IKATLONG KABANATA

Start from the beginning
                                    

"Grabe Joan, ang gwapo ng mga boylet kagabi." kinikilig na saad ni Joward. Isang malaking trip din itong baklang 'to. Kung bakit sa dinadami daming p'wedeng isuot ee gustong gusto ang short at hanging blouse na nagpapakita ng mamasel n'yang katawan. Isama pa ang hanggang balikat nitong buhok na kulay pula.

"Mas pogi si Bruce doon! " Hiyaw naman ni Anne. Kabaliktaran naman ni Joward si Anne. Maiksi kasi ang buhok nito, at kumpara sa uniporme naming hanggang tuhod ang haba, ang kay Anne ay umabot hanggang sakong. Bago pa ako makapagsalita ay hinatak naman ako ni Anding ng magsimula na ang riot ng sagutan 'yong dalawang iniwan namin.

"Okey kalang ba? " Nag aalalang tanong ni Anding.

"Oo naman." tipid kong sagot. Inaya n'ya akong pumasok sa loob dahil doon sa mga kwarto sa taas ang toka naming aayusin at lilinisin.

"Pinag-alala mo ako kagabi kapatid. Ano bang nangyari?" tanong pa ulit nito habang paakyat kami sa ikalawang palapag ng mansyon.

"Hindi ko nga alam. Basta bigla nalang akong kinabahan tapos kung ano-ano na 'yong pumasok sa isip ko kaya napilit ko si Mang Abuh na ihatid na kami." Paliwanag ko naman.

"Kamusta nga pala ang party? " Tanong ko para maiba na ang usapan namin, ayoko na kasing balikan kung ano ang nangyari kagabi.

"Hay naku! Nakakaiyak 'yong mensahe ng mag asawa. Si Manang nga iyak nang iyak, kung hindi pa inalalayan ni Mang Abuh at Joward malamang nahimatay." Natatawang sambit nito na ikinatawa ko rin."Maaga nga silang umalis kanina, pati 'yong pitong lalaki kagabi, 'yong pinagkwekwentuhan nina Joward?" Untag pa nito.

"Isa ba sa kanila ang nakabili ng Hacienda?" Tanong kong muli sa kanya. Ewan ko ba, parang hindi kakayanin ng sistema ko kung 'yong lalaki kagabi ang nakabili ng Hacienda. Pakiramdam ko kasi muling magugulo ang buhay namin ng anak ko kapag s'ya nga ang bagong may ari nito.

"Ahh si sir Andrei ba? Yung umabot ng mic? " tanong ni Anding na tinanguan ko lang.

Magsasalita pa lamang ito ng agawin ang atensyon namin ng pagtawag sa'kin ni Manang Edith.

"Joan! Hayaan mo ng si Anding ng maglinis ng Library. Ikaw nalang ang maglinis ng silid nina Don Alberto." Sabi ni manang sakin na agad ko namang pinuntahan. Sumenyas muna ako kay Anding na mamaya na kami magkwentuhan sa oras ng pananghalian.

Tinungo ko ang kwartong ikalawa sa dulong bahagi ng mansyon. Kumpara sa ibang silid. Sa Mag asawang De Vera ang pinakamali, may sarili itong C.r at napakalaking closet kung saan salamin ang pinakapinto. Sa gitna ng kwarto nakalagay ang King size bed na halos kasya ang limang tao. Malaki rin ang salaming bintana. At ang balkonahe nito'y nakaharap sa malawak na lupain ng mga De Vera.

Sinimulan ko nang tanggalin ang punda ng unan at kobre kama. Pinalitan ko ito ng kulay puti at itim. Sinamsam ko na rin ang mga naiwang kagamitan sa closet at inalis ang ilang larawan na nakakabit sa dingding. Maingat koi tong inilagay sa kahon na naroon. Inalis ko na rin ang kurtina at pinalitan ng bago. Sa sobrang pokus ko sa pag aayos ng naturang kwarto ay hindi ko namalayang tanghalian na.

"Joan! Bumaba kana muna d'yan at tayo'y kumain na muna!" sigaw ni Manang Edith sakin.

"Opo!" sigaw ko naman. Palabas na ako ng pinto ng makita ko ang papalabas nading si Anding sa library.

Sabay na kaming bumaba at tinungo ang kusina. Nakaupo na sila Anne doon nagkakaingay sa kanilang pinagkwekwentuhan. Naupo na rin kaming dalawa at nagsimulang sumandok ng kanin.

"Naku! Joan- kung nakita mo lang yung mga binata kagabi! Susko! Mahahawakan mo ang garter ng panty mo para di malaglag! " hagikgik nito habang may papadyak padyak pang nalalaman na ikinatawa naming lahat.

"Hoy Anne! Yung bibig mo nga!" saway ni Manang Edith na nakatawa.

"Nako Manang naman! Diba totoo naman na ang gwapo nila! Lalo na si Sir Andre!" Hiyaw pa nito.

"Hoy gaga! Feeling ka naman na mapapansin ka n'on. Ang pinapansin n'ong babae hindi nagsusuot ng saya tse! Chura." irap nito kay anne.

"Hala! Magsikain na nga kayo! Etong mga batang ito.! Oh Joan, pwede ka ng umuwi pagkatapos ng tanghalian, alam ko namang may lakad kayong mag ina." Sabi ni Manang Edith sa'kin habang sumasandok ng ulam.

"Opo manang, salamat po." matipid kong sagot.

"Bakit hindi mo isinama si Taurein?" tanong ni Mang Abuh sa'kin.

"Kinuha po kasi s'ya ni tatay kanina." sagot ko naman. Ang tinutukoy ko ay ang tatay ni Anding.

"Naku! Sigurado madungis 'yon pag uwi. Panigaradong sa bukid dadalhin'yon ni tatay at ipagyayabang kung gaano kagwapo ang apo n'ya!" sagot naman ni Anding habang sumusubo nang malaki.

"Kung bakit kasi hindi n'yo pa bigyan ng apo ang tatay mo Anding ee!" si Anne muli ang nagsalita.

"Tsaka na kapag sinipag ang asawa ko."Nagtawanan kami sa sinabi ni Anding, nahinto lamang iyon nang magsalita si Joward

"Manang, kailan nga po pala ang lipat ng bagong may ari ng Hacienda?" Tanong ni Joward.

"Sa isang linggo pa, pero bukas ang dating para tingnan ang kabuuan ng Hacienda." sagot ni Manang Edith.

"Papalitan na nga rin ang pangalan ee." singit naman ni Anne.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Oh bakit? Narinig ko kasi hindi naman si Sir Andrei ang nakabili nito noh." Ngumunguya pa nitong sabi." Magiging Hacienda Dela Fuente na ito sa isang linggo."

Bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsara pagkarinig ng apelyidong iyon. Hindi maari.

Hindi kami p'wedeng magkita kung sakali.

_________________________________

The Lust SufferWhere stories live. Discover now