Chapter 4. - What's happening?

2.7K 85 15
                                    

Chapter 4 – What's happening?

 

 

=KATH’s POV=

 

 

“KATHRYNNN!!”

“AY KABAYO! Bakit ka ba sumisigaw bes?!”

“Kanina pa kaya kitang tinatawag! Argh! Kaloka ka! Ano bang nangyayari sayo?!”

“Ha? Wala naman. Inaayos ko ‘to.” Sabi ko sabay pakita ng mga papel na binabasa at pinipirmahan ko.

Lumapit naman siya sakin at kinuha ang papel na binabasa ko.

“Baliktad,” At saka niya inayos ang papel na binabasa at pinipirmahan ko.

“S-sorry.” Nasabi ko na lang. Hanggang ngayon wala pa din ako sa wisyo. It’s been 7 days mula nung huli kaming nagusap ni DJ. Hindi na din ako pumupunta sa company niya although nadadaanan ko yun pag pauwi na ako sa apartment ko.

“Hay, yung DJ na naman? Ano ba gurl. Malapit na ako mal—“

“Hindi yun, Julia okay? Wag na natin pang alalahanin at isipin pa yun,” Sabi ko at saka binalik ang pagbabasa. “Teka, bakit ka nga pala nandito? Bakit wala ka pa sa work mo?”

“Ha? Ah eh.. Hehehe.” -__- Iba ang tawa ng babaeng ‘to! Pakiramdam ko may kakaiba talaga!

“Bakit Julia ganyan ang tawa mo? Umamin ka -_-“

“Eh kasi besh.. May gwapo ka daw client ngayon. Magpapacater. Narinig ko don sa secretary mo. Ehh besh. Gusto ko lang Makita.”

*boink* “Aray naman besh..” Sabi niya habang hinihimas ang ulo na nasapok ko.

“Gaga. Pumasok ka na nga. Ako ng bahala dun. Pipicturan ko na lang para sayo.”

“Yieee! SI besh! Paraparaan, gusto niya lang para magkaron sila ng picture!” Sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko. Hindi ko naman mapigilang hindi matawa dahil malakas ang kiliti ko sa parteng yun.

“JULIA!”

“Opo. Eto na aalis na, aalis na. Bye besh!” At yun lumabas na ang baliw.

Hay, si Julia talaga. Pero saying ha. Sayang yung kanina ni Diego. Sayang yung nandun sa panaginip ko. Sayang lahat.

“Ma’am Kath, nandito na po si Mr. Castillo.”

“Okay, papasukin mo siya.”

“Okay po.” Lumabas na yung secretary ko at inintay ko namang papasukin niya yung gusto daw ako makausap para sa pagpapacater. Ano ba yan, pwede namang hindi ako ang kausapin eh. Pwede namang yung manager. Kailangan ako pa. =_=

The Story of Us (IASWAH 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon