CHAPTER 133

3.1K 163 37
                                    

LISHEINE'S POV:

Hinawakang muli ni Lexie ang kamay ko at inalalayan ako palabas ng elevator. Akala ko ay nasa rooftop na kami pero hindi pa pala. Kailangan pa naming gumamit ng hagdan para makarating sa rooftop.

"Bakit hindi nalang tayo nag-elevator papuntang rooftop?" takang tanong ni Leslie.

"Para may thrill." maikling sagot ni Lexie.

Tahimik lang ako na naglalakad dahil hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari sa paligid. Ano ba talagang meron ha?

"Lexie, ano ba talagang nangyayari?" tanong ko kay Lexie. Tumingin sya sakin at ngumiti ulit ng malaki.

"Malalaman mo na Li. Wag kang atat dyan." sabi nya na syang ikinangiwi ko.

"Kanina pa ka kaya ako curious! Kanina ayaw nyo kaming palabasin ni Noah sa kwarto. Ngayon naman pati ngayon ayaw mo ring sabihin." nakangusong sabi ko.

Tumingin sya sakin habang nakangisi. "Ano nga bang ginawa ninyo ni Noah ng nasa loob kayong dalawa sa kwarto ha?" nag-hihinalang tanong nya.

"Naglaro. Kumain. Nag-kwentuhan. Nanuod. Tas inayusan nya ko. Yun lang." sagot ko.

Lalo naman syang ngumisi ng nakakaasar. "Yun lang ba talaga ha?" nakangising tanong nya.

Kumunot ang noo ko at tumango. "Oo naman. Ano pa bang gagawin namin dun?" takang tanong ko.

"Magliliwaliw. Hahahaha!" sabi nya at umiling.

Ngumiwi ako at napalunok ng makaramdam ng matinding pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko naman nakikita si Noah, pero bakit ganto nalang magwala ang puso ko?

Napalunok akong muli ng aakyat na kami sa huling hagdan papunta sa rooftop. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin kay Lexie na may nangingilid lang na luha sa mga mata.

Tumingin sya sakin at ngumiti. "You are so lucky to have him, Li. You deserve him." nakangiting sabi nya bago kami umakyat sa unang baitang ng hagdan.

"Ano ba talagang meron Lexie?" tanong ko pang muli.

Bago kami umakyat sa pangalawa ay bigla syang nagsalita. "I'm so happy for you.
Be happy with him." nakangiti pang sabi nya bago kami umakyat sa pangalawang baitang.

Hindi na ko nakapag-salita pa dahil naguguluhan na talaga ko sa kinikilos nya. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Leslie ba nagtataka rin ang tingin.

Naibaling ko ang tingin ko kay Wade. Walang emosyon ang muka nya pero ang aliwalas masyado. Hindi ko maintindihan kung ano bang nangyayari sa mundo.

"He's lucky to have you too, Li. He's so happy because he have you." naibaling ko ang tingin ko kay Lexie ng muli syang magsalita.

Muli kaming umakyat sa isa pang baitang. Bumuntong hininga sya at tuluyan na ngang nahulog ang luha sa mga mata nya habang nakangiti.

"He's so inlove with you. To the point na ang dami nyang ginawang effort para sa araw na to." nakangiting sabi nya bago kami umakyat ulit.

Nalilito man ay may kung anong dahilan ang nangyayari sa puso ko na para bang naiintindihan ang sinasabi ni Lexie. Obviously, si Noah ang tinutukoy nyang He.

"You gave him a lot of reason to love himself. You gave him the most greastest gift that no one can give." nakangiting sabi nya at muli kaming umakyat sa isang baiting.

"Happiness. Love. And of course, life. Life full of contentment." sabi pa nya.

Wala man akong maintindihan sa mga nangyayari ay agad na nangilid ang mga luha sa mga mata ko.

SECTION F: The Hidden Secret (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon