan. At sa di inaasahang pangyayari ay nawalan ng kontrol ang truck at bumunggo sa kotseng sinasakyan nila.

----

Nagkamalay lang ako dahil sa patanggal ni Daddy sa seat belt ko, Ang dami niyang sugat sa ulo.

Nung tiningnan ko so Mommy ay napupuno siya ng mga piraso ng salamin at dugo.

"Mommy! Gumising ka!" Sigaw ko. Sabay hawak ko sa braso nya pero hinigit muna ako ni Daddy para mailabas sa nasusunog na kotse.

"Daddy... Si mommy..." Papaiyak na sabi ko sa kanya.

"Anak, Jan ka lang muna ha. Ilalabas ko lang si Mommy dun sa kotse. Tumakbo ka na palayo." Mahinahong sabi nya sakin.

Nakikita ko ang seryoso at pagkatakot sa mga mata ni Daddy kaya sinunod ko nalang sya.

Ang huling imaheng nakita ko kay Daddy, ay ang likod nya... Tumatakbo palayo sakin, papunta sa nagliliyab na kotse.

Napaluhod ako at humagugol sa iyak ng makita kong sumabog ako kotseng kinalalagyan nila mommy... Umiyak ako ng umiyak hanggang sa tuluyang pinatay ng ulan ang apoy na nakikita ko.

Matapos ang aksidenteng iyon ay di ko na nakita sila Mommy at Daddy.

---@Jun & Crystal Brittania's Funeral

"Kawawa naman si Cornelia, batang bata pa wala ng magulang"

"Oo nga. At ang alam ko, wala na ring mag-aampon sa kanya kasi sila Jun at Crystal lang ang natitira nyang kamag-anak."

"Hanggang ngayon nga, hindi parin nagbabago ang expression niya sa mukha pamula ng namatay ang mga magulang nya e."

"Nakakaawa talaga sya."

Halos lahat ng tao, ayun ang sinasabi tungkol sa akin. Habang ako, wala pa ring gana makipag-usap sa kahit kanino. Pakiramdam ko, sana sumama nalang ako sa kanila sa nag-aapoy sa kotse para di ako naiwan mag-isa dito. Ayoko na....

"Cornelia." Wika ng isang matandang lalaki sa likod ng kwarto.

Huh? Sino kaya yung natawag sakin. Di pamilyar sakin ang boses at mukha nya.

"Cornelia." Patuloy na pagtawag niya, habang papalapit sa akin.

Nagulat ako ng bigla nalang niya ako niyakap ng mahigpit. At sinabing

"Simula ngayon, ako na ang mag-aalaga sayo. Di kita na mag-iisa, Cornelia, ang aking apo ko."

Di ko alam kung bakit, pero muling tumulo ang mga luha ko sa mata.. Siguro dahil iyon sa assurance na hindi pala ako maiiwan mag-isa dito...

Salamat at may kasama ulit ako..

The Kings' Princess (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon