CHAPTER 20: No Choice

Start from the beginning
                                    

Mas lalong sumama ang tingin sa kanya ng ama dahil sa sinabi niya. Tinulak siya nito sa kama dahilan para mapa-higa siya dito.

Hinawakan niya ang panga niyang masakit at paniguradong namumula na ngayon. Tinignan niya ng masama ang ama niya at hinayaan nalang tumulo ang mga luha dahil sa galit.

May kinuha itong baril mula si likod niya tsaka niya ito itinutok sa anak niya. Nanlamig ang buong katawan ni Aki nang makita iyon. Marunong siyang lumaban pero hindi niya alam kung kakayanin niya.

"Nakikita mo 'to?" hinaplos pa ng ama niya ang baril na hawak nito. "Hindi ako mag-dadalawang isip na gamitin 'to sa boyfriend mo." matapang nitong sabi.

Nanlaki naman ang mga mata ni Aki. Paano niya nalaman?! Pinilit niyang hindi mag-pakita ng emosyon sa ama. Kailangan niyang palakasin ang loob niya.

Dahan dahan siyang tumayo at hinarap ang ama. "Anong kailangan mo sakin? Bakit mo ginagawa 'to?" may diin niyang tanong.

Napangisi naman ang ama niya. "Afraid I might hurt your boyfriend?" mapang-inis nitong tanong.

"Wala akong boyfriend." may diin niyang sabi.

"Really?" nag-lakad lakad ito habang nilalaro ang baril na hawak niya. Sinundan lang siya ng tingin ni Aki. "So, who's Ken?"

Kinagat ni Aki ang ibaba niyang labi at ikinuyom ang mga kamay. Hindi siya papayag na madamay si Ken sa gulong 'to.

"I don't know what you're saying." madiin niyang sabi sa ama.

Huminto sa pag-lalakad ang kanyang ama tsaka ikinasa ang baril na ikina kaba pa niya lalo. "Kirby said that you're with someone earlier. You even kissed that boy. So, tell me." tinignan siya nang mata sa mata ng ama. "Who is Ken?" mahina nitong tanong.

Mas lalo siyang nang-gigil sa ama. Kung ano man ang gusto nito, talagang gagawin niya ang lahat para lang masunod 'yon. At hindi siya makakapayag na madamay si Ken. Kilala niya ang ama niya, hindi ito nag-dadalawang isip na manakit ng tao.

"Don't worry my daughter, I won't do any harm to him." he crossed his arms. "Hindi ko siya sasaktan kung susunod ka sakin."

He's playing with her! Alam niyang wala siyang magagawa kundi sundin ang ama dahil mahal niya ang kasintahan niya at ayaw nitong madamay sa gulo.

Kilala niya ang ama niya, alam niyang hindi ito nag-bibiro. Kung sarili nga niyang ina ay nagagawa nitong saktan at patayin sa gutom at pananakit, si Ken pa kaya na kasintahan niya?

"What do you want?" may diin parin ang pag-sasalita ni Aki.

Ngumiti naman ang ama. "Simple lang naman." humakbang ito palapit sa anak. "Kailangan mo lang mag-pakasal sa mahahanap kong mayaman na pamilya na willing ipakasal ang anak niya sa'yo. At pagkatapos non, makaka-kuha na ako sa yaman nila at makakabawi na ang negosyo ko, pag naka-bawi na ang negosyo ko, pwede mo nang gawin ang gusto mo dahil papalayain na kita. Easy."

Nanlaki ang mata niya at mas lalo pa siyang nagalit sa ama. Ginagawa lang pala ito ng ama niya para sa negosyo niya, para sa pera! May pa-sabi sabi pa itong babawi ito sa kanya, pero gusto lang pala siya nitong pakinabangan!

"Hinding hindi ako mag-papakasal sa taong hindi ko naman mahal." seryosong sabi niya sa ama.

"Siguro nga hindi." mas lumapit pa ang ama niya sa kanya. "Pero pag nakilala ko ang kasintahan mo, sinisiguro ko sa'yong," itinutok nito ang baril sa noo niya. "Isang kalabit ko lang dito, tapos na ang lahat." tsaka ito tumawa nang malakas.

Hindi na siya nag-sayang pa ng oras. Madali niyang nahablot ang baril sa ama. Tinuhudan pa niya ito sa tyan kaya napahawak ito sa tyan niya. Nagkaroon siya ng oras para tumakas.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Where stories live. Discover now