KINABUKASAN, alas nwebe na ako nagising. Nakahanda na rin si kuya habang ako, nakahiga pa rin sa kama ko. "Bangon na jan" wika ni kuya saka niya binato sakin ang damit niyang nagamit na niya "eww ang baho" binato ko ulit sa kaniya ang damit niya. "Maligo kana dapat niya nandon na tayo ngayon eh. Ang tagal mo kasing magising" reklamo pa ni kuya. Nagunat muna ako sabay takbo at lumambitin ako sa likod niya. Alam Kong maiinis siya kapag nagulo ang nasusuklay niyang buhok.

At dahil suwail ako, ginulo ko ang pinakamamahal niyang buhok. Wuahhahah.

Mabilis akong tumakbo papasok sa cr para hindi niya ako magantihan "hoyy pandak, yari ka sakin pag lumabas ka Jan!" Sigaw ni kuya mula sa labas. Natawa na Lang ako.

Mabilis akong naligo at nagpalit, nasa baba na si kuya dala ang mga gamit namin tanging ang pinakamamahal Kong bagpack ang naiwan. Maghahanap pa kasi siya ng pwedeng i-rent na sasakyan papunta sa bahay Nina lolo.

Pagkatapos kong magready ay bumaba ba Rin ako. May narent na rin si kuya payatot na sasakyan. "Dalian mo, wag ka ng rumampa Jan" saad niya kaya binilisan ko Ang paglalakad papunta sa isang Van.

Habang nasa biyahe kami ay biglang nagring ang phone ni kuya, mabilis naman niya 'tong sinagot dahil si daddy ang tumatawag. "Hello baby boy" sambit ni daddy mula sa kabilang linya "hello po, bakit po kayo napatawag dadde?" hanggang ngayon dadde pa rin tawag ni kuya at hindi daddy. Ayaw niyang tawaging daddy si daddy dahil parang ang arte daw.

Pinindot ni kuya yung loudspeaker ng phone niya para marinig namin Kung ang ang sasabihin ni daddy "Where are you?" Tanong ni daddy, napatingin si kuya sa labas upang maghanap ng landmark pero wala siyang makita. Parang gubat ang dinadaanan namin ngayon, puro puno kasi..hehe:)

"Papunta palang kami sa bahay ni lolo dadde, wala akong makitang landmark eh" sagot ni kuya, hinintay Naman namin mung ano ang sasabihin ni daddy at Kung bakit tinatanong niya Rin Kung nasaan na kami ehh Alam Naman niyang ngayon kami pupunta kay lolo.

"Ok hintayin niyo ako. By this afternoon nandyan na ako sa pinas" saad Niya, napakunot Naman kami ng noo ni kuya "pinas po? Diba sa susunod na buwan pa kayo makakauwi?" nagtatakang tanong ko, bumuntong hininga naman si daddy mula sa kabilang linya.

"Yes sweetie but riniquest ko sa boss na paagain ang paguwi ko. Pumayag Naman siya, i miss you both" tugon ni daddy "miss you too Dad" sambit namin ni kuya bago niya pinaba ang phone Niya.

Naisipan ko namang I-montage 'tong trip namin, ang ganda kasi ng daan. Linabas ko na ang camera ko saka ako nagvideo video. Sabi ni kuya kanina mga 3 hours Ang itatagal ng aming biyahe, kaya sinabit ko muna yung camera ko sa side ng van. Hindi ako sure kung magiging successful ba ang pagvivideo ko, gusto ko kasing matulog Kaya sinabit ko na Lang.

Yinakap ko ang bag ko saka ako umidlip, madali ko lang nakuha ang tulog ko dahil nagpapatugtog si kuya ng solemn music.

                           _________
                           _________

"Gising na, nandito na tayo" yinugyog ni kuya ang katawan ko kaya nagising ako, nakababa na siya, napansin ko namang nakatingin ang ibang tao samin. Ilang buwan kaming hindi nakakadalaw kay lolo Kaya miss na namin siya. Tinulungan naman kami ng driver ng van at ang kasama niya kanina na buhatin ang mga gamit papunta sa bahay ni lolo.

Malaki ang bahay ni lolo dito sa probisya kaya kahit lahat kami ang dumalaw sa kaniya ay kasiyang kasya pa rin kami sa bahay niya. Sinalubong naman kami ng mga kasambahay niya "where's lolo?" tanong ko sa isang kasambay "nasa loob ma'am" tumango ako saka dirediretsong pumasim sa loob. Sumunod naman sakin si kuya "lolo, I miss you so much" Sabi ng Makita ko si lolo, agad naman siyang naglakad papalapit samin "mga apo, bat di niyo sinabing dadalaw kayo?" Hinalikan kami ni lolo sa pisngi, nagmano naman kami.

Sunset Is A Sign Of Goodbye!Место, где живут истории. Откройте их для себя