CHAPTER 19: Captured

Start from the beginning
                                    

Sinilip ko ulit ang kotse niya, may ilang sasakyang naka-pagitan sa sinasakyan namin kaya medyo malayo siya sa akin.

Hindi pwede 'to, hindi niya pwedeng malaman kung saan ako naka-tira.

Agad kong kinuha ang phone ko nang mag-vibrate ito.

"Kuin." bungad ko.

[Aki, pwede bang dito ka muna tumuloy sa bahay? Please?] kagaya kanina, tunog nag-aalala nanaman siya.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko.

[Please, wala akong kasama dito sa bahay. Alam mo naman ako, matapang pero hindi kayang lumaban physically. Please, kahit ngayong gabi lang?]

Bumuga pa muna ako ng hangin tsaka nag-isip.

Ayokong madamay ang mga kaibigan ko kung sakaling may binabalak man itong ama ko. Pero may naisip na akong paraan.

"Sige, hintayin mo ako dyan."

[Thank you! Thank you! Ingat ka.] she sounds relieved now.

Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa ko tsaka kumuha ng pera sa wallet ko.

"Kuya, eto po bayad ko. Dito nalang po ako. Keep the change." sambit ko kay kuya habang inaabot ang perang hawak ko.

May nakita akong tricycle sa di kalayuan, mag-iiba ako ng sasakyan.

Pilit akong yumuko nang lumabas ako sa tricycle, mabuti nalang at hindi pa umuusad ang mga sasakyan.

Mabuti nalang at walang sakay ang tricycle na nakita ko kanina, sana naman hindi niya ako nakitang lumabas at nag-iba ng sasakyan.

After a few minutes, umusad na din ang mga sasakyan. Lumiko sa kanan ang tricycle na sinasakyan ko. Sinilip ko naman ang kotse niya, nag-dire-diretso lang siya.

Bumuga ako ng hangin, mukang naligaw ko na siya. Ano nga ba ang pakay niya sakin? Hindi ako naniniwalang gusto niyang bumawi sakin. Sinungaling.

Nang makarating na ako sa bahay nila pink ay nag-doorbell agad ako. Lumabas naman din agad si Kuin at tila ba nag-aalala.

Nang mabuksan niya ang pinto ay sinunggaban niya agad ako ng yakap.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.

"Oo ayos lang ako." sagot ko.

Nang bumitaw na kami sa yakap ay isinara niya agad ang gate at luminga linga pa sa paligid. Hinawakan niya ang braso ko tsaka niya ako iginiya paounta sa loob.

"Dito ka muna mag-stay, bumalik ka nalang bukas ng umaga." sambit niya nang maka-pasok na kami sa loob.

"Hinihintay ako ni Ken. Kagagaling lang niya sa sakit, kailangan ko siyang alagaan." may halong pag-aalala ang boses ko.

Siguradong nag-aalala na siya sakin ngayon dahil nag-tagal na ako.

"Please, tawagan nalang natin siya." pag-mamakaawa ni Kuin.

Sandali pa akong nag-isip. Kuin looks very worried, at pansin ko ngang mag-isa lang siya dito sa bahay.

Kasama naman ni Ken si Manang at Kuya Driver. Uuwi din naman si Tita Jona mamaya, magiging ayos lang siguro siya doon.

"Sige, pero maaga akong babalik bukas." pag-payag ko.

Napangiti naman si Kuin. "Thank you." sambit niya tsaka niya ako niyakap ulit.

She's acting weird. Hindi naman siya ganito dati. Ano ba talagang meron?

Third Person's Point of View

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Where stories live. Discover now