_CHAPTER NINE_

127 3 0
                                    

A/N: Enjoy reading my SPIES♡ Note: CHARACTER PORTRAYER ABOVE!

: WHAT ABOUT IT_

MERLIA'S P.O.V.

"Good morning Professor Marisol" bati naming lahat.

Nakangiti ako nang sambitin iyon, nang..

Kusang napadpad mga mata ko sa gawi ng bago naming kaklase na si Shen, natigilan ako nang makitang..tila'y namumutla siya na hindi ko maintindihan.

Kanino ba siya nakatingin?..Sa unahan, eh wala namang iba nasa unahan.

Muli akong napalingon kay Prof.Marisol, natapos palang siya bigyan ng sulyap ang nakabuklad na libro, pakatapos ay tumungo na siya sa whiteboard upang may isulat na kaunti, gaya ng ginagawa niya lagi sa umpisa ng leksyon niya.

Pakatapos binalik ko ulit paningin kay Shen, mga ilang beses ko pa silang dalawa sinalit-salitan nang tingin..

Napansin ko ulit si Shen na animo'y hindi na mapalagay sa kinauupuan niya, aligaga niyang tinatapunan ng tingin sa gilid ng mata ang kaliwa tsaka kanang direksyon..Pakatapos ay hahawak siya sa gilid ng upuan, tsaka tila'y stress na stress na sinuklay ng mga daliri niya ang buhok at napahimas sa sentido..

Maging ako ay napahawak na rin sa ulo sa nakikita, naguguluhan ako..Ano ba nangyayari sakaniya..?

Kanina lang ay napapangiti-ngiti pa siya ah.

Napatanaw ako sa unahan..Nailagay na ulit ni Prof.Marisol ang takip ng marker sa marker na ipinangsinulat niya, at humarap na siya ulit sa klase..Mukhang magsisimula na siya magturo..

Nag-aalangan ako kung ipag-alam ko kay Prof yung nangyayari kay Shen o hindi..Baka kase kailangan na nun masugod sa clinic..!

"Ano ba nangyayari dun?.." kaswal ang boses narinig kong tanong ni Zia, mukhang sa sarili niya iyon mas naitanong. Napalingon ako sakaniya, nakabaling rin pala siya sa gawi ni Shen.

Si Zep ay sinundan kung saan siya nakatingin.

"Hindi ko alam kung natatae lang yun o iba na" napabaling na siya(Zia) saakin.

"Ano ba sabi??" kuwestyon ni Zep habang nakatingin dun sa gawi ni Shen.

"Ang narinig ko..'Oh God God God' 'We're deaad, so sooo dead" tugon ni Zia, na tinatamad pa ata inimitate boses ni Shen.

"We're dead? Bakit??" Kuwestyon ko.

"Sino ba makakasama niya mamatay? Tayo ba dito lahat sa klase??" si Zep.

"Gusto niya siya unahin ko eh, kabago-bago niya sasabi siya ng mamamatay tayo lahat? Hindi puwede siya lang? Nangdamay pa.." ani Zia.

Narinig na naming napatikhim na si Prof sa unahan..Muli na naming naibalik atensyon sakaniya.

"Who among here had already got himself or herself into an argument?.."

Ang ilang mga bulungan ay tuluyan nang nawala..Natahimik ang buong silid sa narinig.

"Raise your hands.." dagdag ni Prof. "Be honest" dagdag pa niya at diniin iyon.

THE PLAYER'S KARMA [ANONYMOUS BULLET SERIES #1]Where stories live. Discover now