CHAPTER 1 : BET

440K 6.4K 958
                                    

CHAPTER 1

RHEA POV

48-44 points.

56 seconds remaining.

Ako ang lamang sa puntos. Nasa akin pa ang bola. Hindi ko mapigilang mapangisi. Ako na ang mananalo sa larong 'to. Na-excite ako sa kaisipang 'yon.

"Four points. Matatalo ka na." Sabi ko sa kalaban ko habang nagdidribble ng bola.

Akala ko maiinis siya pero ngumisi lang rin ito ng nakakaloko.

"Fifty seconds pa. Hindi pa tapos ang laban. Huwag kang masyadong kampante." He tried to steal the ball pero agad akong nakalayo. I stepped back and tried to shoot the ball pero nasa harap ko na agad siya and he blocked me.

"What the-" Bago ko pa makuha ang bola, nasa kamay na niya iyon. He went to the three-point area and shoot the ball. I groaned in frustration as the ball falls down to the net.

"Forty-five seconds remaining, one point to tie the game." He smirked at me. Kinuha ko ang bola sa base line. Gusto kong ibato ng malakas sa mukha niya ang bola. Nakakainis!

"Huwag kang matuwa!" Bulyaw ko sa kanya. "As if naman hahayaan kitang manalo!"

Wala siyang sinagot kundi ngiting aso. Ang sarap lamukusin ng mukha niya. Nakakabadtrip talaga!

Focus. Defense. Hindi dapat ma-steal ulit ang bola sa akin. Alam ko ang laro niya at hilig niya talagang mang-steal pag crucial time. I stepped closer to the perimeter and shoot.

Sumablay.

He laughed. Tila nang-aasar. Hinabol ko ulit ang bola pero naunahan na niya ako sa rebound.

"Thirty seconds remaing and I'm going to win." Hinahabol ko siya ngunit masyado siyang mabilis. Nafu-frustrate ako dahil hindi ko masabayan ang galaw niya. Napamura na lang ako.

"As if I'll let you win that easy." Humihingal na kaming dalawa. Nakakaramdam na ako ng pagod pero hindi pwedeng mangibabaw iyon. Hindi ako magpapatalo. Hindi sa larong ito and definitely not with this guy!

Defense. Ako naman ang dapat mag-steal. I tapped the ball in his hands but he gained it back.

"Nice try." He grinned. Damn his ugly face! Naiirita na talaga ako sa mukha niya. Imbis na siya ang madistract sa depensa ko, ako ang nadidistract sa way ng pagngisi at pagtitig niya.

"Eighteen seconds." Shit! Inuubos niya lang ang oras. Kahit lamang ako ng isa, lagot pa rin ako pag nakashoot na naman siya.

Pumunta na naman siya sa three-point area, I'm about to block him pero mabilis siyang umiwas. Walang contact! Wala man lang akong nabingwit na kahit isang foul! Sahig ang sumalo sa akin.

Nakita ko na lang, nag-lay up na siya. Counted. Lamang na ang kalaban ko!

Lalong tumindi ang inis ko sa takbo ng pangyayari. Feeling ko ay nadadaya ako kahit wala namang mali sa laro niya.

Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay niya. Tinabig ko iyon at tumayo akong mag-isa.

"I don't need your help!" I glared at him. Nakangisi pa rin siya. "What's wrong with you?" Bulyaw ko sa kanya.

"What did I do?" Painosente pa ang kumag!

"Kung makangiti ka dyan, wagas, ah! To tell you frankly, ang pangit-pangit mo!" Dinaan ko na lang sa pang-iinsulto ang inis at frustration ko.

"Really? Okay lang maging pangit sa paningin mo basta ako ang mananalo sa larong 'to." Ipinasa niya ang bola sa akin. "Twelve seconds. Ako na ang lamang. Kaya mo pa ba?"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon