4

10 1 0
                                    


Four | Ang Diary Ng Wattpader

Dear Diary,

Hindi ko inaasahan at talagang nakakagulat naman ang makita ko ulit sya.Nakakatuwang isipin na ang elementary crush ko ay makakasama ko ulit sa parehong school ngayong last year namin sa highschool at ang mas nakakagulat pa nang marealize ko din na hanggang ngayon crush ko pa rin sya.

Hindi pala nawala yon kahit apat na taon na kaming walang communication.

"Tsk!"Bumalik ako sa realidad ng marinig ko yon galing sa bibig nya.Katulad pa rin siya ng dati masungit pero badboy...

..masungit na badboy na gustong-gusto ko naman.

"Your blocking my way!"Irita nitong wika habang magkasalubong ang dalawang kilay.Mukhang hindi nya man lang ako nakilala,siguro dahil apat na taon na wala man lang kaming kamustahan sa isa't-isa.Tsaka isa pa,hindi naman kami close nong panahong yon at madalas ko lang siyang makausap kapag may partner activity kami sa school na sya ang partner ko.

"So-sorry."Nauutal ako.

Hindi maayos ang pagsasalita ko dahil matagal din akong nakatitig sa kanya na alam kong ikinataka nya.Ang tanga ako sa parteng yon at subrang nakakahiya.Siguro masyado akong obvious kanina para hindi mahalata na masaya ako na makita ko ulit siya.

"Psh!"Huli nyang sinabi bago ako nilampasan.

Gusto ko sana siyang habulin...

Tanungin kong kamusta na sya?

Kung may girlfriend na ba?

Pero masyado akong kinabahan kaya hindi man lang ako nakaalis sa inaapakan ko.

"Omg!Version 2.0 Jeydon Lopez!"Hindi ko napigilan ang saya ko ng makita ko ulit sya.

Parang elementary days lang.Bumalik kami nong panahong yon.

Merong Ayethea Yakashi na crush na crush si Bluejin Hurth at meron ding...

...Jhero Lahb na palagi kong binubully,pero ngayon parang ako na ang nabubully.

Teka lang?Bakit ba nadamay ang lalaking yon dito?Hindi naman yon involve e.Umiling na lang ako at masayang naglakad pabalik sa room.

Pagkadating ko sa room nginitian ko lang ng matamis si Mira na halatang nagtataka kung bakit biglang nagbago ang awra ko.

Wala pang ibang ginagawa sa room kundi ang magpakilala sa mga bago naming kaklase.Sa tingin ko naman makakasundo ko silang lahat kahit pambubully agad ang nakuha ko.

"Ang lawak ng ngiti a?!"

Ay mali,mali pala ako.Meron palang isang tao na kahit kailan hindi ko makakasundo sa room na to.

"Anong pake mo?"Inirapan ko sya.Bakit ba ang hilig nitong pumapel?Kakainis!

Sa bandang likuran ko pala siya nakaupo hindi ko man lang siya napansin kanina dahil wala naman akong pake sa presensya nya.

Natapos ang umaga ngayong first day of school na wala man lang pinagawa si professor Sandy.Natapos ang umaga na yon na may masayang ngiti ako sa mga labi,hindi ko nga naramdaman ang gutom ko sa mga nagdaang oras dahil sa saya at tanging saya lang talaga at kay Bluejin hurth lang tumatakbo ang utak ko.

"Alam mo bang masama yan."Wika ni Mira habang nakaupo pa rin kami sa bangko habang ang iba naglalabasan na.

"Ang alin?"Tanong ko kay Mira na may pagtataka sa mukha.

"Ang ngumiti mag-isa,para kang baliw dyan.Ano bang nakain mo at halos hindi na mabura ang ngiting yan,ha?"

"Wala."Masaya pa rin ako nang sabihin yon.Ganito ang epekto sakin ni bluejin at kung paano nya ako gawing baliw..

Ang Diary Ng WattpaderWhere stories live. Discover now