_CHAPTER SEVEN_

142 4 0
                                    

A/N: Enjoy reading my SPIES♡ Note: CHARACTER PORTRAYER ABOVE!

: FACE FULL OF MISCHIEF_

ZEP'S P.O.V.

"Yak!" napausog ako palayo ng kaunti, iniiwasan matamaan ng naibuga niya. May laway kaya yun, kadiri.

Si Zia ay agad uminom agad ng kape, ginagawa niya lagi tubig..Talaga yan yang perfect pair niya ah. Saging at kape, perfect combination for disaster sa tiyan. Feeling ko nakakaacidic yan pareho.

"Mas yak yung sinabi mo..Anong pinagtanggol? Ang OA ah.." aniya sabay higop ulit ng kape..

"Bakit? Hindi ba totoo?" distansya ko ng ulo.

"Mukhang pinagtanggol ka nga Zia, katulad ng ginawa niya sayo noon kay Prof.De Ocampo.." ani Anghel.

"Anghel more like, tinakpan siya ni Adren pero puwede na rin.."

"May tawag dun eh..Yung niligtas ba?"

[ಠ_ಠ] <<---- Zia.

"Nakuha mo Anghel..Tama ka diyan, niligtas nga.." turo ko pa sakaniya.

Bigla 'tong si Zia hinatak nakaunat niyang paa, at tinapak na ito sa lupa na animo'y bubwelo.

"Mananahimik kayo o aalis ako?" banta niya, na nakahanda na ngang umalis.

Agad namin siyang hinatak ni Anghel sa braso, bumagsak puwet niya sa lupa at napaupo ulit. Nasa gitna siya namin.

"Alam mo Zia..Kung hindi lang si Adren pinaghihinalaan nating may kagagawan ng pagsapol sayo dun sa rooftop. Talagang gustong-gusto ko na yun. Ang approachable kase ni Adren..Palangiti"

"Ang sarap naman burahin ng ngiti na yun" kaswal na komento ni Zia, di ko lang siya pinansin at pinagpatuloy pagdescribe ko.

"Ang warm ng personality. Kaso ang misteryoso niya..In fact pareho sila ni Faux. Nakompronta mo na pala si Adren tungkol dun?" tanong ko.

Tiningnan lang niya ako..

"Sus..Di mo na naman siya nakompronta? Kahapon ka pa ah.."

"Alam mo Zep..Huwag mo ako masimulan ngayon" dinuro na naman niya ako. "Lalayasan ko talaga kayo. Kaya nga tayo pumunta dito kase magb-break, magpapahinga. Gusto ko rin ipahinga yung ulo ko na masakit-sakit na sa mga iisipin"

"Sus..Pinapagulo ba ni Adren isipan mo?" tukso ko pa. Natatawang napahawak sa bibig si Anghel. Alam niyo naman mabilis kiligin yan sa potential love-teams.

"Last warning mo na 'to Zep..Isa pa, magiging parte kana ng puno" pagbabanta pa niya.

Hehe..Letche, titigil na nga ako. Di pa ako nakakarecover sa ginawa niya saakin last time.

"Haha..sige kumain nalang nga tayo.." kinakabahan akong natawa. Uminom na rin ako ng tubig tsaka kumagat ng malaki sa hawak kong ham sandwich..

Pakatapos ay napatanaw ako sa malayo..Bigla nalang sumagi sa isipan ko yung nangyari kahapon. Hanep, mabalikan nga..

Flashback..

THE PLAYER'S KARMA [ANONYMOUS BULLET SERIES #1]Where stories live. Discover now