Dalawang kalahok ang naglakad papunta sa harap at nagbow sa isa't isa bago naglaban.

Malipas ang pitong minuto natapos ang labanan at ang nagwagi ay ang weapon shifter na si Hans.

Sumunod naman ang pangalawang maglalaban at natapos sa loob ng tatlong minuto at nanalo si Yannah na may Telekinesis.

"Number 3, proceed to the arena circle!" Sigaw ng opisyal.

Ako na pala. Good luck self.

Pumunta ako sa arena circle at hinarap ang makakalaban ko. Si Jake, weapon shifter din kagaya ni Hans.

"Afianna, hindi ko alam na ikaw pala makakalaban ko." Nakangisi niyang wika habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagbow na lang sa harapan niya, ganon din naman siya.

"Maghanda ka Afianna! Tatalunin kita!" Sigaw ni Jake at umatake sa akin ng napakabilis gamit ang kanyang axe. I slide to the right at tinuhod ko ang kanyang sikmura at malakasang sinipa siya kaya siya ay lumipad papalayo sa akin, palabas ng arena circle at tumama sa pader na nakapaligid sa amin. Oops. Sobrang nalakasan ko yata ang sipa ko kasi bumaon siya sa pader at nasira naman ang pader habang si Jake ay nawalan ng malay.

Sorry.

Nakarinig naman ako ng mga bulong pero binalewala ko na lamang ito.

And that is how I win my first fight.

Lumipas ang 40 minutes natapos ang lahat na maglalaban kaya winner versus winner naman ngayon for the second round.

Nanalo rin si Gelo sa kanyang laban kanina kaya nakangiti na naman ito lumapit sa akin kanina.

"Ang galing mo talaga, Afianna! Nakakabilib ka talaga! Hahaha! Excited na ako sa laban natin mamaya!" He also pats my shoulder while he exclaimed.

Wala naman akong magawa kung hindi ngumiti kahit hindi niya makita.

Hindi talaga siya nagbabago. Gelo will always be Gelo.

Natapos ang second round na kagaya nong una. Isang sipa lang at labas na sila sa arena circle pero hininaan ko ng kunti para hindi mawalan ng malay. Nakakakonsensya.

The third round will be an all-out battle, matira ang matibay.

Ang mga kalahok na natitira ay si Yannah, Gelo, Michael, Jordan at ako, Afianna. Lima kaming papasok sa arena circle upang maglalaban-laban. Gaya sa first and second round, kung wala na sa arena circle, out na agad.

"Let the battle begin!" The official announced.

"Yannah, unahin natin si Afianna." Sabi ni Jordan pero narinig ko parin.

Gelo and Michael are already fighting sa isang banda gamit ang kanilang mga magic. Fire vs Air. Kung saan apoy ang kay Gelo at hangin ang kay Michael. Sa kapangyarihan pa lang alam mong sino na ang mananalo.

Bigla kong naramdaman ang isang pwersa na pilit akong hindi pinapagalaw. Tiningnan ko si Yannah na siyang tutok na tutok sa akin habang nakataas ang dalawang kamay. Bigla namang nagpalipad si Jordan ng maraming daggers papunta sa pwesto ko.

Para hindi matamaan, I blocked Yannah's Telekinesis using my own Telekinesis without them noticing. I used my case to block the daggers at isa-isa itong nahulog pababa. Kahit gaano pa kalakas ang pagbato ng daggers papunta sa akin, ni gasgas ay wala kang makikita sa case dahil sa magaganda nitong materyales at sa tibay na pagkagawa.

Because of this, pinalabas nila ang sarili nilang weapon at sabay na sumugod sa akin.

This is unfair. I pouted mentally. Pero kailan pa nga ba naging patas pag may laban?

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon