I decided to crack a joke to ease my discomfort. "Staring contest ba 'to?"

He ignored my statement. "Blair, why did you kiss me?"

He was talking about the play.

I gave him a blank look. "Didn't we settle that already? I did that para manalo iyong group natin―"

"Tell me the real reason." He cut me off.

Kumunot iyong noo ko. Totoo namang iyon ang rason kung bakit ko siya hinalikan. May iba pa ba dapat na dahilan?

"That is the real reason," I remarked, emphasizing my words.

"Would you have done the same thing if it was Brant who was Crisostomo Ibarra?" 

Natigilan ako sa tanong niya. A frown curved my lips. "Of course not―"

"Then why yes to me?" he asked. "Bakit ako hinalikan mo?"

Hindi ako nakasagot.

I could say na dahil magkaibigan kami ni Brant kaya weird kung hahalikan ko siya... pero naisip ko din na kung ibang lalaki iyong nasa pwesto ni Faustian, I don't think I'd be able to kiss them either.

Bakit nga ba?

Mismong ako ay hindi sigurado.

I cleared my throat and shot him a bored look. "Why are you so bothered with this? It's just a kiss―"

"It wasn't just a kiss for me." He muttered exasperatedly, his grip on my hand tightening. "Blair, I like you. Isn't it obvious enough? Gusto kita. Matagal na."

On the outside, I'm sure I looked devoid of any emotion, but on the inside, I was feeling... different. Heat rose from my stomach to my chest. And for some reason...

I felt my heart skip a beat.

Napaiwas ako ng tingin. Marahas kong binawi iyong kamay ko bago pinilit na ngumisi.

"Biruin mo 'yon? My charms even worked on the Student Council President," I said, chuckling. "Better start running, Mr. President. Baka ikaw pa ang sisihin nila kung bakit natalo iyong grupo natin," dagdag ko. Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa siya. Dali-dali akong tumalikod at tumakbo palayo.

Fuck.


Pabalik na kami ngayon sa school. Tapos na iyong 3-day retreat namin at buong retreat namin, ginawa ko ang lahat para iwasan si Faustian. Pati nga si Scarlet ay iniiwasan ko dahil sa sinabi niya sa'kin. Kinikilabutan parin ako doon.

Kami? Magiging magkaibigan?

Ugh.

Katabi ko si Brant ngayon sa bus at kasalukuyan naman siyang natutulog habang may nakapatong na cap sa mukha.

Biglang tumigil iyong bus at sinabi ng adviser namin na kung gusto daw naming mag-CR o bumili ng snacks ay pwede daw kaming bumaba. Dahil hindi naman ako bababa ay sinuot ko nalang ang airpods ko at pinikit ang mata.

Maya-maya ay naramdaman ko ang pagsipa saakin ng kung anuman. Kunot-noo akong dumilat at binalingan ng tingin si Brant na nakasimangot sa'kin. 

I removed my airpods. "What the hell is your problem?"

"Hindi mo ako ginising!"

"Mukha ba akong alarm clock?" Sarkastiko kong tugon.

He glared at me. "Gusto kong bumili ng snacks!"

"E'di bumili ka. Bakit ka pa nagpapaalam saakin? Nanay mo ako? Inire ba kita?"

Sininghalan niya lang ako bago siya tumayo at lumabas na ng bus. Napairap nalang ako bago sinuot muli iyong airpods. Pipikit na sana ako nang makita ko ang isang lalaki na naglalakad sa gitna ng aisle. 

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Where stories live. Discover now