Chapter 21

4.9K 225 71
                                    

Chapter 21


Putangina.

Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan. Wala sa sariling naikuyom ko ang palad ko bago ko iyon tinapat sa dibdib ko at marahas na pinalo iyon.

Kasabay ng pag-hampas ko sa dibdib ko ay ang pagdagundong ng puso ko.

Putangina talaga.

Hanggang ngayon ay malakas parin ang tibok nito.

After Faustian's confession, I was at a loss for words. Dahil sa sobrang pagka-taranta ay dali-dali akong umalis doon. Hindi ko nga alam kung bakit ko iyon ginawa, pero hindi ko rin naman alam ang gagawin ko kung pinili kong manatili pa doon.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko.

Dahil ba ito ang unang pagkakataon na may umamin sa 'kin? O dahil ramdam ko ang sinseridad sa kanyang mga sinabi at naninibago ako sa pakiramdam na iyon?

Honestly, I don't even know anymore.

"Blair."

I jumped in surprise. I slowly turned and sighed in relief when I saw that it was only Brant.

Akala ko sinundan ako ni Faustian.

That would be awkward.

"Okay ka lang?" Brant asked.

"Yeah," I  answered, feigning nonchalance. "Bakit naman hindi?"

He gave me a look. "Baka nakakalimutan mong ilang taon na tayong magkaibigan. Kilala kita. I know when something's bothering you. Now, spill."

Napabuntong hininga ako.

Wala talaga akong pwedeng itago kay Brant... pero kaya ko bang sabihin sa kanya iyong kakaiba kong nararamdaman tuwing nakikita ko si Faustian?

Dati naman ay normal lang iyong nararamdaman ko tuwing nakikita ko si Faustian. Pero simula noong umamin siya sa 'kin nung nag-retreat kami ay parang naging balisa na ako tuwing nakikita ko siya.

Inisip kong ang dahilan no'n ay marahil naguguilty ako sa ginawa ko. But to be honest, I didn't do anything wrong naman. Naaliw lang ako nung pakiramdam ko ay may gusto siya sa 'kin kaya I made use of his little crush on me for my own entertainment. Ngunit hindi ko naman alam na sa pag-amin niya ay iiba rin ang mararamdaman ko.

I'm not saying I like him... I just feel awkward around him.

"What did you and Faustian talk about?" Brant inquired.

Hindi ako nakasagot kaagad. Ilang minuto ang lumipas bago ako nakahugot ng lakas ng loob upang ibahagi sa kanya ang nangyari.

"He... confessed."

Brant didn't look surprised. His face remained indifferent. "And?"

Napakurap ako.

Anong and ang pinagsasasabi nito?

He snorted when he saw my furrowed eyebrows. "Ano naman kung umamin siya sa 'yo? That's old news. Matagal ka namang aminado na may pag-tingin siya sa 'yo 'di ba?"

"Yeah." I quietly said followed by a nod.

"So? Ano'ng meron?"

Hindi ako sumagot.

"Blair, ano ngang meron?" Brant reiterated.

"Wala," I said. "Nevermind."

Bigla siyang natigilan at napatitig sa 'kin. Pakiramdam ko ay isang minuto na ang nakalipas ngunit hindi niya parin inaalis ang kanyang tingin sa 'kin. Napasimangot naman ako. Akmang mag-sasalita na ako nang unahan niya ako.

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Where stories live. Discover now