EPILOGUE

136K 3.1K 710
                                    

Say goodbye to 10 Steps. I dedicate this last shot to all the readers who shared their thoughts about my story. Lalo na ro'n sa mga nakausap ko na same case ni Rhea. Seriously, amazons, hindi niyo alam kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing mababasa ko sa comments and messages niyo na somehow natulungan kayo ng story na 'to. So, again, thank you for all the inspiration. Hinugot ko lang lahat 'yon sa inyo. Amazon rules.


EPILOGUE


Ilang segundo na akong nakapikit. . .nag-iisip.


To change or not to change?


Ang pinakamahirap na desisyon para sa akin. Ang bawat options ay may advantages at disadvantages.


Bakit kailangan kong magbago?


Sa loob ng sampung buwan, para akong nanaginip. Panaginip na sa una ay isang bangungot ngunit habang tumatagal, parang gusto ko magpatuloy at tapusin. Parang alak na sa unang tikhim ay mapait, sumasarap pag nalalasing ka na at tiyak na hahanap-hanapin mo. Parang isang tunnel madilim kapag pinasok pero alam mo na pag narating mo ang dulo, may lagusan kang lalabasan at may makikita kang liwanag.


Changing with a guide. Pag binasa ang 10 Steps To Be A Lady, akala mo sobrang dali. Siguro, yung normal na babae, petiks lang ang dating sa kanila. Pero sa tulad ko na naiiba ang pananaw, ang salitang 'imposible' agad ang naisip ko sa unang basa ko palang. Hindi ko na iisa-isahin ang mga steps. Gusto kong ilabas yung nilalaman ng utak ko. Gusto ko ibahagi sa lahat ang karanasan ko at ang mga pananaw kong nabago habang sinusubukan kong gawin ang mga steps sa mga nakalipas na buwan.


Dati, tutol na tutol ako. Ayoko. Bakit pa? Para saan? Para kanino? Sinong may karapatang humusga? Sinong dapat makialam? Ako 'to. Masaya ako sa kung sino ako.


Hindi naman ako ganito dati. Ang baluktot kong pananaw ay ang resulta ng mga kahinaan ko nung bata pa ako. Ang pag-iisip ng isang batang babaeng naapi ay masyadong mababaw ngunit maselan. Naisip ko na kung kasing lakas lang ako ng mga lalaki, hindi ako makakawawa ng iba. Ang tamang term ay 'bumalik sa dati.' Tinatakpan ko lang ng angas at pride ang mahinang ako. Na-realize kong tama si Anne. God made me a girl for purpose.


Sino ang mga manghuhusga sa akin? Ano ang pakialam nila?


Natural, yung mga walang alam. Ibabato nila ang mga masasakit na salita sa akin na parang nasubaybayan nila akong lumaki. Mga nagmamarunong at feeling magaling. Kung mayroon mang iintindi, iyon ang mga taong nagpapahalaga sa akin. Ang papa ko, mga kapatid kong lalaki, si Anne. Isama na si Ren na mapanglait sa una pero may agenda pala. Wala akong pakialam sa mga nakikisawsaw lang pero hindi ko pwedeng balewalain ang nararamdaman ng mga taong concern sa akin.


Na-realize ko na hindi magandang katwiran ang pagsabi ng 'ako ito.' Dahil kung habambuhay akong mai-stuck sa sitwasyon na puro sarili lang ang iniisip, walang mangyayari sa akin. May malaking possibility na ayawan ako ng lahat at malagas ang mga taong nagmamalasakit sa akin. Pwede akong magpanggap na walang epekto 'yon pero deep inside, iindihan ko yung sakit ng mag-isa. That's one of the worse scenarios that I can imagine.


Masaya ako sa dating ako? Sinong niloloko ko? Paano ko nasabing masaya ako kung punung-puno ako ng insecurity sa katawan? Isama na ang inggit, selos at sankaterbang frustrations. Masaya pala ako sa gano'n? Ang galing ko naman. Napakagaling na sinungaling.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon