2

13 3 9
                                    


Two | Ang Diary Ng Wattpader




Dear Diary,

May mga tao pala talagang kahit ginawan mo ng masama hindi ka pa rin makakalimutan kasi hindi nila PINILI na kalimutan ka.

"Ang ganda muna,subra."Imbis na kiligin sa sinasabi ng kausap ko sa video call ay hindi.Mas nananaig ang kilabot ko sa kanya.

"So,sinasabi mong pangit ako nong elementary?"Pagtataray ko na may kasamang irap.Tinawanan nya lang ako na para bang nakakatuwa ang ginawa ko.

"Of course not.Uhugin lang nong elementary days pero hindi pangit hahaha."

"Tse!Bahala kang punyeta ka."Walang sabi-sabing pinindot ko ang end call dahil sa inis ko sa kanya.

Bully ako nong elementary at si Jhero ang palagi kong target.Pero ewan ko ba ngayon,parang ako na ang binubully nya?Gumaganti kaya sya?

Wala pang dalawang minuto muling tumunog ang messenger ko.Napabuntong hininga na lang ako bago tumingin sa orasan.

It's already 10 to be exact.

Ganong oras na pero nandito pa rin ako kausap ang taong inagrabyado ko nong elementary ako.Nag-uusap kami na parang hindi ko sya ginawan ng masama.Hindi ko tuloy maiwasang hindi maghinala sa kanya na baka may binabalak rin siyang hindi maganda?

"May kailangan ka ba sakin?Ayaw kong maaksaya ang oras ko sa mga kagaya mo.Masyado ng late at inaantok na ako."Pagtataray ko na naman sa kanya ng sagutin ko ang tawag nito.

"Ang taray mo naman."

"Yeah.I am."Bored kong pamamranka sa kanya.

Hindi ko alam kong bakit pa ako pinag-aaksayahan ng oras nang taong ito kahit alam nya naman na may masama syang karanasan sa'kin?
Baka naman namimiss nya yong mga ginagawa ko sa kanya that's why he bothering me all the night.At ang mas malupit pa hindi ko alam kong paano nya natrack ang name ko sa facebook...It's private.

"Patuloy pa rin akong mangungulit hanggat alam kong interesado ka rin sa'kin."Nakangiti pa nitong wika.Guwapo naman siya kaya hindi sya nakakairitang ngumiti at paminsan-minsan naa-attract din ako sa ngiting yon.

Pero ano yong sinabi nya?Interesado ako sa kanya?Aba't ang kapal naman ng kalyo nito sa mukha.

"Sino may sabing interesado ako sayo?"Tinaasan ko sya ng kilay.

"You."

"No.Im not.I didn't say."Pagtanggol ko kaagad sa sarili ko.Wala naman yata akong maalala na sinabi ko yon sa kanya.

"You didn't say but I feel that.'

Sandali akong natahimik.

"Hmmp?"

Hindi naman ako slow.Sadyang hindi ko lang talaga siya maintindihan

"Kasi kung hindi ka naman interesado sa'kin bakit patuloy mo pa ring sinasagot ang tawag ko.May choice ka namang huwag sagutin ito pero sinasagot mo pa rin at hindi lang isa ang choices mo kundi marami."

Oo nga no!Bakit ko nga ba sinasagot ang tawag nya?pakiulit sakin.

"Si-sinasagot ko kasi na-naiingayan ako sa'yo.Tama.Naiingayan ako kaya ganon."Tumawa siya ng sarcastic na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Bakit parang kinakabahan ako?Kinakabahan ba ako dahil gumawa lang ako ng palusot o something na kakaiba na yong nafefeel ko.?

"You can turn off your data if you want."Damn!Wala akong maisip na palusot para manalo sa kanya.Tulad ng dati matalino talaga siya.

Ang Diary Ng WattpaderWhere stories live. Discover now