CHAPTER 71 : MORE THAN MOST

Beginne am Anfang
                                    

Napanganga ako. "H-hindi, ah!"

"Kakasabi mo lang kaya." Sumandal siya sa sofa at humalukipkip. "Tito, kinakahiya po ata ako ni Rhea-"

"Hindi nga sabi, eh!" Paniguradong pulang-pula na naman ang buong mukha ko. "N-nahiya lang ako magsabi kay Papa-"

"Kita mo na? Kinakahiya mo talaga ako, eh."

Gaah! Siraulong, Delgado! Sa harap pa talaga ng ama ko nagdrama?'

"Baliw na 'to! Hindi nga!" Bumaling ako kay Papa na pinapanuod kaming dalawa. Mas lalo akong nahiya. Napa-facepalm na lang ako.

Hindi na nagsalita si Delgado. Nanatili ako sa gano'ng ayos. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Papa.

"Bakit kayo naghahalikan sa gitna ng daan?"

Tila ako nakarinig ng malakas na pagsabog ng bomba. Nabingi ako sa tanong na 'yon. Utang na loob. May maglanding sanang mga alien at dalhin na lang ako sa Mars ngayon din. Hindi ko makakayang sagutin ang nakakahiyang tanong ni Papa sa amin.

Palihim kong tinapakan ang paa ni Delgado. Bwisit kang kumag ka! Ikaw ang sumagot nyan!

Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating dahil muli siyang nagsalita.

"Sorry, tito. Nadala lang po."

Kung walang alien na darating, sana kainin na lang ako ng sofa. Hindi ko na kinakaya ang kahihiyang nararamdaman ko! Footspa!

"Sorry, Pa." Iyon na lang ang nasabi ko.

"Tito, sorry talaga." Muling sabi ni Delgado. Oo, mag-sorry ka! Napakalandi naman kasi ng nilalang na 'to! Hindi na nga marunong magpaawat, hinahawaan pa ako!

"Rhea, mag-uusap pa tayo ngayon. Ren, bukas kita kakausapin. You can go now."

Napaangat ako ng ulo. Pakiramdam ko tuloy ay tinataboy ni Papa si Delgado. Naramdaman ko ang pagtayo niya kaya wala sa loob na napatayo rin ako.

"Goodnight , Tito." Tumango lang si Papa sa kanya.

"P-pa, ano. . .hatid ko lang siya sa pintuan." Napabaling sa akin si Delgado. Matagal na sandali na naman akong tinitigan ni Papa. Pagtapos ay bumuntong hininga ito at tumango.

"Pupuntahan kita sa kwarto mo mamaya. Magbibihis lang ako." Tumalikod si Papa at iniwan niya na kami ni Delgado.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Delgado. Kinurot ko ang tagiliran niya at napa-'aray' siya.

"'Yan! Nahuli tayo dahil ang landi mo." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hey, girlfriend kita kaya natural na maglalandian tayo. Sayo lang naman ako gano'n. Saka malay ko bang madadatnan tayo ni Tito? Isa pa, you kissed me back. Nakapakit ka pa ngang ganito." Pumikit siya at ngumuso para i-describe sa akin ang itsura ko kanina. Nalaglag ang panga ko kasabay ng muling pamumula ng aking mukha. Hinampas ko siya ng malakas sa braso.

"Bwisit ka talaga! Hindi ka ba marunong maging gentleman?"

Kinindatan niya ako. "Gentleman ako, beh. Nirereserve ko lang kasi sabi mo gusto mo pang maging lady." Inakbayan niya ako at hinalikan sa sintido. Sinalag ko ang buong mukha niya. "Aray naman, beh."

"Kakahuli lang sa atin ni Papa, umaariba ka na naman! Wala ka bang kahihiyan sa katawan?"

Ngumisi lang siya sa akin. "Ako 'to, eh."

Inirapan ko siya. "Oo nga, eh. Ikaw 'yan. Kapal talaga ng mukha mo. Tss."

"Mahal mo naman." Humagikgik siya. "Sasabog ka na ata. Pulang-pula na ang mukha mo. Red is love."

10 Steps To Be A LadyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt